Chat -094-

13 0 0
                                    


Shyne's POV

FLASHBACK

"Ate alam na ba ni Kuya Kyle na may boyfriend ka? Na may relasyon kayo ni Kuya Raimel?"Tanong ng kapatid kong lalake.

Si Raimel, I love him so much. Hindi ko alam, biglang nahulog ang loob ko sa kanya dahil sa mga ipinapakita niya sa akin.

"Hindi pa."Iling-iling kong saad habang hinahalo lahat ng sangkap sa pan.

"Eh bakit hindi mo sabihin?"

"Bakit, Kailangan pa ba?"

"Oo naman,"Nagkibit-balikat ito. "Siyempre baka kasi magkataon na masaktan mo 'yong feelings nung tao dahil umasa siya."

"Paano mo naman nasabi na may gusto siya sa'kin? "

"Manhid ka ba ate? Eh ano 'yung araw-araw na pagpapadala niya sa'yo ng mga kung ano-anong regalo? 'Yung magdamagan kang nagpupuyat para magkausap kayo? Mas higit pa nga yata lahat ng ipinapakita niya kaysa sa boyfriend mo. Obvious naman na nanliligaw siya sa'yo, hindi mo ba napapansin?"

Hmm, may punto din.

"Hay nako, sa kanya naman iyon  kung mageexpect siya. Talagang masasaktan siya."

"Alam mo ate, makakasakit ka ng feelings eh. Hindi mo iniisip lahat ng effort niya para lang mapansin mo."Mayabang na nakatingin ito sa akin.

Ewan ko.

Medyo naguluhan at ako.

Napahawak ako sa sentido at napahilamos sa mukha. Saka ko ito nilingunan.

"Tumigil ka na nga, ka bata-bata mo pa eh ang dami mo nang alam sa pag-ibig thingy na iyan. Mabuti pa't kumain ka na ng meryenda."Ginulo ko ang buhok nito na ikinabusangot naman niya. Humarap naman siya sa hapag na may lasagna sa platito.

Inilagay ko sa supot na plastic ang natitirang baked lasagna at garlic bread.

"Dito ka lang ah, pupunta muna ako kay na Raimel."Pinisil ko ang ilong niya.

Kinuha ko ang remote saka inilipat sa cartoons para maaliw ito sa pansamantalang pagalis ko.

Pagkalabas ko ay isinara nito ang screen door.

Hindi ko na ichinat si Raimel, na pupunta ako sa bahay nila. I want him to surprise.

Naglalakad pa lang ako ay abot mata na ang ngiti ko. Ewan ko ba, namimiss ko siya kaagad kahit kahapon lang kami nagkita. Ganoon talaga siguro kapag tinamaan.


Pagkarating ay nagtataka ako kung bakit bukas ang gate ng kanilang bahay. Pumasok na din ako dajil sa kuryosidad sa kadahilanang bukas iyon.

"Raimel? "Tanging ang boses ko lang ang naririnig sa bahay nito.

Magulo ang living room. May nakakalat na damit niya sa sahig. Ipinatong ko naman iyon sa arm rest ng sofa.

Raimel naman. Paniguradong sa kanya lang talaga iniwan ang bahay at ipinagbilin rito na bantayan. Pero ano itong tumambad sakin? Makalat.

Umakyat pa ako sa itaas nang masigurado kong walang tao sa ibaba, baka sakaling nandoon siya.

Pagkabukas ko ay hindi ako makapaniwala sa nakita.

No, this can't be...

Nagiinit ang mga mata ko sa nasaksihan.


Chatserye : Since We're Young (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon