T T L S - P B L S H: My Answers <3

122 2 2
                                    


Kamahalaaaaaaaaaaaan! Alam kong na-message ko na 'to. Pero hayaan mo naman akong ibahagi sa iba ang mga sagot ko sa katanungan mo, ha? :D Mas maganda rin basahin dito kasi mas malinis. Puro emoticons kasi yung message ko sayo eh. D: Anyway, ito na

~~~~~

1. Top 3 favorite chapter

- 21 // Aftermath of Pain

Bakit? Kasi kinilig ako dito kahit na nakakaiyak. Harharness. De, kasi naman, medyo na-touch ako sa paghawak ni Ash ng pisngi ni Ces para punasan ang luha nito. Promise. Ito 'yung isa sa chapter na kailanman ay hindi ko makakalimutan. Isa pa, dito ko unang naramdaman na may something kay Ash, Ces at Lyric eh.

- 56 // After The End

Dito naman ako namangha. Kasi hindi ito ang ine-expect kong susunod na chapter after mamatay si Ces eh. Ang akala ko, bibigyan mo na ng spotlight 'yung ibang characters. Then, hindi ko lubos naisip na pwede nga palang mangyari 'yun. Nakalimutan ko na, 'Ikaw nga pala si Rayne Mariano. Unique nga pala ang imaginations mo.' So, ayun. Tsaka, grabe 'yung pain na naramdaman ko nang ipakita sa chapter na 'to 'yung mga nangyari sa ibang characters after mamatay ni Ces. Nasaktan rin ako nang malaman ko na hindi si Pitch at Keng ang nagkatuluyan. :<

- 57 // Before Once Upon a Time

Save the best for last. Hahaha. Isa pa 'to eh. Naisip ko talaga dati na, si Lyric ang perslab ni Ces. Na may naudlot na pagmamahalan sila dati. Nagkamali na naman ako. Kasi hindi pala si Lyric. Si Ash pala. Haha. Naiyak din ako dito nang umiiyak si Ces habang sinusulat sa pink paper 'yung, Para Kay Miss Lily Yuzon. Grabe ka, Kamahalan. Tas, napalitan ng smile 'yung sad face ko nang mabasa ko 'yung, 'Sana hindi mawala ang ngiti sa mga labi mo, Prinsesa.'

2. Top 3 Favorite Scene

- 14 // Then There's Ash

Bakit? Simple lang. Dahil nakaka-good vibes ang chapter na ito. At ito ang unang beses na umeksena si Ashbabyloves. :">

- 21// Aftermath of Pain

First touch ito ng LyriCes, 'di ba? :"> Tapos, first touch din ng AshCes? :"> Basta. Tsaka, kundi dahil sa chapter na ito, hindi magiging prends si Lyric at Ces. Hihihi. Ang hirap i-explain eh. Pero ang laki ng epekto ng chapter na ito sakin. Hihi. Plus the fact na ramdam na ramdam ko ang pain sa chapter na 'to.

- 54 // Hundreds of Questions

Kyaaaah! Ito! Ito! Ito ang chapter na pinaka kinilig ako, yet isa sa pinaka nagpaiyak sakin! Kinilig ako dahil sa Little Kisses ni Lyricbabes~ kilig na kilig ako 'dun. But! Naiyak ako dahil feel na feel ko ang pain ni Lyric kabang ni-ki-kiss niya ang every side of face ni Ces. Naiyak talaga ako d'yan. Super love ko 'tong chapter na 'to.

3. Top 3 favorite character

-ASH: Kasi ang unique ng eyes niya. Super nakaka-turn on, to the point na sa tuwing nawawala siya sa eksena, hinahanap hanap ko siya palagi.

-LYRIC: Dahil isa siya sa pinaka misteryosong tao na nakilala ko. Lol. De, kasi naman, may something sa kanya that makes my heart beat so fast. Seriously, Ate. Napapangiti nalang rin ako sa tuwing siya na ang nasa scene eh. Isa pa, sobra akong kinikilig sa kanya kahit na sa kaunting dahilan lang.

ALL ABOUT: Stories of pilosopotasya &lt;3 [2014]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon