Chapter 9 - Brother

6K 203 1
                                    

Nadine's POV

Dismissal time na. Lumabas na ako sa classroom dahil gusto ko na rin umuwi ng maaga. Nakakapagod talaga umattend sa class mo. Dapat nga kanina pa ako umuwi dahil bigla akong inantok. Date kasi hindi ako nagcu-cutting classes. Pero ngayon kayang kaya ko ng magcutting anong oras ko man gusto. At saka wala naman akong pakielam kung pagalitan man ako ng teacher ko. Hindi nila pwedeng pagalitan ang isang sikat na si Bae Suzy.

"Suzy!" Ano ba naman yan? Sino ba ang tumatawag sa akin? At saka pangalawang beses ng may tumawag sa pangalan ko. Nabubwisit na ako ha! Kahit naiinis ako ay humarap ako sa taong tumawag sa akin. Si Jiro pala ang tumawag sa akin.

"Ano na naman ba ang kailangan mo?" Naiinis na tanong ko.Ang ayoko kasi sa lahat ay ang tawag ng tawag sa akin. Madali akong mabuwiset.

"Pwede bang ako na lang ang maghatid sayo?" Nakangiting sabi niya. Ihahatid niya ako ayos din ha. Pero okay lang tinatamad na kasi akong maglakad ng malayo. At saka hindi ko naman dinala ang kotse ko. Hinatid lang naman ako ng driver namin. Tatawag na lang ako mamaya sa driver namin na wag na akong sunduiin.

"Sige!" Matamlay na sagot ko. Pagod na pagod na kasi talaga ako. At inaantok na rin ako. Hindi na ako nagsalita at lumakad papalapit sa kanya. Tulala naman ang mukha niya ng lumapit ako sakanya. Bakit ayaw niyang gumalaw?

"Hahatid mo ba ako o tutulala ka lang diyan?" Matamlay pa ring sabi ko. Inip na inip na ako sa kahihintay na magsalita siya. Pigilan niyo ako at baka masapak ko tong napakapanget na mukha niya.

"S-sige alis na tayo." Naglakad na kami at pumunta sa parking lot. Buti naman naisipan niyang pagbuksan ako ng pinto. Ang akala ko kasi ako pa ang magbubukas ng pinto. Sumakay na rin siya at pinaandar ang engine kotse niya. Ang tahimik naman dito. Ayoko naman magsalita.Kaya natulog na lang ako.

"Suzy gising na." Gising niya sa akin. Hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa bahay ko. Tiningnan ko ang garahe namin at nandito ang kotse ni Kuya. Malamang nandito siya at kasama si Ate Chris. Tiningnan ko ang tabi ng kotse ni Kuya. Parang hindi amin yun eh. Kanino kaya yun? At iniwan sa loob ng garahe namin. Baka may bisita si Kuya maliban kay Ate Chris. Bumaba na lang ako at hindi na hinintay na pagbuksan ng pinto ni Jiro.

"Bye! Suzy," nakangiting paalam niya.

"Paalam din." Inaantok na sabi ko. Pumasok na ako sa loob.Dahil kailangan ko na talagang matulog. Dahil baka anong oras ay pwede akong mahimatay dahil sa antok. Pagkapasok ko sa loob may nakita akong dalawang tao. Isa babae at isa naman ay lalake, mga kasama ata ni Ate Chris.

"Oh! Baby girl andito ka na pala?" Gulat na sabi ni Kuya. Tiningnan ko ang dalawang tao na kasama ni Ate Chris. Bigla akong nagulat. Bakit nandito na naman ang dalawang to dito sa bahay ko?

"Ano na naman ba ang ginagawa niyo dito?" Galit na tanong ko. Buwisit na buwisit na ako ha, kapag nabuwisit baka hindi ko mapigilang magwala sa harap nila.

"Suzy,anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Kyo. Bakit ako nandito? Eh sarili ko tong pamamahay eh. Pwedeng pwede ko kayong palayasin sa pamamahay ko.

"Bahay ko kasi to!" Galit na sigaw ko. Bigla na lang nawala ang antok ko. At napalitan naman ng galit ang antok ko kanina.

"Suzy, mahiya ka naman sa bisita ng Ate Chris mo?" Mahinahong sabi ni kuya. Bakit naman ako mahihiya? Galit na nga rin ako kay Ate Chris, bakit pa ako mahihiya? Nakakabuwiset na ang boses ni Kuya. Kaya tumakbo na lang ako papalayo sa kanila. Dumiretso na ako sa kwarto ko at nagwala. Hanggang sa napaos na ako ay tumigil na rin ako sa pagwawala. Tutal gabi na rin ay natulog na lang ako.

KINABUKASAN.Saka ko lang nalaman na kapatid pala ni Ate Chris si Kyo. Kaya niya kasama si Kyo kahapon. Nalaman ko na lang kahapon. Dahil sinabi sa akin ni Kuya kahapon.

[Flashback]

Nagising ako ng may kumakatok sa pinto ko. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Pagkabukas ko ng pinto ay si Kuya pala ang kumakatok.

"Kuya, anong kailangan mo?" Inaantok na tanong ko. Kakagising ko pa lang kasi. Kaya hindi ko magawang sumigaw. At saka paos na ako pero bukas wala na rin to.

"May sasabihin sana ako sayo, pero bago yun ay pwede muna ba ako ng pumaso sa loob?" Pinapasok ko muna siya sa loob. At pinaupo sa higaan ko.

"Ano naman ang sasabihin mo?" Mahinahong tanong ko. Gusto ko na kasi matulog dahil inaantok na ako.

"Alam mo ba kung kaanoano ni Chris si Kyo?" Tanong ni Kuya. Bakit kaanoano ba ni Ate Chris si Kyo. Baka pinsan, sana nga pinsan lang niya yun.

"Bakit kaanoano ba ni Ate Chris si Kyo?" Tanong ko.

"Kapatid ng Ate Chris mo si Kyo." Nagulat naman ako sa sinabi ni Kyo. Kapatid ni Ate Chris si Kyo. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Kuya. Naalala ko dati nung nagkita kami ni Kuya ay bigla ko na lang siya sinigawan. I felt so bad sa ginawa ko.

"Kuya, sorry pala dahil nasigawan kita dati. Gusto mo bang malaman kung bakit ako galit na galit kay Kyo at Jenica?"

Handa na rin naman akong aminin kay Kuya ang dahilan kung bakit galit na galit ako kay Kyo.

"Oo." Sagot niya. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Kyo. Kinuwento ko na rin ang panloloko ni Kyo sa akin. At ang pagtratraydor sa akin ni Jenica.

"Eh gago pala si Kyo eh!" Galit na sigaw ni Kyo. Hinawakan ko nalang ang kamay ni Kuya, kasi alam ko magwawala siya. Mahal na mahal kasi ako ni Kuya. Kung sino man ang nanloko sa akin ay pupuntahan niya ay sasapakin ang mukha. Bigla akong napangiti dahil magkabati na kami ni Kuya.

"Anong ngini-ngiti mo diyan?" Tanong ni Kuya.

"Masaya lang kasi ako.Dahil magkabati na tayo." Masayang sabi ko. Talaga naman masaya ako dahil magkabati na kami ni Kuya. Bilang sagot ni Kuya ay niyakap niya ako ni Kuya.

[End of flashback]

Nerd's Revenge [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon