Ms . POSER - Chapter 9 - Poor Miki

79 1 0
                                    

Ms . POSER - Chapter 9 -  Poor Miki

Days . Weeks . Months .

Walang ibang ginawa si Miki kundi ang dalhin ang mga gamit ni  whenever wherever  . . As in julalay na talaga siya ni Nicole . >_<

Kawawa naman ang ating bida . .

Sa harap ng mga kasama ng VIP Sorority Club walang ibang ginawa si Miki kundi ang ipakita na julalay nga siya ni Nicole .. ..

Sa SHIPO HIGH matapos ang nagin performance nina Nicole at Krissy nung Entrance ceremony naging Sikat na sila agad sa mga FRESHMEN at ilang pang estudyante . Pati nga SENIORS eh . Kaya lalong nahirapan si Miki . Pano ba naman ang mga FRESHMEN kapag lalabas sila ng Gate nagdudumugan , at si Miki ang nagigitgit . .Sa mga schedule naman napupuyat si Miki sa kakaasikaso . Sulat dito sulat doon . .

Unti - unti mas naging PRIORITY na ni Miki ang pagiging julalay ni Nicole kaysa sa mga Studies niya .

One time during English Class . .

"So class open your Textbooks on page 143 and read the selection about the Piano and search for the gerundial phrases in there . I need one student to read it outloud while everyone is reading with their eyes .Anyone . ? " - Teacher

Walang nagtataas ng kamay . Medyo BORING kasi ang CLASS na ito para sa kanila .

"Okay . Let's have . . . " napansin ng teacher na parang inaantok si Miki at wala sa sarili . . .

"Miki are you okay ?" tanong ng teacher

"Yes Ma'am ! The gerundial phrase starts with gerund ! " biglang sabi ni Miki sabay tayo at ayos ng glasses niya na0 parang gulat na gulat .

Biglang nagtawanan ang mga kaklase ni Miki .

"Miki . I'm asking you if you are okay ? You look tired and weary these past few days . Is there something wrong ? You should take some rest .. . . This is UNLIKE you ." sabi ng Teacher at nagpatuloy na siya sa discussion .

Umupo si Miki na napahiya at nalulungkot . . .

After Classes Umuwi na siya . . .

Iniisip ang sinabi ng Teacher niya . .

"Sabagay , tama nga naman si Ma'am . . Lagi akong pagod , laging puyat . . Ano ba 'tong pinaggagawa ko sa sarili ko . . Buti sana kung papayat ako dahil dito eh , ," sabi ni Miki sa sarili habang nagtitiklop nga mga damit . .

Nilapitan siya ng papa niya at sumabay sa kanyang pagtitiklop nga damit ..

"Papa . . " sabi ni Miki

"Bakit Anak?" sagot naman ng Papa niya

"Masama po bang maging MABUTING KAIBIGAN ?" tanong ni Miki

"Hindi anak . Kaya nga mabuti eh . ." sagot ng kanyang Papa

"Pero pa . Bakit po ganoon ? gusto ko lang naman pong maging mabuting kaibigan sa Best Friend ko Kaya ang dami kong ginagawa para sa kanya . . Tapos parang hindi pa din po siya masaya . . " sabi ni Miki

"Anak. . . Dahil may mga tao na kahit anong pagpapakita mo ng kabutihan mo . Hindi sila nakukuntento . .Kung ginawa mo na ang lahat ng makakaya mo at hinid mo pa din makita ang konsiderasyon niya sa ginagawa mo . . Sa tingin ko ay wala ka nang mali doon . Siya na ang may maling pag-uugali dahil hindi siya marunong magbigay ng pagtingin sa iyo . " sagot ng Papa niya . .

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ms. POSER(On Hold)Where stories live. Discover now