Ang pinakaGWAPO

276 13 20
                                    

Napanood niyo kung paano nagbago ang pangarap ni Arvee. Ngayon naman ay mapapanood niyo kung paano nabuo ang mga gwapong lavanders.

Lets watch this...

Si Xian ang pinakagwapo sa lahat, ang naunang naging labandero sumunod si Yuu at ang kalihim na kabiyak ni basha na si Ian at sumunod naman si Zack, anak bulan lang siya dito. Gwapo silang apat peo mas pinakagwapo po si Xian. Maliban diyan si Xian po ang pinakagwapo. Teka! Nasabi ko na bang si Xian ang pinakaGwapo?

At yan po ang story kung paano nabuo ang lavenders! Haha. Aray ko! (Hinampas ako ng router ni hacker habang nagtatype) Tanga rin ang hacker short story nga kasi to. Bakit ba?!

Anyway, lets proceed to the real story...

Marami kaming mga empleyado tignan niyo na lang sa bio ng @tide_bar. Karamihan dun ay hindi ko kakilala, aba malay ko kung saang call center agency sila kinuha.

"Arvee" malambing na tawag ni Xian sa akin. Kinilig naman ako. Nahihiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan kong lupa. "Pakiss nga" malambing niyang bulong habang hinihimas himas ang 6 pack abs niya!

"Eeee! Ang lende me. Enebe meremeng nekekekite" habang pinapaikot-ikot ko pa ang buhok ko sa daliri ko. Ayan nagkanda buhol-buhol tuloy. Dry kasi.

Hindi nagpaawat si Xian at akma na niya akong hinalikan. Ayan na...

"Aray ko" Sigaw ko ng lumanding ang eroplano sa noo ko. Ay este stinelas lang pala.

"Arvee! Yang nguso mo nagpout ka na naman. Sino bang gusto mong halikan? Yan langaw na kanina pa lipad ng lipad?" Basag trip talaga si Denise Laurel. Kapwa ko Dancer pero sa tuwing sumasayaw siya, wala siyang ilaw, total blackout, wala ka talagang makikita kundi puro shadow, buti na lang hindi nakisali ang shadow ni Peter Pan. Hindi kasi siya kakinisan. Sabi yan ni Basha, hindi po ako may sabi niyan. 

"Panaginip lang ang lahat?" Tulala pa si Arvee na parang kunyari nagulat siyang hindi totoo yun.

"Tanga! Hindi ka naman natutulog, tulala ka lang" Singit ni laurel...

"Mas tanga ka! Tinutukoy ko ang panaginip ni Maira. Huwag mo nga kong kinakausap. Kung ayaw mong adobohin kita."  Sabi ko habang naglalagay ng stains sa damit kong itim. Putcha pink ang hirap mansahan.

"Arvee, crush mo si Xian noh?" Nang-asar pa ang mukhang libag na 'to.

"Oo! Ako na lahat! Pati pagkamatay ni Rizal, kasalanan ko. Pati yang pagka-itim ng balat mo, kasalanan ko na rin" Lumuha-luha pa ako. Kaya kumuha ako agad ng sibuyas at hiniwa-hiwa.

"Ang OA mo Arvee" sinabunutan ko siya sabay tinulak-tulak pa!

"Hindi ako OA! Hindi! You may know my name but not my story! I was never your partner, I'm just your wife! Sleepery when wet!" Naubusan tuloy ako ng english dahil sa balugang to. Ayun nagwalk-out, sasampalin ko pa sana, sayang nakalayo na. Hindi naman ako aso para habulin ko pa.

Ayan na ang apat na Lavenders. Naghuhubad na ng pang itaas. Tumakbo ako agad. Kumuha ng kanin at pinagmamasdan sila.

Nagulat na lang ako, nakikain na rin sina Sammy, Kai pati ang manager na si Basha.

"Excuse---" sinubuan na ako ng kaning lamig ni basha bago ko pa mai tuloy ang pagsasalita ko.

"Ayan na.. ayan na" Sigaw ni Kai.

"Anong ayan na, ayan na? Lalabasan ka na ba?" Tinginan ang tatlo sa akin. Lalabasan mo na ba? I mean pupuntahan mo na ba? Wag green"

Bago pa makareact ang tatlo ay papalapit na ang mga lavanders sa amin. Mga itsura naming apat naka-nganga. Tumutulo pa ang laway ni Kai. Kulang na lang kukumbulsyonin na. Si Basha naman biglang kumain ng polboron. Eh wala namang polboron. Kame ni Sammy cool lang. chill lang!

"Arvee, anong nangyayare sa iyo?" Sigaw ni Sam. "Tulong! nangisay na si Arvee, bumubula na ang bibig."

"Heto ang ebidensya, pakete ng Tide. Kinain niya to kaya bumula ang bibig" Singit ni Ian.

Magkalapit na si Basha at si Ian. Hindi na mapakali si Basha, at Tumagay na ng Beer Gin, pumapak ng peanut at sumubo ng Saging. Grabe saan niya kaya nakukuha ang mga pagkain na yan.

Si Kai naman naging statua na, hindi na makagalaw. Ano bang mga problema nila? Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo? Pero mas pinakagwapo naman si Xian. Nabangit ko na bang gwapo si Xian?

Pag gising ko, nasa kama na ako, Ang bango at ang linis ng silid and what? Silid ito ni Xian. 

"Bago ka himatayin ulit. Pwede mag-usap muna tayo? Simula nung nandito ako, hindi kita nakitang hindi hinimatay." Hindi ako makapagsalita kaya ayun. Hinimatay na naman ako.

"Arvee, gising! Ano ba, Gumising ka na, buong araw ka ng natutulog" 

"Huwag mo nga akong alugin. Nasisira ang bangs ko." Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko at si Xian nga ang nakita ko. Bago pa ako himatayin ulit. Hinalikan niya ako...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 17, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Si Labandero at Si GROWhere stories live. Discover now