2.) Meeting Dyosa ng Kamatayan

137 2 0
  • Dedicated kay Katherine Kay Porras Llesis
                                    

"Grabe ka naman, Hanna! Nakakahiya ka na. Kumain ka nga ng maayos." 

"Wow, ako pa yung grabe? Hindi po ako yung may make-up ng ketchup sa buong bibig niya." Biglaan nalang ako sinampal ng tissue ni Hanna.

Nandito na ngayon kami sa canteen. Ako, kumakain ng fries na lublob sa ketchup kasi may topak din ako sa ketchup, problem? Wala? Good. Si Hanna naman, simpleng burger lang ang in-order pero halatang PG ang kain ng bruha na'toh.

"Uy, ayan nanaman yung admirer mo." 

sumilip ako ng konti sa likod para makita kung sino tinutukoy ni Hanna. Daniel Padilla! Ay...Tumalikod....Orangutan na may halong hitler ang mukha. Hipon talaga ang peg? 

"Admirer ka diyan. Yang loko na yan? Sa dami ng girlfriend niyan ako pa yung liligawan niyan? Deny ka lang, selos ka lang kasi hindi ka masyado pinapansin ni Kage." Patawa kong sabi bago kumagat sa fry ko.

"Selos?! Ahahaha! Baka?!" 

"Bakit? Tama naman di ba?"

"For your information, isang lalaki lang ang para sa akin." Nag point si Hanna bigla sa may direksyon ng mga loko.

"Si Dane?!" Napasigaw tuloy ako. 

"Tumahimik ka nga diyan! Kaya ayoko sabihin sayo yung love life ko, e!" Binatukan bigla ako ni Hanna ng plastic ng burger niya. Potek, may natirang ketchup yung wrapper! Yan tuloy, nalagyan yung uniform ko!

"Oo na, sus...Kelan pa? Bakit siya? Hindi ba mas ubod sa ka-gwapohan si Cyan? Halos mag-kamukha naman sila, ah." 

"Ehh...Actually, matagal ko na rin siya na gustohan. First year pa tayo nun, e. First time ko pa nga siya nakausap face to face nung nasa library kami."

"Ayieee! Naging babae na din si Bestie! Naging dalaga na din!" Sunod na din and sapak sa noo ko pagkatapos ko makilig. Ang init talaga ng ulo.

"Itigil mo nga yang pag lalandi mo, alam mo naman nakakairrita yung mga ganyan." 

"Yes ma'am!" Nag salute ako pero nag bigay muna ng glare kay Hanna.

"Well, well, well...Ito nanaman yung mga 'L' ng school." Bigla may boses nag salita sa likod namin ni Hanna. 

"Ano nanaman yung kailangan mo Kath? Tignan mo nga, bigla nalang nabulok ang pagkain ko nung dumating ka, Ms. Dyosa ng Kamatayan." Inalis ko muna yung fries ko, hindi pa rin lumilingon at baka mas lalo pa mabulok ang kalooban ko.

"Kamatayan ka diyan?! Ikaw nga yung Impakta! Basta FC kay Kage!" Sigaw ni Kath, halata naman na narinig ng iba kasi nakatitig na ngayon ang mga estudyante sa paligid namin.

"For your information, hindi po ako FC. And tunay na FC ay yung malanding na ngangalangan na Katherine Llesis." 

"Ugh!" Umalis din kaagad ang Dyosa ng Kamatayan at nakatitig pa rin yung mga estudyante sa amin.

"Ano tini-tingin. tingin niyo diyan? Wala ba kayong ibang ginagawa sa buhay?" Sa waka! Nag salita na din si Hanna! Grabe, makatulong naman kanina? Thanks ha, thanks.

"Salamat sa tulong, Hanna, Salamat." Nag-roll nalang ako ng eyes habang sarcastic pa rin ang tono ng boses ko. Si Hanna naman, nag bigay nalang ng peace sign.

"Kinaya mo naman siya, e...Yan si Jazz Mendoza! The woman of no fear! The dare devil, the courage taker, the--"

"Tumahimik ka na nga, halika na. Magsisimula na yung klase." Tumayo na kaagad ako sa table at lumabas na kaagad kami ni Hanna sa canteen.

Project: Make The Bad Boys FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon