Ch.34//

3.5K 87 22
                                    

***Xian's PoV


Matapos ang kaguluhang nangyari, kami na lamang tatlo nina Kylan at Hendrix ang natirang nakatunganga sa kawalan dito sa likod ng Senior's building.

Si Anja kasi sinudan din si Jack kasi daw hindi pa sya nalilibre ng pagkain. Ewan ko sa mga yun.

Nakaka- sakit talaga ng ulo ang love na yan. Buti na lang talaga at hindi ako nakakaramdam nun. Yung romantic love ha? Kasi mahal ko naman ang mga sira- ulo kong kaibigan. 

Tae! Nakaka- bakla naman yun. Wag na nga natin pag- usapan yang love na yan!


"Hoy Ky—-" hindi ko natapos ang pagsasalita ko nung makita kong wala na sa tabi ko si Kylan. Naglalakad na sya paalis. 

"Hoy! Kylan! San ka naman pupunta? Wag mong sabihing susundan mo si Anja?! Amazing race ba ituuu?!" sigaw ko pamula sa kinatatayuan ko. Nakakatamad lumapit e.

Hindi naman ako pinansin nung kumag at nagtuloy lang sa paglalakad. Tado talaga oh! 


"Nagyayaya yun kanina papuntang canteen pero nakatulala ka lang dyan kaya iniwan ka." 

Nilingon ko naman yung lalaking nakasandal sa puno at may hawak na libro. Si dakilang bookish pala! 


"Ganun?" napakamot ako sa ulo ko. Nakatulala pala ako kanina. Wew!

"Teka, bakit nakasandal ka pa rin dyan? Hindi ka ba sasama?" 

Umiling lang sya at pinakita yung book na binabasa nya. Tss! Boring naman nito. Makaalis na nga.


"Geh pre! See you later na lang. Muah!" nag flying kiss pa ako sa kanya bago umalis. Binato pa nga ako ng bato e. Hahaha! 

Tumakbo ako para maabutan si Kylan. Bagal nya maglakad parang naglalakad sa buwan.

Agad ko naman syang hinampas sa balikat nung maabutan ko sya.


"Gagawin mo sa canteen? Bago yun ha!" 

Tiningnan nya ako at pinagtaasan ng kilay. Kung hindi ko lang talaga kaibigan at kilala tong tado na ito mapapag- isipan ko syang transgender na lalaki. Haha! 


Sobrang sungit! At may pagka- lunatic. Namana yata kay Zy. 

Pero sabagay, ganito naman talaga sya. Bakit ba hanggang ngayon naninibago ako sa kanya? Simula nung naaksidente sya nung 2nd year kami. Aish! Nevermind. 


"Problema mo?" nabalik ako sa sarili ko nung magsalita sya.

"Wala. Ano? Gagawin mo sa canteen nga?"

"Lul. Nasabi ko na."

"WEH?"

Hindi nya na lang ulit ako sinagot. Napakamot na lang ako sa batok ko nung maalala ko kung bakit. Tae! Alam ko na! Wew. Bakit ko nakalimutan yun? Tss! 

Nung malapit na kami sa canteen bigla na lang may nantakip ng mata kay Kylan na babae. 


"Fck! Who are you?!" galit na sabi ni Kylan at hinawakan ang kamay nung babae.

"It's me babe." sabi nung babae. Kilala ko toh eh, di ko lang matandaan pangalan.


Kininditan pa ako nung babae at alam ko na kung anong meaning nun.

That Kind of a Girl: When Ms. Gangster Meets her Mr. Gangster[S2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon