Kabanata 26

458 18 8
                                    

Kabanata 26
Wrong move

**

Red's POV

"Mabuti naman at malinis at maayos dito." Sambit ko matapos ikutin ang bahay na titirhan nila Kuya at ni Mia. May dalawa itong kwarto at sala na konektado na ang kusina, may banyo at upgraded na rin iyon kahit papaano dahil may shower. At least dito masisigurado kong mapapa ayos ang buhay ng mga kapatid ko.

"Ang ganda ng bagong bahay natin kuya!" Tuwang tuwang sabi ni Mia habang naka ngising aso natawa naman ako.

"Saya mo ah?'

"Makakapag selfie na kasi ako kasi maganda yung background hindi tulad kila tiya na kahoy at wala pang pintura ang bahay." Naka ngusong sagot nito kaya kinotongan ko siya.

"Wag mag mayabang doon din tayo nang galing." Mataray na bulyaw ko sakaniya kaya ngumuso ito.

Tumawa lang si Kuya saka umakbay saakin. "The best ka talaga."

Ngumisi naman ako saka siya kinindatan.

"Malamang si Red 'to eh."

Matapos kong masiguradong maayos silang dalawa umuwi na ako sa condo ni sir Julian. Hindi ko nga alam kung bakit nagsta-stay pa rin ako doon eh wala naman akong ginagawa. Hindi naman sa gusto kong may gawin siya sakin hindi ko lang kasi talaga ma-gets ang purpose. Saka hanggang bukas na lang pala ako dito sa condo niya grabe feeling ko isang buwan akong nag stay dito.

Nagulat ako ng madatnan ko siya sa sala na nonood ng kung ano. Bat ang aga niya? No scratch that--bat dito siya nakatambay.

"You're home?"

Nawindang ako sa sinabi niya ano daw?

"A-Ah.." Naisagot ko na lang dahil nawi-weirdohan ako sa kinikilos niya.

"Kumain kana?" Tanong ko saka lumunok. Bat feeling ko ang awkward?

Nilingon ako nito saka umiling. Nakaisip naman ako ng kung ano saka dumiretso sa kusina simula kasi ng mag stay ako dito never ko siyang napag silbihan kasi nasa malayo siya. Atleast kahit papaano wala siyang masabi sa pagsta-stay ko ng libre dito saka para na rin sa mga atraso ko sakaniya.

Nasa kalagitnaan ako ng paghihiwa ng radish ng biglang mag salita si sir Julian sa tabi ko. Wait paano siya napunta dito ng hindi ko man lang napapansin?

"Let me," ani niya sabay agaw sakin ng kutsilyo. Mabilis ko namang pinigilan ang kamay niya saka siya kinunutan ng noo.

"What are you doing?" Bulalas ko kaya napabitaw ito sa kutsilyo. Umiling lang ito saka umatras what the heck may nakain ba 'tong lalaking 'to?

"What are you cooking?" Tanong niya habang hinihiwa ko yun.

"Sinigang."

"I didn't know you can cook I thought puro kain lang ang alam mo." Tutok na tutok lang siya sa ginagawa ko kaya napa ngisi ako.

"If poorita ka kailangan mo talagang matutong magluto you know."

Hindi na siya nag salita at tahimik lang na nanonood sa pagluluto ko. Lihim akong napangiti first time siyang umarte ng ganto sa harap ko at kung ano mang nakain niya pinapasalamatan ko talaga ng lubos iyon.

He stayed beside me until I finished cooking nakaka gulat nga dahil hindi siya nainip eh siguro gutom na talaga siya. Tinulungan niya akong mag mag lagay ng kubyertos at plato sa table magre-react na sana ako ng mapansin kong kumuha rin siya ng para saakin.

Gusto niya akong makasabay kumain?

"What 'ya lookin' at? Are we not eating or what?" Pagsusungit niya saka naupo.

Red SeductionWhere stories live. Discover now