Part 6

5 0 0
                                    

Ronnie's POV

Nandito kami ngayon sa canteen, hinihintay namin si iyaken, baka kasi umiyak pag walang kasabay kumain eh.

"Uy pre anong sabi ni Aly ? Ang tagal naman, nagugutom na ko." Tanong ko kay Alex.

"Sandali na lang daw matatapos na klase nila."

"Sabihin mo mauna na tayong kumain."

"Yun nga pre, pag di daw natin sya hinintay lagot daw tayo. Ayoko ng makurot at mahampas ng binder."

"haha, mapanakit pre eh. Tignan nyo ko di pa nakakatikim ng pananakit nya." Singit ni Jm.

"Pano naman pre titignan ka lang nya takot kana agad." At tsaka kami tumawa. "Hahaha".

"oh ayan na pala yung anak ni Hitler eh." Sabay turo ko sa pababang si Aly.

"Kanina pa kayo?" Tanong nya.

"Malamang gutom na gutom na nga kami eh, kaya ilibre mo kami ng softdrinks." Inuto ko nga, di naman kuripot tong babae na toh eh.

"Sare naman, ang tagal kaya ni Ma'am. Nag-cut nga lang ako ng fingernails buong klase eh."

"Ano order nyo?" Singit samin ni Alex sabay tayo.

"Ako,  bbq tsaka pakbet. One rice lang ah." Aly.

"Dinuguan na lang, libre pa kita". Biro nya kay Aly.

"No thanks, busog pa ko."

"Ako pre sisig tapos pakbet." Ronnie.

"Ganun lang din kay Ronnie."

"Oy Aly ung softdrinks namin?"

"C2 na lang para makainom si Alex. Kawawa naman pag softdrinks di sya pwede dun eh." Lagi na lang bang Alex? Buti na lang sya iniintindi. Kailan mo naman kaya ako mapapansin.

"Sige, akin na yung pambili." Sabay kuha ko sa kamay nya ng pera.

Pag balik ko sa table namin ang sweet na naman ng dalawa. tss. Lagi naman eh, bakit nga ba hindi pa ko nasanay. Ang sakit lang kasi eh. Yung magapanggap kang wala lang pero deep inside ang sakit na.

"Tanggalin mo nga tong stick." Sabay abot ng plato nya kay Alex.

"pababy naman toh, akin na."

"Kaya nga bbq yan kasi nasa stick." Jm

"nyenye. Ang hirap nga kainin pag nasa stick eh". Parang bata talaga, that's one of the reason why i like her.

"Oh ayan na mahal na prinsesa." Sabay balik nya ng plato kay Aly.

Minsan di ko din maintindihan tong si Alex eh, minsan sweet minsan naman ang cold ng pakikitungo nya.

"Thank you". At tsaka sya ngumiti. Ang ganda talaga nya pag nakangiti. Parang anghel na bumaba sa langit.

"oy Ronnie, kakain ka ba o tititigan mo na lang ako?" Boom! Nakatitig na pala ko sa kanya.

"O-oy hindi ah, tintitigan ka dyan. Gulat lang ako, ang takaw mo kasi." Palusot ko.

"Aly akin nalang yang okra, di mo naman kinakain yan eh". Alex.

Hay etong si Alex pansin ko pag kinakausap ko si Aly laging sumisingit. Nagseselos ba toh?

"Bilisan nyo na nga dyan." Jm

-*-*-*-*-

"Aly pahiram ng nailcutter mo".

"Ako na lang magpuputol."

"Sige, wag mo lang isasagad ah."

"Oo akin na."

Di pa nagtagal narinig ko ng umaray si Alex.

"Aack ! Aray ang hapdi."

"Ang arte naman, wala naman dugo eh."

"Ako na lang nga, baka mamaya masugatan na eh."

"Eh, hindi na promise. Mag-iingat na ko." At Nagpacute pa.

"Oo na, sige na. Last na yan ah, ayoko na pag nasugatan pa ko.

"aray! whoo ang hapdi." At hinihipan naman ni Aly ang daliri ni Alex.

Di ko na kaya, ang sakit na. Selos na selos na ko.

"Uy pre san ka pupunta?" Tanong akin ni Jm.

"Dyan lang sa cr."

"Sama ko".

Lumabas na kami.

"Selos ka noh?" usisa skin ni Jm.

"lul! bat naman ako magseselos?"

"sus kunyari ka pa, kita ko naman iba yung tingin mo kay Aly eh."

"Wala yun, tinitignan ko lang kasi pansin mo ba nagiging close na sila ni Alex."

"Akala ko ako lang, ikaw din pala nahalata mo."

"Pero hayaan mo na nga, single naman sila pareho eh."

"Ramdam kita pre." Sabay tap nya sa balikat ko. Loko talaga tong isang toh.

"mukha mo pre, tigilan mo nga ko".

It Started With A Smile Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon