So Do I - Chapter 14

140 2 1
                                    

Kathryn's POV

Eto na naman ako tunganga sa room ko...

*tok tok* *tok tok*

Pagbukas ko ng pinto si yaya..

"Oh ya! Bakit po?" Kathryn

"Yung kuya mo 10 na wala pa" Yaya

"Nako yaya. Nung wala po kayo mas late pa po umuwi si kuya. Di ko nga po alam kung san nagpupunta yun" Kathryn

"Yang kuya mo talaga. Ano na bang nangyayari dun. O sige sige matulog ka na ha" Yaya

"Sige po. Goodnight ya!" Kathryn

Hay nako kuya. Pasaway ka talaga!

Natulog na rin ako..

----------------------------------------------

Morning (Kathryn's POV)

*tok tok* *tok tok*

Nagising ako dahil dun sa kumakatok...

Pagbukas ko si yaya..

"Kath..yung kuya mo wala pa rin eh" Yaya

"Sigurado po kayo?" Kathryn

"Oo tiningnan ko na sa lahat. Wala eh. Tinatawagan ko rin pero wala" Yaya

"Magbibihis lang po ako ya tas hanapin po natin si kuya" Kathryn

"O sige antayin kita sa baba" Yaya

Nagbihis na ako...tinext ko din si Miles at Daniel..

To: Miles Reyes

Girl, pwede ka ba ngayon? Help naman di pa umuuwi si kuya simula kagabi. Hanapin natin siya :)

To: Daniel Cruz

Hi Daniel! Pwede ka ba ngayon? Patulong naman oh, hanapin natin si kuya di pa siya umuuwi kagabi pa :)

*buzz buzz*

2 new text messages

From: Daniel Cruz

Sige Kath! Samahan kita papunta na kami ni Miles sa inyo

From: Miles Reyes

Girl papunta na kami sa inyo

Ang babait ng mga kaibigan ko. Pero kuya naman kasi nasaan ka ba??

Bumaba na ako kay yaya..

"Yaya! Nagpatulong po ako kay Miles at Daniel. Papunta na daw po sila dito" Kathryn

"Buti naman at mababait yang mga kaibigan mo at tutulungan tayo. Nako nasaan na ba yang kuya mo.." Yaya

*ding dong* *ding dong*

Dumating na sina Daniel and Miles at hinanap na namin si Kuya..

"Yaya, nareport niyo na po ba sa pulis?" Miles

"Eh nak pwede lang daw i-report pag 24 hours na nawawala. Hanapin nalang muna natin baka nandian lang yun. Pero tumawag na ako sa guard ng subdivision hindi naman daw nila nakita si Diego" Yaya

"Yung phone pa ni kuya nakapatay. Kagabi pa ni yaya tina-try tawagan wala.." Kathryn

"Eh saan po natin hahanapin si Diego?" Daniel

"Baka naman po nasa court" Miles

"Oo nga yaya! Lagi atang tumatambay si kuya dun" Kathryn

"Halika na! Tingnan natin dun" Yaya

Pumunta na kami sa court nila yaya..hinanap namin si kuya dun pero parang wala naman..

"KATH!!! YUNG KUYA MO!!" Daniel

Nagulat kami lahat kasi nandun si Daniel sa likod ng stage sa court bigla siyang sumigaw na nandun daw si kuya..

Kaya tumakbo na kami lahat papunta dun at nakita namin si kuya na puro sugat at pasa...walang malay..

"Diyos ko! Diego!!!" Yaya

"Tatawagin ko lang po si kuya Jerd para madala po natin siya sa hospital!" Miles

Napatitig nalang ako kay kuya...di ko alam kung paano nangyari sa kanya to...

Dumating na si kuya Jerd at sinugod na namin si kuya sa hospital..

Sabi nung doctor sobrang nabugbog daw si kuya kaya kailangan niya muna mag stay dito...si yaya naman sinamahan ni Miles umuwi sa bahay para kumuha ng gamit...naiwan kami ni Daniel sa hospital..

Daniel's POV

"Kath...okay ka lang?" Daniel

"Oo ayos lang ako..si kuya naman kasi eh" Kathryn

Naiyak na si Kath...at naramdaman ko na sobrang bigat ng dinadala niya..

Niyakap ko si Kath..

"Basta nandito lang ako lagi..para sa'yo. Wag ka mag-alala magiging okay din kuya mo" Daniel

"Thank you Daniel ha! Kahit na galit sa'yo si kuya tinulungan mo parin siya" Kathryn

"Wala yun..walang galit-galit sa pagtulong. Pag may taong may kailangan kahit sino pa siya kailangan tulungan" Daniel

Ngumiti lang siya sakin...

Nag stay lang kami ni Kath dun sa bench sa corridor ng hospital..

Nang may biglang lalaking dumating..

"Princess.." 

---------------------------------

Sino yung lalaking dumating? NEXT CHAPTER NA YUN!! =))

Vote and comment!! :) <3

"

So Do I (KathNiel)Where stories live. Discover now