Mahal ko sya, Pero Bakla sya

254 9 3
                                    

Copyright © MiidnightMist, 2014

All rights reserved. 

Mahal ko sya. Sobra sobra. Kahit alam ko na impossible na mamahalin nya ako. Gagawin ko parin ang lahat para maibalik ang totoo’ng sya.

Oo ako na ang selfish. Pero ano ang gagawin ko kung sobrang mahal ko sya? Kayo ba, kapag sobra’ng mahal nyo ang isang tao hindi rin ba kayo magiging selfish?

“Ang ibig sabihin lang nyan ay kailangan mo nang mag move on Ali” sabi ni Erica. Isa sa pinaka-close friend ko.

“Pero paano?” tanong ko sa kanya.

Paano? Paano ako makakapag-move on kung sobrang mahal ko na sya? Paano pa ako makakapag-move on kung kahit isang araw na ‘di ko sya nakikita ay parang mamamatay na ako? Paano pa ako makakapag-move on kung everytime na ngumingiti sya sa akin ay natutunaw ako? Paano pa ako makakapag-move on sa bakla na iyon?

Sa bakla na iyon na ubod ng gwapo?

Sa bakla na iyon na ubod ng bait?

Sa bakla na iyon na tumingin lang sa’yo ay natutunaw ka na?

Sa bakla na iyon na kausapin ka lang ay parang gusto mo nang tumalon sa malaking building?

Sa bakla na iyon na kahit never maiinlove sa akin ay mahal ko parin?

Sa bakla na iyon na sobrang mahal ko?

Mahal ko sya, Pero Bakla sya (ON-HOLD)Where stories live. Discover now