Six

5.9K 152 74
                                    

Ito na po ang last update ko para sa Eyoss' Little Angel. Sorry po kung natagalan. I'll assure you na worth it ang pag-iintay niyo. Thank you po sa mga nagcomment at nagvote sa fanfic na ito at syempre dun sa mga nagfan sa akin. Thank you. Thank you po. Love na love ko po kayo. Sana madami pang blessings ang dumating sa atin at God bless po. Muah! :*

------------------------

 "Seven! Buhay ka! " May tumakbong maganda at pamilyar na babae kay Seven. Nagulat ang mga ito dahil sa lakas ng pagiyak nito. Sino lang ba ang super duper bestfriend ni Seven ngayon kundi si Annika lang.

"Anikka? Kailan ka pa dumating? Why are you here?" Ngumiti si Anikka dito at tumingin sa asawa nito. Si *insert your name here* (para naman maexperience niyo na maging bida. haha.). Bumitaw ito kay Annika at lumapit sa asawa. Binigyan niya ito ng halik sa labi. Maswerte siya na meron siyang maganda at maunawaing asawa.

"Tumawag siya sa akin na nasa panganib daw ang buhay mo kaya nagmadali kami ng asawa ko na  kumuha ng flight pauwi dito. Buti na lang walang nangyaring masama sayo." May asawa na si Annika. Tanda niyo pa ba yung lalaking nakita niya sa airport bago siya umalis? Hindi si Memo kundi ang tadhana ang naglapit sa kanilang dalawa. Papuntang Paris si Annika at eksaktong fashion designer ang lalake. Kinuhang model nito si Annika at dun na nabuo ang pagkakaibigan nila. And the story goes.

"She's your bestfriend and i know how she has the right to know. Yun nga lang, she's 20 mins late." sabi ni *insert your name here*.

"Ikaw talaga. Kaya mahal na mahal kita e" sabi ni Seven. Lumapit narin ang barkada para iwelcome si Annika.

-----------------------

"May plano na kami dati ni Allen kung ano ang magiging kasal namin, kung royal ba o simple lang. Iniyakan ko ang mokong na yon. Akalain mo Angel in Disguise pala siya sa atin. Hahahaha. Di lahat ng unang relasyon ay nagtatapos sa magandang samahan. Tulad ng fairytale may ending yan. Parang si Seven at Annika. Pero may siniswerte na pang forever yung relationship nila. Kahit hindi ganon kaperfect at least walang sumuko at napagod. Tulad ni Cross at Eya. Sana ganyan din tayo Trey." sabi ni Sena. Nasa recepton nila sila ni Allen. Mas nauna pang umiyak ni Sena kesa sa mga magulang ni Allen. Ngayon panatag na siya na magiging ayos at buo ang puso ni Allen sa asawa nito.

"Lampas pa ng forever. Tara na hinihintay na tayo nina Seven sa clubhouse." sabi ni Trey at hinawakan ang kamay ni Sena. Nagpaalam na din sila sa newly weds. May paparty kasi ang barkada para sa mga blessings na natanggap nila. Masaya sila sa buhay nila bilang may asawa at  magkakasama parin sila hanggang katapusan.

---------------

"Sync sunduin mo si Kevin sa gate. Nahihiya daw pumasok. Dali." sabi ni Momo na busy sa pag-aayos ng pagkain.

"Sus. Nahiya pa. Araw-araw na nga natin kasama yon." sabi ni Sync na inaayos ang sound system.

"May sinasabi ka? Puntahan mo na dun at hanapin mo ang anak mo. Dali na." sabi ni Momo. Sabihin na nating under si Sync ni Momo. Hinanap muna nito si Blue na kalaro si Eris sa bar counter. Sinama niya itong bumaba.

"Where are we going daddy?" sabi ni Blue.

"Tatakasan na natin ang Mommy mo. Mas matapang pa kay Daddy e." sabi ni Sync. Nagtaka naman si Blue. Hindi pa niya naiintindihan ang nangyayari dahil bata pa ito.

"I won't leave Mommy alone. Don't leave her dad." napa 'hay' na lang si Sync. Mga bata talaga. Nakarating na sila sa gate at naghihintay na nga don si Kevin.

-----------------------

"Ero-ero please..Kumanta ka na. Dalii na.." After umalis ni Blue ay napagdiskitahan ni Eris si Eros na naglalaro ng cards kasama si Cross.

"Ayoko nga e. Hindi ako maalam kumanta. Si Cross na lang." sabi ni Eros na di nakitang nadayaan na ni Cross. Natatawang humarap naman si Cross kay Eris na nagbigay kay  Eros ng daan na dayaan si Cross.

"Si pangit na lang ang kulitin mo. hahaha. Teka, madaya ka Eros. Bakit ka bumunot e di pa ako nabunot?" sabi ni Cross at bumunot ng dalawa sa bunutan.

"Pareho naman kayong nagdadayaan e. Naglaro pa kayo." Pinuntahan na lang ni Eris si Cris na natutulog ngayon.

------------------

"Buti na lang Eris pumunta ka dito. Pwedeng pabantay muna, pupunatahan ko lang si Cross." sabi ni Eya. Nagnod si Eris.

"Ang cute mo naman Baby Cris. For sure ang gwapo mo paglaki. Sayang hindi kita makikitang lumaki. Pero masaya parin ako na nakasama kita sa maikling buhay ko na ito." sabi ni Eris.

"Aalis ka Eris?" sabi ni Eya. Nasa likod na pala niya ito ngayon at kasama pa ang barkada.

"Ah. Kasi -" tumabi dito si Eros at inakbayan si Eris.

"Kasi balak niyang sumali sa drama club sa school. Kaya ayan, si Cris ang pinagpraktisan." bawal kasing malaman ng iba ang tungkol sa misyon nila si Eris. Sana naniwala ang mga kaibigan niya dito.

"Walang aalis at walang mawawala sa atin. Okay?" sabi ni Seven at sumang-ayon ang iba. Kahit malungkot ay ngumiti na lang si Eris. Susulitin na lang niya ang mga araw na kasama niya si Eros at ang mga bago niyang kaibigan.

"Tara na kumain at let's party party" sabi ni Trey na kakadating lang ksama si Sena.

Masarap magkaroon ng isang grupo o barkada na parang pamilya kung magmahal at mag-alaga. Masaya na hindi mo na maisip ang mga limitasyon at bawal gawin. Ang mga kaibigan, nandiyan lang yan lagi e. Mawala man ang isa ay may mga bagong dadating at gigimbala sa buhay mo. Sana nahanap na natin ang mga kaibigan na tunay at hindi tayo iiwan sa gitna ng kagipitan. Yung laging nandiyan at masasandalan. Yung makikitawa sa kamalian mo, yung kikiligin sa lovestory mo, yung babatukan ka para matauhan ka, yung iiyak pag umiiyak ka, at laging nandiyan pag nashort ka. Masayang mabuhay at masarap ishare sa kanila ang buhay mo. Kayo nahanap niyo na ba sila? Kasi ako, nahanap ko na. Thanks friends! :D

---

Thank you for reading.

Property of Bluedeva.

Eyoss' Little AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon