Chapter 19- Bracelet

27.2K 500 10
                                    


Chapter 19


*Aerah's POV


I need DS. I need them I know they will help me with this problem. Pano ba to?

"Troy"

"What?" Nakakunot-noong sagot niya sa akin. Tinopak na naman. Nandito kami sa sala nanunuod ng TV.


"Nagugutom ako" sabi ko sa kanya with matching pout pa yan. Nagugutom ako kasi naman hindi ako nakakain ng maayos kanina dahil sa dumating na bwesita.

"Tss" Tumayo naman siya at pumunta na sa kitchen. Kahit naman may lahing impakto yan may kabaitan din naman yan sa katawan hindi nga lang halata palagi kasing nakakunot ang noo.


*Troy's POV

Nandito kami sa sala nanunuod ng Tv nang bigla akong tinawag ni Aerah. "Troy" lumingon ako sa kanya. "What sagot ko. Ngumiti naman siya at nagpuppy face. "Nagugutom ako" sabi nya at gusto ko ng kurutin ang pisngi niya dahil ang cute niya nagpout pa kasi.


"Tss" tumayo ako at pumunta sa kitchen. Nakakainis bakit kasi ang konti lang ng kinain niya kanina. Binuksan ko yung ref kinuha yung lasagna na nakabalot sa box nilagay ko sa platito yung lasagna at nagsalin ako ng juice sa baso. Dinala ko ito at bumalik na sa sala.


"Aerah" oh?wala siya asan na yun?Tiningnan ko yung kwarto ko pero wala siya. Napalingon ako sa bedside table ko at SHIT! Nawawala yung susi ng sasakyan ko! DAMN aerah! Naisahan na naman ako ng babaeng yun. Saan ba siya pupunta? Bakit umalis siya ng walang paalam kinuha niya pa ang sasakyan ko. Langya!


*Lexus' POV

"Hello,nahanap mo na ba?" tanong ko pagsagot niya sa tawag ko. "I'm sorry sir, wala po"

Damn! Bakit ba kasi hindi nya yun mahanap, shit talaga. "Hanapin mo yun!" bulyaw ko sa kanya..

"Pero sir,3 years ko na yun hinahanap, wala po talaga. Baka po wala-" napatigil siya sa pagsasalita ng minura ko siya. "FUCKING SHIT! SHUT UP! JUST DO WHAT I WANT YOU TO DO! BINABAYARAN KITA KAYA GAWIN MO YUNG TRABAHO MO!" nakakabadtrip! ayokong magalit pero pinapainit nya yung ulo ko. 

Pinatay ko ang tawag umupo ako sa couch at napahilot nalang ako sa sentido ko. It's been three years, pero hindi ko pa rin yun nahahanap. Damn it.



*Aerah's POV

Wow! Bibili ako ng ganitong sasakyan ang ganda oh ang bilis pa tumakbo. Alam nyo naman siguro kung ano yung ginawa ko diba? Yeah kinuha ko ang sasakyan ni Troy. Sorry Troy, I really need to see DS. 

Pagdating ko sa hideout naming ay pinark ko yung sasakyan at nagmamadaling lumabas. Pumasok ako sa bahay ng KH ( Killer Hawks) at hinanap ang DS (Demon squad is a part o Killer hawks.)

"Yes! Panalo ako! wahahahaha! Ang weak mo gray! Weak!" boses ni Viper ang sumalubong sa akin. Ano naman ang ginagawa nila?

"Hoy ano ba! Akin na nga yan! pagkain ko yan eh!" sigaw ni Josh habang inaagaw ang pagkain na hawak ni Nick. Nilayo naman ni Nick ang pagkain "Ayaw! nagugutom ako!"

"Ang baboy mo talaga! bayaan mo na yan josh. Mabulunan ka sana Nick. Sumbong kita kay Sweet mamaya " Naiinis na pigil ni Adrian kay Josh. Nasa labas pa ako nyan ah hindi pa ako tuluyang nakapasok na loob. Lakas ng boses ng mga impaktong lamang lupa na 'to!

"Hoy! sumbongero ka Adrian! Nagugutom lang yung tao eh" depensa ni Nick.

"Oh?tao ka pala?"

"hahahahahahahahahaha!" nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Adrian kay Nick. Nalukot naman yung mukha ni Nick at halatang naiinis na. Kinatok ko yung pinto

"Sino yan?"

