"Together" - MMIH 3

851 35 7
                                    

"Together" - MMIH 3

Gusto ko ng matawa sa itsura niya ngayon. Kinakabahan na namumula na nahihiya na natatakot. Halo halo pero ang ganda pa din. Bakit ba ako nagkaka ganito? Kelan lang naman kami nagkakilala talaga ah?

"Sex floor?"

Ngumiti ako ng nakakaloko. Parang ang sarap pa din niyang pag tripan. Dahan dahan akong lumapit sakanya.

"Oo..sex floor. Yung mga students na hindi makapaghintay ng uwian dito nila ginagawa yung bagay na yun. Madalas kapag vacant time nila. Hindi mo ba alam yun?"

Nasa harap na niya ko ngayon. Umiling siya bilang sagot. Tingin ko kinakabahan na siya sa pwede kong gawin. Halata kasi talaga sa mukha at mata niya.

"Ng-ngayon ko lang nalaman yun.."

Mas lumapit pa ko sakanya. Napaatras naman siya.

"Ngayon na alam mo na..so pwede na siguro nating gawin?"

Lumaki ang mata niya sa sinabi ko. Gusto ko na talaga matawa pero pinigilan ko lang.

"Ga-gawin ang alin?"

Nilapit ko ang mukha ko sakanya. Napapikit siya. Napangiti naman ako.

"E-Elmo.."

Tumingin ako sa labi niya na mapula. Sa maganda niyang ilong. Sa matambok niyang cheeks. Maganda ka nga talaga. Nilayo ko ang mukha ko sakanya. Bahagya kong pinisil ang pisngi niya.

"Gawin na natin yung thesis."

At lumakad na ko papalayo. Binuksan ko yung pinto. Pumasok ako. Ang ganda talaga dito. Payapa. Makikita mo ang paggalaw ng ulap sa langit. Hindi masyadong nasisinagan ng araw.

Naramdaman ko na parang hindi siya sumunod kaya nilingon ko siya.

"Niloloko lang kita. Halika na dito."

Naka simangot siya lumapit sakin. Ang cute namang mainis ng babaeng ito.

"Alam mo ang cute mo."

Nakita ko na namula siya. Ignore ignore. Wala naman akong ginawa para kiligin siya. Mamaya bigyan niya ng meaning yun.

"Ang cute mong asarin." Sabay tawa ko.

Inirapan niya ko sabay tingin sa paligid.

"Paano tayo gagawa eh wala namang mesa dito?"

Ang sungit. Haha.

"Edi sa lapag. Wag kang mag-alala may dala akong panlatag. Iniwan ko yun dito eh. Dito kasi ako madalas matulog."

Kinuha ko yun at nilatag sa lapag. Nakatingin lang siya sakin. Nakita ko na parang nag-aalangan siyang tumabi sakin. Napangisi tuloy ako.

"Wala akong gagawing masama sayo. Unless, gusto mo."

"Tss."

Umupo siya sa tabi ko. Natawa na talaga ako sa itsura niya. Hindi talaga maipinta. Tama na. Hindi ko na siya dapat lokohin.

"Hey, sorry na. Wag ka ng magsungit. Titigil na ko."

Ang sama pa din ng tingin niya. Tumayo ako at pumunta sa likod ng malaking tangke. Pagbalik ko nakita ko siya na hawak ang papel at ballpen. Kita parin sa maganda niyang mukha ang pagkainis. Umupo ako sa tabi niya.

"Meow..meow.."

Napatingin naman siya sakin.

"Pusaaaaaa." Sigaw niya at hinawakan yun.

"Hehe. Julie meet Kittykity."

Napakunot noo naman siya. "Parang lamok lang ah? Haha. Ang cute. Saan mo siya napulot?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Match made in Heaven (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon