Chapter 7: Preparation

292 9 8
                                    

Mikay's POV

Dumating ako sa bahay pagkatapos namin bisitahin ni Kiko ang magiging venue. Parang may nag iba sa pamilya ko, halos lahat sila ay di mapakali. Parang may alam sila at ayaw nila itong sabihin sa akin.

"Okay lang ba kayo?"

"Ah, oo anak okay lang kami. Bakit mo natanong?"

"Eh kasi po, ang weird ninyong lahat."

"Wala to, masyado lang kaming energetic ngayon. Wag mo kaming alalahanin. Kumain ka na ba?" Tanong ni Nanay Stella sa akin.

"Opo, kumain na kami ni Kiko bago umuwi, sigurado po bang okay lang kayo?"

"Oo anak, okay na okay kaming lahat. Magpahinga ka na, matutulog na rin tong mga kapatid mo."

"Sige na Mikay, mauna ka na." Tulak sakin ni Ate Bianca.

"Pagod na rin naman ako. Tay, Nay pasok na po ako sa kuwarto." Paalam ko sa kanila bago pumasok sa aking kuwarto. 

Nagtataka ako bakit nagkakaganito sila, ang weird talaga. Bahala na nga, bka masyado lang silang masaya ngayong araw. 

Mag iisang buwan ng wala si Jao, tinawagan niya ko last week nangagamusta wala naman siyang nabanggit kung kailan siya uuwi. At ayoko naman siyang tanungin dahil alam kong uuwi siya pag handa na siya. Pagkatapos noon, hindi na kami ulit nagkausap, pero naniniwala ako sa pangakong binitiwan niya, na babalik siya para sa akin hindi ko lang alam kung kailan.

**Narrator's POV**

"Wag kayong magpahalata kay Mikay about sa nalalaman natin." Puna ni Mang Dinoy sa kanyang pamilya. 

"Oo nga, mamya mabuking tayo na alam na natin na narito na si Kuya Jao tsaka  mag propropose na siya. Sayang naman ung effort." 

"Basta ganito na lang, wala munang kilig effects okay? Hangga't hindi nakakapag propose si Jao kay Mikay. Walang magpaparinig ng kahit anu tungkol sa kasal or anything na involve kay Jao. Hayaan natin na ang boyfriend ng kapatid niyo ang unang magsabi. Mas maganda at mas nakakakilig kung doon mismo sa taong mahal mo maririnig at malalaman na gusto ka niyang pakasalan at hindi ang mga kapamilya niya ang magsasabi sa kanya." 

"Opo nay, hindi kami magsasalita ni ate bianca tungkol dito. Promise." Sagot ni Dindi na halatang kinikilig pa rin.

***End of Narrator's POV***

Jao's POV

Hinintay ko munang maunang umalis si Mikay bago pumunta kila Kiko, mabuti na nga lang at hindi nagsabay ang mag  bestfriend sa pag alis.

"Jao, ano maitutulong ko sayo?" 

"Diba kayo ni Mikay ang nag aayos ng Graduation Ball sa school na pinagtuturuan niyo?"

"Oo, bakit? Gusto mo mag donate?" Biro ni Kiko sa akin. Pagkatapos ng lahat ng nangyari natuto na rin sa Kiko na tanggapin ako para sa best friend niya.

"Mag dodonate ako ng kahit anong hilingin niyo, basta tulungan mo ko."

"San ba kasi yan?"

"I'm proposing to your best friend..."

Muntik ng maibuga ni Kiko yung softdrinks na iniinom niya sa akin buti na lang at nabilaukan lang siya.

"As in for marriage?"

"Oo, nagpaalam na ko sa magulang ni Mikay I have their blessings. So please tulungan mo naman ako sa proposal ko. Ang dami kong pagkukulangan sa best friend mo at kahit dito lang sana makabawi ako."

"Sige pre, tutulungan kita. Gusto mong gawin ang proposal mo sa Grad Ball ng estudyante namin, tama ba?"

"Yup,."

Tumahimik si Kiko na para bang nag iisip ng malalim.

