Fallen Angel [Asystole]

668 13 6
                                    

Umaalingawngaw ang maingay na tunog ng mga sasakyang dumadaan sa gitna ng kalsada, isama mo na din yung mga usok na sadyang nagpapabaho sa lugar. Mga nagsikalat na mga basura sa mga gilid at mga ulilang naghuhukay sa mga maduduming basurahang nadadaanan nila. Isang napabayaang mundo, hindi inaalagaan at pilit na sinisira.

"Manong driver palimos po, pangkain ko lang" Pagmamakaawa ng isang batang pulubi ng may huminto na pampasaherong jeep sa harap niya.

Nagmamakaawa ito sa harap ng driver upang siya ay bigyan, baguhan lamang sa lugar na ito ang bata kaya hindi niya alam kong saan at kanino siya makikikain.

"Ayan bata, bago ka ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita! Oh, ayan bente pasensya ka na ha wala pa kasi akong kitang pera ngayon" Kahit punong-puno na ng kasakiman yung mundong ito may mga tao pa ding busilak ang puso na kahit salat man sa buhay ay patuloy pa ding tumutulong sa kapwa nila mahihirap.

"Salamat po manong, malaking tulong na po ito saakin. Ako po si France mag-iingat po kayo" Masayang sagot ng bata at nagpaalam na sa driver dahil aalis na ito.

Palihim siyang ngumiti at tiningnan ang gusot na bente, "busilak ang iyong puso mali man na gamitin ko yung lihim kong ito dahil, madadagdagan yung kasalanan ko at tatagal akong mananatili dito pero kailangan mo'to, dapat lang suklian yung kabutihan mo" bulong nito kasabay ng pagkinang sa bandang gilid niyang mata.

Siya si France, labindalawang taong gulang kakaibang bata dahil may angkin itong kapangyarihan. Siya ay ipinatapon sa magulong mundong ito upang pagbayaran ang kasalanang kanyang nagawa sa Fantacia. Fantacia ang isang misteryuso at sikretong lugar na pinamamahalaan ng isang makapangyarihang reyna at hari, lugar kung saan nandoon ang mga kakaibang tao na may angking kapangyarihan at naiiba sa lahat. Mga taong napili na biyayaan ng mga kakaibang talento, mga diwata at mga bayani ang mga naninirahan dito.

"Tandaan mo kapag ginamit mo ang kapangyarihan mo sa mundo ng tao, may kaakibat ito na kapalit" Hanggang ngayon pilit niya paring hindi nakakalimutan ang mga huling salitang iyon bago siya itakwil sa totoong mundo niya.

Nakatayo pa din ito at natulala na lamang sa kawalan. Hindi pinansin ang mga sasakyang dumaan sa kanyang harapan at hinayaan ang sarili na mawala sa kanyang wisyo. Isang patak ng luha ang tumulo sa kaliwang mata nito, hindi man niya aminin ngunit nahihirapan na din siya. Hindi na niya alam ang gagawin niya sa isang taong pagala-gala niya sa ibat-ibang lugar hanggang sa napadpad siya dito.

Tumingin siya sa bandang kanan ng may napakabilis na sasakyan na patungo sa kanyang direksyon. Pumikit lamang ito at sa di inaasahang pangyayari tumigil ang mundo at tanging siya lamang ang nakagalaw, dahil sa pangamba binuksan niya ang kanyang mata at saktong mabubunggo na sana siya kaso tumigil ito sa harap niya.

Ang lugar na kinatatayuan niya ay parang isang drawing sa isang istorya kung saan lahat ng mga bagay dito ay hindi gumagalaw, dali-daling tinabunan nito ang kanyang mata ng may dilaw na liwanag ang bumalot sa buong lugar.

"Kung sa tingin mo ang pagkakamatay ang magiging sagot sa lahat ng sakripisyo mo mali ka, dahil hinding-hindi iyon mangyayari . Hindi namin hahayaan na matapos ang buhay mo nang ganito kadali dahil hindi kami papayag" Isang galit na boses ng lalaki ang bumalot sa buong lugar, dahil sa takot umiyak na lang ito na animo'y takot na takot at gustong-gusto na nitong wakasan ang buhay niya dahil napapagod na ito.

Hindi man lang siya nakasagot at parang isang click lang ay bumalik ang lahat sa dati. Mga maiingay na sasakyan at mababahong usok ang naamoy at nakikita niya ngayon.

Nang naramdaman niyang nasa reyalidad na siya ay dali-daling tumakbo ito sa gilid ng kalsada upang iligtas ang buhay niya.

"Bata okay ka lang ba?" Isang mestisang babae ang biglang bumaba sa sasakyan upang tingnan kung maayos lang ito, tumango lamang ang bata bilang pagsang-ayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fallen Angel | Kyle Echarri/Francine DiazWhere stories live. Discover now