bobo 1(cost)

87 5 0
                                    

INDAY POV

Pagkatapos ng sagutan namin kanina ni epokrita sa palengke umuwi na din ako, duh ano pa bang gagawin ko dun? I'm damn with her you know, tong beautifulness kung mukha na pang miss universe ay di dapat ma stress sa kagaya lang ni epokrita at nita.

"Hoy inday! Nakita kita kanina nakipag away kay epokrita grabe ang galing mo, ang galing mo ding mag english talo mo pa yung mga americano."

Nandito pala tong isang chismosa. Kanina pa to eh, kaso diko lang pinapakinggan ang ingay. Ang dyosang kagaya ko di dapat maingayan kaya am gonna chillness my ear you know.

"Tsk, sumusobra na yun. Ang dyosang kagaya ko ay di dapat basta bastang magpapatalo sa kagaya lang ni epokrita." -ako

"Kunsabagay. Ang mga dyosang kagaya natin ay di-"

"Anong dyosang pinagsasabi mo? You know Missy ang dyosang tinutukoy ko ay yung sarili ko lamang. Dika kasali dun." Pagpuputol ko sa sasabihin niya, may masamang hangin kasing bigla biglang lumalabas sa bibig nito na hindi ko gusto. Dito sa baryo namin ako lang ang maganda dito. Ayaw niyong maniwala?

Nung sumali ako sa beauty pageant dito sa baryo namin ako ang champion. Ang galing ko kasi. Nagtatanong kayo kung ila yung kalaban ko? Dalawa lang kami tapos ako ang champion. At kaya bitter din si epokrita sakin kasi natalo ko siya dun sa pageant ang ganda ko kasi you know. Ang bitterness dzae! Di maka move on.

"Grabe ka talagang magsalita inday ang hanash teh! Abot dito oh." Sabay turo doon sa dibdib niyang wala namang laman kung ipagtabi tong kaibigan ko sa pader siguro mapagkamalan din itong pader kasi ang plat.

"Totoo naman, sige una nako sayo pupunta pako sa skwelahan nakalimutan kong lunes pala ngayon at you know late na din ako at ang kagaya kung dyosa kagit dapat late na ako dapat kalma lang. Dyosa ako ei." Pagpapaalam ko sakanya sabay lakad ng mabilis para di na siya makapagsalita. Naiwan siya nakanganga doon sa kalsada. Ewwness baka pasukan yun nang langaw.

Anong oras naba? Omyghadness late nako! 8:30 pasok ko. Kaya dali dali akong pumasok sa bahay namin at tumakbo sa kwarto para makapagbihis na ng uniporme. Pagkatapos kong mag ayos aalis na sana ako ng diko makita si Nanay. Asan naba yung maganda kung nanay? Siguro andun pa yun palengke. Patay ako nito ni nanay pag nalaman niyang nakipag away naman ako. Pero diko naman kasalanan yun epokrita started it first. Ohmy! Nanlalaking mata kung sabi sa sarili ko.

Mali pala yung pagkaka english koooo. No, andwe..waeyo, Char.

Ang bobo ko pero dahil dyosa ako dapat kalma lang. Sige ibahin natin 'epokrita starts at first you know.' Pak Ganern! Ang galing ko talaga. Goodsjobs Inday.

Habang naglalakad ako papunta sa skwelahan namin muntik na akong mabundol nung magarang kotse. Putek! Ang dyosang katulad ko ay di dapat magaang mamatay. Baka wala nang dyosa na kagaya ko ang makikita nila dito sa earth.

"Hoy! Bumalik ka dito!" Sigaw ko habang hinahabol yung muntik nang makabundol sakin. Nang dipa talaga siya huminto hinubad ko yung sapatos ko ato linagyan ng malaking bato na sakto saktong sa sapatos ko at binato ko yung sapatos ko dun sa sasakyan na yun.

PAK!

Ang galing! Ang galing ko! Tinamaan konkasi yung bintana sa may likuran nito. At di naman ako nagkamali huminto  kaagad yung sasakyan na muntik nang makabundol sakin. Walang modo porket mayaman sila gaganyanin na nila kaming mga mahihirap! Kuyom kamao akong lumapit doon sa sasakyan at kinatok ko nang pagkalakas lakas yung binta.

"Fuck woman! Anong problema mo?" Galit itong lumabas sa sasakyan nito at marahas na sinarado ang pinto.

Letse! Siya pang may ganang magalit dito! Samantalang ako yung muntik na niyang masagasaan. Pagalit akong tumingin sakanya. At parang napako ako sa kinatinayuan ko nang makita yung mukha nang lalaking muntik nang makabundol sakin.

 Inday ang LEGENDARY na Bobo(On-Going)Where stories live. Discover now