Hindi ako nagsalita kinatok ko lang ulit yung pinto. "Sino nga kasi yan?" narinig kong tanong ni Viper

"Sino ba yan?" zeke

"Buksan nyo nga yan nang mabugbog na natin kung sino man ya" naiinis na sabi ni Nick. Bugbog? Tingnan natin kung sino ang mabubugbog pag hindi nyo binuksan tong pinto.Kinatok ko pa yung pinto ng mas malakas. "Putangina!sino ka-AY nako si SWEET pala hehe pasok master" nakangiting mukha ni Nick ang bumungad sa akin. 


Tinitigan ko lang sya pero gamit yung pamatay na tingin. "Sino yung bubugbugin nyo?" tanong ko sa kanila. Nanlaki naman ang mga mata nila at sabay na nilingon ni Nick. Nanigas si nick at pansin ko na namumutla siya. "Huh?wala naman ah." Sagot niya sa akin.

"Tss"

Nilampasan ko lang silang lahat at umupo sa tabi ni gray. "Saan ka galing?" tanong niya sa akin.

"Sa unit ni Troy"

Napapitlag ako ng biglang sumigaw ni Nick. "MASTER??!!!ALAM NAMING PLAYGIRL KA PERO BAKIT YUNG TROY PA NA YUN DIBA MAY KASALANAN YUN SAYO??ANO BANG PUMASOK JAN SA KUKOTE-hehehehe tara Josh, Adrian, Zeke, Viper punta tayo sa kitchen" sinamaan ko nga ng tingin para tumigil sa kakasigaw. Sumasabat kasi hindi naman sya yung kausap.

"Relax victoria" natatawang bulong ni Gray sa akin. Bumuntong hininga lang ako at tumingin sa kanya. "Yeah right"

"Anong ginawa mo dun sa unit ni Troy?"

Sinandal ko sa sofa yung ulo ko at pumikit. "Wag mo na akong tanungin. I don't want to explain. I'm tired."

"Sige ikaw bahala, kumain ka na ba?"

"Hindi pa"

"Anong gust-" hindi na natapos ni Gray yung sasabihin nya kasi may sumingit na naman. "NAGUGUTOM KA?. ANONG GUSTO MONG KAININ?" sabi ni Nick. Nakakahiya siya sabihin niyo nga sa akin kung bakit 'to nagging miyembro ng Killer Hawks? Psh! Pero dahil sa gutom na ako ay binalewala ko nalang ang kagaguhan niya at sinagot ang tanong niya.

"Lasagna"

"Ok, just wait!"sabi ni nick at pumasok na sa kitchen. Tumayo ako at pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko yung box sa drawer at nilagay ko yung combination code hinintay kong bumukas yung box. Pagbukas ng box ay kinuha ko ang laman nito. Isang Bracelet na may A na nakakabit.


"Victoria" sumunod pala si Gray sa akin hindi ko man lang napansin. Tiningnan ko yung hawak ko na bracelet. "It's been 3 years. 3 years na ang lumipas, Gray pero wala pa rin mahahanap ko pa kaya yung hinahanap ko?" tanong ko sa kanya. 


Hinaplos niya ang buhok ko. "Wag kang mawalan ng pag-asa ,mahahanap mo rin sila,malakas ka siguradong dadating ang panahon na sila na mismo ang lalapit sayo"

Hindi ko alam, hirap na hirap na ako pero ayokong sumuko hindi ako pwedeng sumuko,ano pang silbi nang pagpapalakas ko kung susuko agad ako? Gagawain ko ang lahat mahanap lang sila kung kinakailangan lahat ng gangster kakalabanin namin gagawin ko mahanap ko lang sila. 


Dapat managot sila sa ginawa nila sakin mga walanghiya sila! Pagnakita ko sila papatayin ko silang lahat! Lalo na yung taong nagmamay-ari ng bracelet na to hinding-hindi ko sya mapapatawad. Papatayin ko sya,kahit sino pa sya. Kumuyom ang kamao ko. Naramdaman ko ang mainit na luha na tumulo sa mata ko.


"Don't cry, Victoria." Mas lalo akong napaiyak nang yinakap ako ni Gray.

THE BITCHY GANGSTER GIRL(Editing)Where stories live. Discover now