Chapter Seven

120K 2.1K 94
                                    

"Do you really think I can physically hurt a woman Ayeth? I am not that low..." a naughty smile curved on his lips. "But I can punish you the way I like—no—the way we like."

"A-ano?" ang lapit ng mukha nito sa kanya kaya hindi siya makapag-isip ng matino.

"Hindi ba writer ka?" gamit ang isang kamay niyang walang pinsala ay itinulak niya ito kaso para siyang nagtulak ng pader dahil sa hindi man lang ito natinag at mukhang hindi man lang nito pinansin ang kamay niya sa dibdib nito. Pero aminin, ang tigas ng dibdib mga mare pero may tanong ito eh... ano nga iyon?

"E-A-ano naman ngayon kung writer ako? Alis ka nga!" tinutulak-tulak pa rin niya ito pero sa totoo lang nakakatsansing talaga siya gusto nga niyang kagatin ang dibdib nito.

"Alam mo kung ano ang posisyon nating dalawa?" he asked using his husky voice. "At alam mo rin kung ano ang kaya kong gawin?" mas lalo nitong inilapit ang mukha nito sa mukha niya, their faces are centimeters away nalang kaunting galaw nalang at mahahalikan na niya---siya nito. "At alam mong wala kang magagawa kung halikan kita ngayon." Iniwas niya ng husto ang mukha palayo dito.

"A-ano ba iyang pinagagawa mo?"

"Sa mga sinusulat mong mga novels, kapag ganito kalapit ang lalaki sa babae anong gagawin niya?"

"Hahalikan iyong babae."

"Good answer." And before she can think ay lumapat na ang labi nito sa labi niya.

"Ayy porn!" biglang itinulak ni Yael ang sarili palayo sa kanya ng may marinig na boses sa kung saan. Si Rayleigh iyon! Napatingin siya sa kaibigan na kung nagulat man ay hindi niya alam dahil natatakpan ng camera ang mukha nito mukhang nakuhanan nito sila ng picture sa ganoong sitwasyon. SCANDAL iyon mga mare! Ang kanyang mga labi, ang kanyang mga inosenting mga labi ay nabahiran ng kalaswaan ng lalaking malandi! Gusto niyang sumigaw at gusto niyang tuhurin ulit ang tweety bird nito.

Inilapag ni Ray ang dala nitong paper bag na may tatak ng Royale, highly requested kasi niya iyon dito na gusto niyang kumain ng pagkain mula doon.

"Friend sorry kailangan kong pumunta sa waka-waka Africa, I think kaya mo na namang mag-isa dito." sinulyapan nito si Yael na nakatingin lang sa kisame ng bahay niya.

"Hoy, hindi ko kayang mag-isa dito bakit mo ako iiwanan?" sinubukan niyang tumayo pero natumba lang uli siya ang tanga din naman kasi niya. Napangiwi siya dahil masakit iyong puwet niyang tumama sa carpet niya pati na rin iyong binti niyang naka-cast.

"Ahm, sorry talaga nakapag-say yes na ako eh... actually I was blackmailed by my oh-superhandsome boss so I really need to go. Call you later kapag nasa wak-Africa na ako kapag hindi mo na talaga kaya tatawagan ko si Bree, kukunan ka niya nang private nurse iyong lalaki para mabuhat ka niya kahit sa banyo ka pupunta tapos kaya ka rin niyang paliguan." Hindi na niya maintindihan ang pinagsasabi ng kanyang kaibigan pawang kabaliwan nalang kasi ang nasasabi nito. Hindi na niya ito masundan.

"Teyka lang I don't need a nurse-."

"Ako na ang mag-aalaga sa kanya mas maaalagaan ko siyang mabuti." Presenta ni Yael. Nanlaki ang mga mata niya nang ngumisi ng pagkalapad-lapad si Rayleigh habang tumatango-tango na para bang magandang ideya iyon. Siya naman ay nawiwindang na ang utak, ilang minuto pa nga lang na magkasama sila ni Yael ay nagawa na siya nitong halikan tapos makakasama pa talaga siya nito ng matagal?

"Nice idea sige alis na ako."

"Rayleigh! No! Wait lang!" sinubukan niyang tumayo kahit magkadahilo-hilo na siya. Kaso hindi nga siya makahakbang dahil nahatak na siya ni Yael sa dibdib nito. Asar na hinampas niya ito sa dibdib dito dahil iyon lang ang kaya niyang maabot. Napatili siya dahil pakiramdam niya ay nawalan siya ng control sa sarili niyang buhay.

Marked Series 3: Breathing to Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon