Ch. 31//Painful Past (part 2) plus the 3rd Consequence

5.5K 118 28
                                    

Ch. 31//Painful Past (part 2) plus the 3rd Consequence

***change of POV

Zy Genesis' PoV

"How's my act daddy? Am I a good actor? Mom really thought that I'm scared of her!" masayang tanong sa akin ni Yo saka dinilaan ang ice cream nya.

"You did a great job, Yo." 

I patted his head then he smiled widely.

"She didn't notice that I'm only acting and you only want to hug her."

"Ahem!" bigla akong nasamid at napatingin sa paligid para siguraduhing wala sya sa paligid.

"Yo, ubusin mo na yang ice cream mo."

Tumango sya sa akin. 

"I like Mom, Daddy!"

"Hahaha! Is that so? I like her too."

Pinapanood ko lang sya sa ginagawa nya. Dinilaan nya ang ice cream na nagsisimula ng matunaw sa mga kamay nya. 

Tumingin ako sa langit na nasa itaas namin. "Kamusta ka dyan, Ma?"

It's getting darker and cold. Umuwi na sa kanilang mga inuuwian ang mga bata, dapat siguro pauwiin ko na rin itong si Yo. 

"Zy, iuuwi ko na ang Young Master." 

"Tamang- tama Mr. Garcia." tumayo ako para harapin ng maayos si Mr. Garcia, ang body guard ni Yo.

"I dont want to go home!" yumapos sa bewang ko pamula sa likod si Yo. "Daddy! I dont want that house! Im going with you, please." 

Humarap ako sa likod at lumuhod. Pinunasan ko rin ang mukha ni Yo dahil umiiyak sya.

"Hindi ka pababayaan ni Mr. Garcia. At pangako, pupuntahan kita kapag may ginawa silang masama sayo" 

I patted his head again. Umiiyak pa rin sya at yumakap sa leeg ko. Binuhat ko sya at hinarap muli si Mr. Garcia.

"Bantayan nyo sya palagi." 

"Makakaasa ka Zy. Isa akong tapat na tagalingkod ng pamilya De Villa at ni Lady Katherine. Ipinagkatiwala ni Lady sa akin ang buhay ng anak nyakaya ibubuwis ko ang buhay ko para maprotektahan ang Young Master." paninigurado nya sa akin. 

Tumango ako at binaba na si Yo. Hinawakan ko ito sa magkabilang balikat, "Let's play again  next time." 

"With Mom?"

"With Mom."

***

Trinity's PoV

Total silence. 

Yan ang sitwasyon namin ngayon habang kumakain ng dinner. Magkatabi sila Kuya Dan at Ate Zen habang kami naman ni Genesis sa tapat nila. Tunog lang ng kutsara at tinidor ang tanging maririnig. 

Nakakapanibago. Walang kibuan ang dawalang love birds, ganun na rin kaming dalawa ni Genesis. 

Bakit nga ba? Ano ba talagang nangyari at biglang nagkaganito? 

After ko kumain nag- diretso ako dito sa pool area para mag- palipas ng oras. Ewan ko ba, wala pa akong tulog simula kagabi pero heto... gising na gising pa rin ang diwa ko. 

That Kind of a Girl: When Ms. Gangster Meets her Mr. Gangster[S2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon