Chapter 8- Celebration

2.7K 72 5
                                    

Louie POV

Andito na kami sa kotse, Pauwi galing University, Ng Napag isipan naming mag celebrate na apat, syempre pinaghirapan namen yun kahit na may natalo samen.

"San ang venue?" tanong ni Gd

"San pa? Edi kela--"

at sabay-sabay kaming tumingin kay Antukin.

"h-hoy! Bat ganyan kayo makatingin? Hindi pede samen noh. Sainyo nalang Sebastian takte naman oh." inis na sabi ni Tomo 'the king of the bed' pffft. Ge Korne xD

"Haay! Sige na nga. Andito na tayo" Seb sabay baba sa kotse.

"Buti naman at---EH POTA BAHAY NAMEN TO AH! ANO BA? DIBA SABI KO KELA SE--"

"Timothy anak, ikaw na ba yan?" dinig kong sabi ng mama ni Antukin.

"TITAAAAA!" sigaw nung dalawang bugok.

"oh? Andito pala kayo, hala pasok dali" tita habang inaaya kami na pumasok ng bahay.

Yung mukha ni Antukin, pamatay! Pfft. Ayaw niya kasi ng nandito kami sa kanila, Hindi daw namin deserve asikasuhin. Anak ng -___-

"What do you want to eat boys? I'll cook." excited na sabi ni tita.

She love's cooking, at masarap naman talaga, Kaya pag nagkakayayaan dito agad ang tuloy namen.

"Oh? Anung masamang hangin ang nagdala sainyo dito?" mataray na sabi ng kapatid ni Antukin.

"Hi XiL!" bati ni Gd pero dire-diretso lang to paakyat.

"Aba! Paano niya nagagawang dedmahin ang karisma ng isang Gd huh? Sabihin niyo nga?" pag iinaso ni Gd

Hay talaga naman -___-

"Food is ready~ dun tayo sa labas kumain. Tapos gawa nalang tayo ng bonfire para masaya ^___^" masayang sabi ni Tita Mira.

Kaya lumabas kami para ayusin ang mga lamesa at upuan. Kasama ang naka busangot na si Tomo.

"Bwisit bwisit! Imbis na natutulog na ko kayakap si kirby eh andito ko ngayon at kakain kasama ng mga ungas na to. Asar >_

"Okay lang yan brad. Ayaw mu nun nakikita mo ang perpekto kong mukha?" epal ni Gd habang nilalatag yung table cloth

"Mas gusto ko pang matulog kesa titigan yang pagmumukha mo! Kaya nga ayokong nandito kayo kasi nasusuya na ko sa mukha niyo, Give me a break!"

Aba gagong to ah!

*TOOIIINNNK*

"AAAH" sigaw ni tomo habang nakahawak sa ulo.

"Masyado kang maingay -____-" bored na sabi ni Xil.

"XiLLy honey, You so mean to your brother. Why?" tita habang inilalabas ang mga pagkain

Sadyang pinaglihi lang talaga yan sa sama ng loob. Naaalala ko tuloy si Erza sa kanya -____-

"Wala lang hehe ^__^V" kita niyo? Baliwag yan eh, Hot and Cold.

"Let's eat" sabi ni tita matapos maayos ang mga pagkain kaya humanap na kami pwesto.


"Louie and Sebastian won while Tomo and Gd lose am i right?" biglang sabi ni Xil habang kumakain kami.

"hay Xil, wag mu nga basahin ang utak ko!" Gd sabay kagat sa manok.

"LoL! Wag kang magpanggap, wala ka naman utak ah!" Sabi ni Tomo sabay bato ng tissue kay Gd.

"Baka ikaw! Kung utak lang din naman ang paguusapan Aba, ako na yon. Genius Gd is the name Lolo ko kaya si Einstein"

"KALOKOHAN!" sabay-sabay na sabi namin.

Proposing to a Stranger --COMPLETED--Where stories live. Discover now