Chapter 1: The beginning

9 3 4
                                    

*BOGSH! BOGSH!*

"Isabelle! Naku kang bata ka! Ma lalate ka nanaman sa school niyan! Isabelle! Jusko! Buksan mo nga itong pinto! Ano ba?!"

Nubayan? Pati ba naman sa panaginip ko naririnig ko parin iyong sigaw ni mama? Jusko naman!

"Isabelle! Bumangon kana dyan! Anong oras na?! Malalate kana talagang bata ka!"

*BOGSH!!!*

Napabalikwas naman ako ng bangon ng marinig ko ang malakas na kalabog na iyon at napatingin ako sa nasira kong pintuan. Ghad! Not again!

"Ma! Sinira mo nanaman ang pinto ko!" Sabi ko kay mama na mukhang anumang oras ay ipapalo na nya sakin ang hawak nyang Tupperware.

"Ano kaba Isabelle! 7:30 na! Gusto mo bang malate ka nanaman ha?! Unang araw tas malalate ka nanaman?! Maligo ka na!" Sigaw ni mama sakin na nagpalaki naman sa mata ko.

Kalabaw naman! 7:30 na pala?!

" Ma naman! Bat di nyo sinabi agad?! Mama naman ehhh!" Histeryang sabi ko kay mama at dali daling nagtungo sa banyo.

"Jusko! Ako pa ang sinisisi mo! Dalian mo diyan! Kanina pa kita tinatawag!  Bahala kana diyan batang ito." Narinig ko pang sabi ni mama.

Haysss. Nag dali dali naman akong naligo at nagbihis at bumaba na.

Naabutan ko naman si kuya sa kusina habang kumakain. Buti at umuwi tong lokong ito?

"Badong! Hahahaha! Buti at di ka nakurot ni mama sa singit? Hahaha! Ang early bird mo kasi." Sabi ng kuya kong loko loko. Palibhasa kasi last week iyong start ng pasok nya kaya kung makapang lait to sakin ngayon akala mo kung sinong maaga gumising. Tsk!

"Huy ka rin Kaitot! Bakit ka pa umuwi dito kung aasarin mo lang rin naman ako?!" Iritang sabi ko sakanya.

Nagbo board kasi siya. Ang layo kasi nong school ng gago. Tsk

Sya nga pala si Kai Evan Breo. 4th year college na sya ngayon pero isip bata parin kung umasta. Si mama nalang rin ang meron kami. Papa? Hindi ko na sya hinanap pa. Bata palang ako hindi ko na sya nakita. Ayoko ng hanapin iyong mga taong hindi na dapat hanapin pa tsk.

" Alam mo badong? Bat ba ang sungit sungit mo ha? Meron ka ba?" Sabi naman nito

Abat!

"Huwag mo nga akong tawaging Badong Kaitot! Nakakainis kana!" Iritadong sabi ko sakanya na tinawanan lang naman ako. Bwisit tong lokong to ah!

"Hayy naku! Nagbabangayan nanaman kayo! Tumahimik kana dyan Van! At ikaw naman Isabelle! Malalate ka na talaga nyan!" Sabi pa ni mama

Kumuha nalang ako ng pandesal at nagpaalam na sa kanilang dalawa. Ayoko ng kumain! Naman! Ma lalate ako nito! Ang daming sinabi ng lokong Kai nayon!

Pumara na ako ng jeep. Haysss naman.

Ako nga pala si Carolina Isabelle Breo. 4th year high school na ako at kasalukuyang nag aaral sa Pristine High. Dalawa lang kaming magkakapatid. Nag aaral naman si kuya sa Breo Academy. Oh? Alam ko na iyang iniisip nyo! Lolcxz. Akala nyo siguro samin yong school noh? Lol. Hindi! Nagkataon lang talaga na pareho iyong apilyedo ko sa pangalan ng school na pinapasukan ni Kaitot. Simple lang ang buhay namin. May kaya naman kami at may maliit naman na boutique si mama kaya hindi naman kami nahihirapan sa tuition fee namin ni Kaitot.

So much for that! Pinara ko na ang jeep sa tapat ng gate ng school ko at dali daling tumakbo patungo sa Bulletin Board para malaman kung nasan ang section ko. At ng makita ko ito ay dali dali na akong tumakbo patungo ron!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Undefined StoryWhere stories live. Discover now