Chapter O

43 1 0
                                    

Chapter O

Kinabukasan, maaga akong pumunta sa school. Wala lang, gusto ko lang ng mas maaga para hindi gaanong hassle. Pumunta agad ako sa room naming at nadatnan ko doon sina Nikki na nagkukwentuhan kasama ang iba kong mga kaklase.

“Wow, Tin! Himala ata at ang aga mo ngayon?” tanong niya. Hindi kasi sila sanay na maaga akong pumapasok. Madalas kasi, 5 to 10 minutes before the time ang dating ko.

“Ayaw mo?”

“Sungit. Nagtatanong lang. By the way, may bagong transferee na naman daw, e. Babae naman this time. Kasection ata nina Lizzie?”

Nagtaka naman ako. Bakit ba ang dami-daming transferee ngayon? Kasi noon, wala naming mga bagong hitsura sa school. Kaya halos lahat ng mga nakakaklase ko ay kilala ko na by face. Dahil tamad akong memoryahin isa-isa ang pangalan nila dahil hindi naman ako interesado.

“Kelan mo pa nalaman?”

“Kani-kanina lang. Usap-usapan kasi diyan sa corridor. Nasa principal’s office ata yun ngayon.” Tumango na lang ako dahil tinatamad talaga ako at tulad ng sabi ko, hindi ako ganoon kainteresado sa mga ganyang bagay.

Bigla akong nakarinig ng mga bulung-bulungan ng mga kaklase ko. Napairap na lang ako sa kawalan dahil puro kalandian naman ang sinasabi. Na ang gwapo daw ni Darwin at ang swerte namin dahil kaklase namin siya. Duh? Matagal ko ng alam yan. Nakakainis lang dahil parang nagpapapansin pa.

Pumasok na pala siya kaya kinikilig na naman ang mga ‘to.  Umupo lang siya sa pwesto niya at tahimik na nakikinig ng music sa kanyang ipod. Iniiwasan kong tignan siya dahil baka matyempohan niya kong nakatitig sa kanya, nakakahiya yun! Hindi carry ng ganda ko ang kahihiyan na matatamo ko.

Maya-maya ay dumating na si Ma’am Villegas—teacher naming sa MAPEH. Ang sungit ng teacher na ‘to. Hindi naman siya matandang-dalaga pero ang sungit niya talaga. Magaling naman din siya magturo, lalo na sa sayaw. Naikwento niya kasi sa amin noon na dati daw siyang kasali sa isang Dance Troupe.

“Good morning, class.” bati niya sa amin. Tumayo naman kami lahat para batiin siya pagkatapos ay umupo na din.

“I won’t be able to teach you today, because I have a meeting to attend and—“. Naputol ang sasabihin ni Ma’am dahil bigla na lang naghiyawan ang mga kaklase ko sa tuwa. Of course! Kasali ako sa mga humiyaw. Sino bang ayaw nun, ‘di ba?

Natawa sa Ma’am sa reaksiyon naming lahat, “Don’t be too happy. Yes, I may not be able to teach you today, but I assigned someone to take charge.”

“AWWW.”

“Ugghh!”

“Ma’am..”

Kanya-kanyang reklamo. Kainis kasi. Akala ko good news na, biglang bad news pala ang kasunod. Tsk.

“Don’t worry, hindi siya magdi-discuss. Mag-iinstruct lang siya ng mga gagawin niyong activity para sa araw na ‘to, then that’s the time for you to celebrate,” In fairness, nakamood ata si Ma’am ngayon at hindi siya gaanong nagsusungit. Baka tapos na buwanang dalaw. Hihihi.

“This is a group activity. You will perform it as a part of your exam. Your exam will be 100%, 50% is for written and the other 50% is the actual. You need to participate, okay? I will write the criteria on the board so that you’ll have a guide.”

Tutoring My DestinyWhere stories live. Discover now