Tinta ko

5 0 0
                                    

Ikaw ang tinta ko
Ikaw ang nagsisilbing kulay sa mga letra ko
Letra na inisip at hinugot sa puso
Sa bawat pagsusulat, iniingatang wag mag-kamali
Dahil ayokong masayang ka
Ayokong mapunta sa wala ang kulay na unti-unting binabawas ko sayong mga mata
At dumating na nga ang araw na kinatatakutan ko
Naubos ang kulay na nagbibigay buhay, tinta ko
Ayokong iwan ka, pero kailangan na talaga
Di ko naman ginusto na ipagpalit ka, sa lapis na may pambura
Sa lapis na naitatama agad ang mali, ngunit pag-tumagal lumalabo na

BoringWhere stories live. Discover now