Chapter 1: Twenty-One

3K 112 58
                                    

Chapter 1: Twenty-One


Shit.

Walang signal.

I'm screwed.

Ano nga naman bang ine-expect ko sa lugar na ito? It's a goddamned volcano, for Pete's sakes! Why did I even go here in the first place? Anong pumasok sa isip ko at pinili kong i-celebrate ang birthday ko rito mag-isa? Sa isang dormant volcano of all places? I could've spent my 21st birthday in Boracay or out-of-the-country. But no, I chose to spend it here. I chose to be one with the fucking nature.

Sana nag-beach na lang ako, diba? That shit is relaxing. Ito? This is fucking suffering.

I don't even exercise. I'm seated all the damn time at work and I'm 24/7 in our office. Well, not really, but close. I'm basically married to my job. It's my first paying one so I don't want to screw it up. I want to get a raise, too, kaya nagpapaka alipin ako sa trabaho.

Today was supposed to be all-about relaxing...

But here I am... a quivering ball of pent-up frustration and stress.

Happy birthday to me, I guess.

"Kaya pa, Ma'am?" tanong ng tour guide naming si Kuya Eugene.

Nginitian ko siya at tinanguan. "Kaya pa naman po."

Liiiiiies. All lies.

"Hayaan niyo, Ma'am. Malapit na po tayo."

Thank God. Mahigit three hours na rin yata kaming nagte-trek at hindi ko na alam kung may katapusan pa itong paglalakad na ginagawa namin. At this point, I'm not even sure if this is all worth it.

Napabuntong-hininga ako at tumingin sa direksyon ng nilalakaran namin. "Gaano pa po ba kalayo?"

"May dadaanan pa po tayong isang ilog, isa pang station tapos paakyat na po ng crater."

Napatigil ako sa paglalakad at napatulala na lang sa kanya. "Akala ko po ba malapit na?" tanong ko habang naririnig ang pagrereklamo ng mga kasukasuan ko. Bakit ko ba kasi naisipang gawin ito?

I know I sound like a brat. Pero sa sobrang pagod na nararamdaman ko, hindi ko na makita kung anong ikinaganda ng mga bagay sa kapaligiran ko. 'Yung rock formations, 'yung mga batang naglalaro sa gitna ng ilog, ilog na natuyo na dahil sa tirik ng araw... 'Yung kabuuang ganda ng paligid.

Hindi ko na sila ma-appreciate. I see them, but their supposed beauty doesn't register to my tired brain.

Natawa si Kuya Eugene sa hitsura ko. "Malapit na 'yun, Ma'am. Lalo na kung magtutuluy-tuloy na tayo at hindi na po titigil. Gusto niyo pasan na kayo sa akin, Ma'am?"

Ang dami ko nang nakikitang nagpapasan na sa kani-kanilang tour guide. Ayokong matulad sa kanila. Sobrang nakakahiya na 'yun. Isa pa, buhat na nga ni Kuya Eugene 'yung backpack ko, magiging dagdag pabigat lang ako sa kanya.

Napatingin ako sa taas at pinakiramdaman ko ang nanginginig kong mga tuhod... napalunok ako.

Aakyatin ko pa 'yan?

Bigla akong napaupo sa challenge na nasa harapan ko. "Hindi ko na kaya, Kuya Eugene." Para bang nag catch-up sa akin lahat ng pagod ko sa tatlong oras na nilakad ako. Don't even let me start doon sa one-hour ride. Pakiramdam ko doon nabugbog ang katawan ko talaga. Halos tumalbog-talbog lang kaming lahat sa loob nung military truck! Sobrang mabato ang daanan at walang maayos na kalsada papunta sa paanan ng Mt. Pinatubo. Legit dirt track talaga ang dinaanan namin.

Idagdag mo pa ang lahar! Napupuwing ka na nga, nahihirapan ka pang huminga. 

Napakamot ng ulo si Kuya Eugene at luminga sa paligid. "Gusto niyo po magpahinga muna kayo, Ma'am? Doon po tayo sa may lilim po ng puno," sabi nito bago itinuro ang nag-iisang malaking puno na may lilim.

Two Halves of A WholeWhere stories live. Discover now