Chapter 9

2.4K 45 11
                                    

Chapter 9

Pagkagising ko ay mukha ni Tyler ang sumalubong sa akin. Nakaunan ako sa braso niya kaya malapit na malapit lang kami sa isa't isa. Aalis na sana ako mula sa pagkakapatong sa kanya nang bigla siyang gumalaw at lalong isiniksik ang hubad na katawan niya sa akin.

Nakabalot naman ako ng comforter. Kung ibang tao siguro siya, nagsisisigaw na ako dito. Pero siya ang kaisa-isang lalaki na hinayaan kong makalapit sa akin ng ganito...siya lang ang taong pinagkakatiwalaan ko ngayon.

Niyakap ako ni Tyler gamit ang isa pa niyang braso, mukhang walang pag-asang makawala ako sa kanya kaya humilig na lang ako sa dibdib niya at saka ko narinig ang mahinang pag-ungol niya. Kahit na nakabalot ako ng comforter ay nararamdaman ko pa rin ang katawan niya sa katawan ko. Bahagyang sumasakit ang ulo ko nanh dahil sa hangover kaya pinabayaan ko na lang na yakapin ako nj Tyler.

I clearly remembered what happened last night, hindi ako masyadong lasing para hindi maalala iyon. I could remember all of his touch and kisses. Bahagya akong napangiti nang naalala kong hindi niya ako pinilit na gawin iyon at dahil doon ay mas nagkaroon ako ng tiwala sa kanya.

I was about to close my eyes to sleep again but I realized that it was already morning.

Gumalaw galaw ako para magising ang lalaking katabi ko.

"Tyler...wake up." Unti unti siyang dumilat at nang makita niya ako ay binigyan niya ako ng magandang ngiti. Ang mga mata at ngiti niya ang pinakagusto ko sa lahat.

"Tyler, I have to go,"sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinakawalan.

"Can I come with you at work?" parang batang sabi niya.

"You have to get the position waiting for you then," sabi ko kaya biglang nagseryoso siya at lumuwag ang pagkakayakap sa akin hanggang sa tinanggal na niya iyon.

Inayos ko ang pagkakabalot ng comforter sa katawan ko bago ako tumayo.

"You are not getting younger, Tyler. Whatever your reason is not an excuse," sabi ko sa kanya. I felt like encouraging him...not because his dad asked me to, but because I wanted him to this for himself. I finally admitted that something has changed...especially after what happened last night.

"I will...think about it."

Pinigilan ko ang ngiti ko at tumango na lang, papasok na sana ako ng banyo nang magsalita itong muli.

"It's 10 am, late ka na."

Nanlaki ang mata ko at mabilis na pumasok sa banyo. Mabilisan lang ang ginawa kong pagligo at nagpapasalamat talaga ako na pinagdala niya ako ng damit dito kaya hindi ko na kailangan pang pumunta sa apartment ko para lang makapagbihis.

Pagkalabas ko ng kwarto ay mabilis kong kinuha ang bag ko sa center table ng living room at tinawag na si Tyler. Lumapit siya sa akin na bagong ligo na rin.

"I made you a sandwich,"sabi niya sabay bigay ng sandwich sa akin.

Bigla kong naalala ang soup na ginawa niya nang nilagnat ako, it was really disgusting. Pero dahil sandwich naman ito, tinanggap ko na. Alam ko naman na kahit paano ay pinaghirapan niya iyon.

"Thank you."

Ngumiti siya sa akin pagkatapos ay kinuha ang hawak kong bag at siya na ang nagbitbit n'on. Pagkatapos ay humawak siya sa waist ko at sabay na kaming lumabas. After that night, isa ito sa mga inaasahan kong pagbabago. Si Tyler naman kaya ayos lang sa akin. This is insane, but I can't stop him... and I can't stop myself, too.

Pagkalabas namin ay nakaramdam ako ng mga matang nakatingin sa amin, alam kong nararamdaman din iyon ni Tyler pero tahimik lang kami. Kung hindi pwedeng pumasok ang ibang tao sa top floor, maaaring ang ibang miyembro ng Vedecitia ang kasalukuyang pinapanuod kami.

Dream Catcher (VS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon