PROLOGUE

21 0 0
                                    

PROLOGUE

JOSIE POV

“Josie, ayusin mo na ang mga handa at ilang sandali nalang ay dadating na ang pamilya Delgado,” sabi ni Ina, habang panay ang pag-aayos ng mga upuan sa hapag.

Isa lang naman itong simpleng salu-salo, naging importante lamang ito magmula no'ng pinaunlakan ng pamilya Delgado ang  imbitasyon ng aking mga magulang. Labis ang galak na kanilang naramdaman kung kaya, gano'n na lamang sila ka abala sa paghahanda at sa pag aasikaso ng mga dapat asikasuhin.

Ang pamilya Delgado, ang nangunguna sa pinakamayayamang pamilya rito sa aming lugar. Iginagalang, tinitingala at minamahal sila ng mga tao dahil sa kabaitan at pagmamalasakit nila sa mga tao. Mabait na tao at napakadaling pakisamahan ang padre de pamilya nila na si Don Arturo, mapagmahal naman sa kapwa ang kanilang ilaw ng tahanan na si Doña Celestina.

Agad naman akong nagtungo sa kusina at kinuha na ang mga pagkain na ihahanda sa pagdating ng aming mga panauhin. Nararamdaman ko na ang pagod pero hindi ko na iyon pinagtuonan pa ng pansin at hinayaan nalang ito na mawala sa aking isip. Bago ko inihatid ang pagkain sa hapag ay mabilisan ko naman muna itong tinikman, hindi ko naman napigilan ang ngumiti dahil sa malasa at talagang nakakatakam na mga pagkain na ngayong nasa harap ko. Nakasanayan ko nang tumikim ng mga luto simula pa noong pagkabata, dahil sa aming dalawang magkakapatid ay ako ang laging kasama ni Ina sa tuwing siya'y nagluluto.

Nang matapos ako ay muli ko pang pinasadahan ng tingin ang mesa at bahagya itong sinuri. Nang masiguro kong wala nang kulang, nakahinga na ako ng maluwag at dahan-dahan pang nag inat-inat.

Nasa gano'n akong sitwasyon nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang aking ama, kasunod niya rin namang pumasok ay ang mahalaga naming bisita--ang pamilya Delgado.

"Maligayang pagdating, Don Arturo at Doña Celestina. Ikinagagalak po namin na makita kayo at makasama sa simpleng salu-salong aming hinanda, nawa'y magustuhan ninyo,” pormal na bati ni Ina sa aming bisita.

Saglit pa silang nagbatian at saka nagsipag-upo sa kanya-kanyang pwesto.

Bago ako tuluyang makaupo ay saglit pang nagtama ang paningin naming dalawa ni Mikael--- ang panganay na anak nila Don Arturo at Doña Celestina.

"Tikman niyo po ang adobo na niluto ng aking asawa at tinitiyak ko na mamahalin niyo ito." Nakangiting sabi ni Ama at pinanood ang mag-asawang kasalukuyang tinitikman ang potahe na kanyang nirekomenda.

"Hmm, talagang malasa nga ito at sa tingin ko'y mapapadami ako ng kain ngayon." sabi ni Doña Celestina na batid mong nasarapan nga talaga dahil hindi niya mapigilan ang sariling ngumiti.

Ilang minuto pa ang lumipas at masaya kaming kumakain, bigla namang tumikhim si Don Arturo kaya naman agad kaming napatingin sa gawi niya.

Uminom pa muna ito ng tubig bago magsalita.

"Pido, kaya kami nandito ngayon ay dahil may nais rin sana kaming hilingin na isang bagay mula sa inyo," sabi ni Don Arturo, habang tinitingnan ng diretso si Ama.

"Maaari ko bang malaman kung ano ito?" Kalmadong tanong nito habang hindi inaalis ang kanyang tingin kay Don Arturo.

Tahimik lang kami at hinintay na sagutin ni Don Arturo ang tanong ni Ama.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Nais ko sana na hingin ang kamay ng iyong anak na panganay na si Josie para sa aking panganay na anak na si Mikael." sabi ni Don Arturo na bahagyang inilahad ang palad sa gawi ko at sa gawi rin ni Mikael.

Napakunot naman ang aking noo no'ng napagtanto ko kung anong pabor ang nais niyang hilingin sa'ming pamilya.

'Gusto niya ba akong ikasal sa anak niya?'

Palihim naman akong napailing sa ideya na pumasok sa aking isip, baka naman kasi nagkamali lang ako ng dinig sa sinabi niya.

"Kung iniisip niyo man ang magiging gastos sa kasal, wag na kayong mabahala at kami na ang bahala para sa bagay na iyon," Nakangiting saad ni Doña Celestina.

Teka? Ano ba 'tong kasal na pinag-uusapan nila? Napatingin naman ako sa gawi ni Mikael na ngayon ay nakatungo lang at nakikinig sa kanilang pinag-uusapan.

Agad naman akong napatingin kay Ama nang sumilay ang kanyang ngiti sa labi at dahan-dahang tumatango.

"Medyo nakakabigla na marinig ang bagay na iyan, kung para sa'kin naman ay wala rin naman akong nakikitang problema. Kung gan'on ay pag-usapan na natin ang mga detalye ng kasal." sabi ni Ama habang ngumingiti ng pagkalaki-laki.

Napatingin naman ako kay Ina at tiningnan ko siya ng may tutol sa aking mata ngunit isang tipid na ngiti lang ang isinukli niya saka nag-iwas ng tingin.

Agad naman akong tumayo sa aking inuupuan. Nakita ko naman ang biglaang pagbabago ng reaksyon sa mukha ni Ama, pero hindi ko na iyon pinansin at tiningnan ko ng diretso si Don Arturo na ngayon ay nakatingin rin sa'kin.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Mawalang galang lang po, hindi ho ako sang-ayon sa kasal na gusto niyong mangyarii. Wala pa ho sa isip ko ang pag-aasawa, sana po ay maintindihan ninyo. Pasensya na ho at kailangan ko nang umakyat, salamat," sabi ko at agad na umalis sa hapag at nagtungo na sa aking silid.

Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga ni Ama, alam kong hindi niya nagustuhan ang ginawa ko pero hindi ko na 'yon pinansin at nagtungo na ko sa aking silid.

Hindi maari na makasal ako sa ibang lalaki, siya lang ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. Nangako akong siya lang ang lalaking aking pakakasalan.

Hihintayin pa rin kita mahal, panghahawakan ko pa rin ang pangako na iyong binitawan. Alam kong babalik ka pa, kaya maghihintay ako sa pagbabalik mo.

----------

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ano ang sagot sa tanong na bakit?Where stories live. Discover now