_Chapter 01_

20 1 0
                                    


Krystal's POV:

"Basagulero kang bata ka!"

"Katulad na katulad ka talaga ng nanay mo!"

"Sakit ka sa ulo"

"Pabigat ka talaga sa pamilya namin!"

"Ba't hindi mo na lang gayahin ang mga kuya mo!?magtino ka rin!"

"Isa kang kakahiyan sa pamilya namin!"

Napahawak ako sa ulo at pilit na inaalis yung mga boses na parang sirang plakang paulit ulit na nagsasalita sa isip ko.

Tss wag kayo!hindi ako baliw-.-

Bumangon na ako tsaka pumunta sa banyo para gawin ang mga rituals ko.

Hindi ako pwedeng malate ngayon dahil una araw ko sa bagong school na papasukan ko

Tsk kailangan ko na rin palang magtino>,<

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako para mag almusal.

And as usual ang sasama nanaman ng tingin nila sakin.

Naupo ako katabi ng upuan ni kuya Jerome.
Nginitian niya ako kaya ngumiti rin ako

"Tsk..at bakit ka naman naka uniporme?" Mataray na tanong ni tita Shiela habang naka taas ang kilay saakin

Gusto ko rin itaas ang kilay ko pero ayaw kong magkagulo dito.

Lalo na't nasa harap ng pagkain-.-

"Mag aaral siya ngayon Shiela..nga pala apo ang ganda ganda mo dyan sa uniporme mo"  naka ngiting tugon ni lolo kaya ngumiti rin ako sakanya.

"Thank you lo!" Masiglang sabi ko tsaka nginitian uli si lolo

Kahit hindi niya naman ako sabihan eh alam ko namang maganda ako!!

"Kapal!" Napalingon ako kay tita Rica ng ibulong niya yan.

Tsk.tabachoy!

"Ano po yun tita?" Nakangiting peke kong sabi at ang bruha ngumiti rin tsaka umiling
"Nothing iha" sarcastic niyang sabi.

Ngumiti muna ako sakanila saka nagsimulang kumain.

"Dahil bagong school ang papasukan--sana naman bagong buhay na rin noh?" Tanong ni tita Shiela pero halata ang pagka sarkastiko sa tono ng pananalita niya..

Nye.nye.nye^,^

Walang pumansin sakanya kaya napatawa ako ng mahina dahilan para sikuhin ako ni kuya Jerome.

Psh KJ!

Tumayo na si kuya Jerome kaya mabilis kong nilagok ang gatas--na mainit pa saka kumuha ng slice bread tsaka pinalamanan ng hotdog at humabol kay kuya..

Walangya yun!di pa nga ako tapos kumain eh>3<

Sumakay na ako sa passenger seat habang kagat kagat ang sandwich ko.

"Tss takaw talaga" bulong ni kuya pero hindi ko na lang siya pinansin.

Habang nasa byahe ay hindi ko maalis sa isip ko na...

Nakick out nanaman ako-.-

"Kuya ba't hindi natin kasabay sina kuya Kenneth?" Tanong ko habang nasa daan ang tingin.
"Nauna na silang umalis,ang kupad mo daw kasing kumilos" sabi niya ng hindi man lang ako nililingat.

Ang Reyna Ng Room 1,2,3&4Where stories live. Discover now