"Sasabihin ko to sa mga iba pang personnel para sa event, para aware sila. Tapos magplaplano na tayo para sa proposal mo. We have exactly 1 week para magawa tong nirerequest mo."

"Salamat ah, kahit noong una ayaw mo sa akin para sa best friend mo. Tutulungan mo pa rin ako."

"Para kay Mikay to, kaya kita tutulungan nakita ko kung gaano siya kalungkot noong nawala ka at bumalik ng Yangdon. Alam mo bang naging workaholic yan ng sobra at dinamay pa ko para di ka lang maisip palagi. Kaya I'm willing to help you, just to see her happy. But promise me one thing."

"Ano yon?"

"Take care of her. Maraming nag aasam para sa pagmamahal niya, pero sa huli ikaw pa rin ang pinili niya. Kaya wag mo siyang sasaktan, kundi lagot ka samin nila Mang Dinoy at Gino."

Tapos ng pag uusap namin ni Kiko, tinawagan ko si Gino para makipagkita sa kanya malaki rin ang utang na loob ko sa taong ito, Kundi dahil sa kanya hindi kami magkikita ni Mikay sa airport at malamang wala ako ngayon dito.

Gino's POV

Napaka boring sa office pag katanghalian ng araw, puro paperworks. Pirma dito, pirma doon. Basa dito, basa doon ng maraming business proposals. 

Nadistract ako sa pag dadaydream ng mag ring ang phone ko.

"Hello?"

"Gino, si Jao to."

"O, pare! Kamusta ka na?"

"Okay lang, andito na ko sa Philippines ngayon. Are you free today?"

"Hmm, oo naman bored na bored na nga ako dito sa office."

"Great, meet tayo. I'll text you the place and time."

"Sure.. Sige kita kits nalang mamya bro."

Umuwi na si Jao sa Pilipinas, meaning tapos na ang trabaho niya sa Yangdon at haharapin niya na si Mikay.

Nag momove on na rin ako kahit papano simula noong nangyari sa airport with Jao and Mikay. Nagising na ako sa katotohanan na hindi ko na siya pwedeng mahalin dahil may mahal na siyang iba. Pero ang hirap pala mag move on, lalo na't minahal mo ng sobra yung isang tao, madalas ko nakakausap si Mikay, palagi niyang naalala si Jao. Naiisip kung ano na nangayayari sa Yangdon at hindi ito tumatawag sa kanya. Nasabi din ni Mikay ang takot niya na, baka hindi na payagang umuwi ni Ashi ang kanyang anak at ipa arrange marriage na lang ito. Ang wild ng imagination talaga ng babaing ito, pero somewhat pwedeng mangyari kung gagawin talaga ni Ashi. Ngunit kilala namin pareho si Jao, Jao is a man of word  kung babalik siya, babalik siya. At tama ako andito na siya ngayon sa Pilipinas para kay Mikay.

Hindi ako nagkamali na pakawalan ang babaeng mahal ko para sa lalaking alam kong tunay na magpapasaya sa kanya. For the first time in my life, hindi ako naging selfish at naisip ko ang kasiyahan ng iba and I'm proud of myself for that. Unti unti nakong nagbabago, tama si Mama kailangan ko munang matutong mahalin ang sarili at ang pamilya ko para tunay ako makapagmahal ng iba. Unti unti na kaming nagkakaayos ni Papa dahil unti unti na rin kaming nagkakaintindihan. Umuwi na ko sa bahay after ilang years ako nagrebelde against my family. Nabago lang lahat noong, naaksidente si Papa I thought I could lose my father that moment and I promised na makikipag ayos na ako at sisikapin ko na maging mabuting anak basta mabuhay lang si Papa. At hindi ako nabigo, kahit nag 50/50 siya, he still survived. Iyon na yata ang gumising sa akin para ayusin ang buhay ko.

 Naudlot nanaman ang pag iisip ko ng magtext si Jao sa akin tungkol kung saan kami magkikita. May sasabihin sigurong importante to, masyadong nagmamadali eh.

AN: Medyo bitin ang chapter na ito. Sorry.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Prince and I (JaoMik --- KathQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon