Chapter 1 (PAST)

38 2 0
                                    

Medyo katulad po ito ng "STAY AWAKE AGATHA", LOVELOTS!

~~~

Third Person's POV

"SKY!!! Bumalik ka dito! Pasaway ka talagang bata ka!" Sigaw ng matanda na hinahabol ang batang lalaki.

"Kuya Cargosin naman eh, ayaw ko nga mag pa-therapy!" Sigaw pabalik ni Shawn na nagmamakaawa at binilisan ang pagtakbo.

Nakakita ang batang lalaki ng isang kwarto at nagtago siya doon. Pagpasok nya sa kwarto ay may nakita syang batang babae na mahimbing na natutulog.

"Psst, Wag ka maingay ah! tatago lang ako dito!" Sabi ni Shawn sa babae at umupo sa katabing kama doon pero napansin nyang di sumasagot ang bata at di gumagalaw kaya nilapitan nya ito.

Ngunit nakita nyang tulog ito.

"HEY, WAKE UP SLEEPYHEAD! TANGHALI NA TULOG KA PARIN!" Sigaw ni Shawn habang niyuyugyog niya ang batang babae pero lalo syang naiinis nang hindi sya magising.

"Hoy, gising! Pag 'di ka gumising hali-" 'Di na niya natuloy ang sasabihin dahil bumukas na ang pinto at niluwal nito si Cargosin.

"Ikaw talagang bata ka nandito ka lang pala!"

"Kuya naman eh, ayaw ko nga please!" Pagmamakaawa ni Shawn sakanya.

Hay, tara na n-"

Hindi na rin natuloy ni Cargosin ang sasabihin niya dahil bigla nalang nagsalita ang babae na natutulog ng mahimbing kanina.

"S-sino po ka-kayo? Ba-bakit po kayo nand-dito?" Sabi ng babae na nauutal at halatang nanghihina.

"Hala, gising ka na Sunny!" Masayang sabi ni Cargosin na maiiyakiyak pa.

"Tsk, bakla ano naman kung nagising sya?" Bulong ni Sky.

Tumawag ng doktor si Cargosin at pinapunta dito sa kwarto ni Sam. Sinabing gising na ito pag katapos non ay hinila na ni Cargosin si Sky.

"Kuya ayaw ko na talaga please!" Nakalabas ang babang labi si Sky.

"Hay nako! Sa ayaw at sa gusto mo 10 taong gulang ka na takot ka pa rin, halos 5 taon ka na nag gaganto!" Sabi ni Cargosin at tumawa.

"Hayst, geh kuya mangasar ka pa!"

8 YEARS LATER

~~~

Edited by: XUXIUMlN (Bestfriend ko~)

Remember My LoveWhere stories live. Discover now