Pake 13: Homeworks

92 4 0
                                    

Okay, so andito  ako ngayon para mag-rant (malamang) tungkol sa mga assignments.

Naranansan niyo na ba yung sa isang araw, may walong subjects kayo, tapos bawat isang subject may homeworks o kung ano-anong mga pinapagawa na hindi naman chinecheckan ng ayos? O di kaya'y, may limang quizzes kayo sa isang araw? Eto pa malupet, yung ngayon lang magsasabi kung ano ang i-papaproject sa inyo tapos kinabukasan pasahan na agad tapos sa isang araw periodical exam niyo na? Naranasan ko na 'yan.

Sobrang hirap.

Kaya minsan hindi na lang ako gumagawa, o di kaya, gumagawa man pero basta na. Bakit? Eh sa dami ba naman ng gawain sino bang hindi tatamarin? Jusko. Iniisip ko pa lang na may exam pa nga pala kami bukas eh nagsisi-urungan na mga brain cells ko. 

Sabihin na nating para sa kinabukasan namin lahat ng mga pinapagawang homeworks at projects. Pero bakit sabay sabay?! Kung ang isang teacher nga hindi maturo ang walong subjects, paano na kaya ang isang estudyante? Kaya ba naming aralin yun ng sabay-sabay?! SUBRA NAMAN!

Teacher na rin ang nagsabi, walang taong perpekto. Pero bakit pinapagalitan kami kung panget yung mga ginagawa naming project o kung ano man yan? 

Sigh.

At eto pa, para saan pala yung mga homework? Pandagdag grade? Sus, di namin kailangan yun. Kailangan namin ng pahinga. Pumapasok kami sa eskwelahan bago mag-alas syete, tapos uuwi ng mag-aalas singko. Tapos may sandamakmak na homework pa kami! Sampung oras kami sa school no! 

10hrs (sa school) + 2hrs (sa mga homework) = 12 hrs.

12 hours ang ginugugol namin sa isang araw sa eskwelahan. Halos mawalan na nga kami ng oras sa pamilya namin eh. Ano ba naman yan.

Pero para yan sa mga masisipag eh.

Eh ako, tamad. Pa-wattpad wattpad nga lang ako ngayon sa halip na mag-aral. Ahahahahhaha. Baliw talaga eh no.

Ge bye.

Pake Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon