Chapter 14: He's here.

2.4K 76 9
                                    

*Chapter  14: He's here.*

Nagkwentuhan pa kaming dalawa saglit at no'ng nakaramdaman na kami nang antok ay pumasok na kami sa loob ng hotel at nagpahinga.

Kinabukasan ay pumunta kami sa mga tourist spots dito sa Tagaytay. Nag-night swimming at natulog. Panay ganoon lang kami hanggang sabado. No'ng gabi ay nagbar kami hanggang alas-onse at umuwi no'ng nabastos si Callie at Mandy.

"HAPPY BIRTHDAY!!" napabangon ako ng wala sa oras no'ng bigla silang pumasok sa loob ng room ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila. Hawak hawak ni Megan ang isang chocolate cake at may mga party hats, balloon at torotot pa silang dala.

"Paano kayo nakapasok?! Pano niyo nalaman ang password ko?!" sigaw kong tanong at nagtawanan lang sila.

"Hinack namin." natatawa nilang sabi. Binato ko nga sila ng unan.

"Sira ulo!" tinawanan lang nila ako lalo. Napangiti na lang ako. Lumapit sila sa akin at pinag-wish nila ako bago i-blow 'yong candle. Ginawa ko naman at hinipan ang kandila.

"Yey! HAPPY BIRTHDAY, LEX!"

"Salamat." niyakap nila ako isa isa bago lumabas para daw makapagready na ako. Napailing na lang ako pero hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ko. Kinuha ko ang phone ko at nakita kong ang daming texts doon. Halos galing sa mga kaklase ko noon at ngayon. Nagtext din sila Tita Nicole at Tito Christian sa akin. Nagpasalamat ako sa kanilang lahat.

Nagscroll down pa ako hanggang sa nakita ko ang text ni Therrence sa akin. Napangiti ako at binuksan ang message niya.

From: Raffy

  Hey, babe! Happy birthday! Sorry wala ako dyan. Kung hindi lang ito importante, sasama talaga ako dyan kasi gusto kong makasama ka sa pag-celebrate ng birthday mo. Di bale, may next year pa naman e diba? Happy happy birthday, Cassie. Enjoy this day alright? Take care. See you and I love you.

Aw. Ang sweet niya. Hindi ko muna siya rereplyan, mamaya na lang. Nagscroll down pa ako sa mga messages. Hindi ko alam kung bakit pero may hinahanap ang mga mata ko sa mga messages na nandoon. Oo, hinahanap ko ang text ni Kevin pero nabigo lang ako. Hindi niya ako binati. 

Napabuntong-hininga ako at inilapag ang phone ko sa kama. Siguro ay nakalimutan na niyang birthday ko ngayon. Tumayo na ako at nagtungo sa banyo. Naligo at nagbihis na ako since may lakad kami ngayon.

Noong natapos kaming lahat sa pag-aayos ay umalis na kami. Buong araw kaming nagsaya, naglakad, naglibot sa market at bumili ng sandamakmak na pasalubong. Ito na ata ang pinakamasayang birthday ko. Puro kasi kalokohan 'yong mga boys. Kung anu-anong pantitrip ang ginagawa sa mga taong nakakasalubong namin o sa mga taong nakatambay lang o kaya sa mga taong abala sa telepono. Sumakit ang tyan namin sa kakatawa dahil sa kanila.

Hapon na no'ng bumalik kami sa beach. Nagpahinga muna bago namin napagdesisyunang magswimming. Umiitim na nga yung boys dahil tuwing nag-a-island hopping kami ay naliligo talaga sila sa dagat kahit tanghaling tapat. Kaming girls naman ay sa hapon naliligo sa dagat at 'yon ay kapag papalubog na ang araw.

OURS (Nerdy Princess♥♥ Book 4) *Her Story* [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon