LESSON 03- New Girl In School

47.6K 966 128
                                    

LESSON 03- New Girl In School

PINAHID ni Elizabeth ang luhang namamalisbis sa kanyang pisngi sa pamamagitan ng kanyang palad. Nakabalot siya ng kumot habang nakayukyok sa ibabaw ng kanyang kama. Umaga na ngunit para sa kanya ay hindi kayang pagliwanagin ng sikat ng araw ang kadiliman na lumulukob sa kanya.

Naaamoy niya ang nilulutong pagkain ng kanyang ama mula sa kusina.

Tumayo siya at nagbihis. Mabigat ang kanyang pakiramdam na tinungo niya ang banyo at isinahod ang walang laman na timba sa gripo matapos niyang pihitin iyon. Nang mapuno iyon ay naghubad siya at tuloy-tuloy na nagbuhos ng tbig gamit ang tabo. Gusto niyang lunurin ang sarili sa tubig. Nagbabakasakali siyang malilinis niyon ang pagdudungis na ginagawa sa kanya ng sarili niyang ama.

-----***-----

"HELLO sa inyong lahat. Ako nga pala si Olga Soledad. Seventeen years old na ako... Marahil ay ako ang pinakamatanda sa inyo dito kaya pwede niyo akong tawaging 'ate'. Ikinagagalak ko kayong makilala..."

Napataas ang kilay ni Sabina sa pagpapakilala na iyon ng bago nilang classmate. Hindi maipagkakaila na maganda si Olga. Kahit na kayumanggi ang kulay ng balat nito ay meron naman itong balingkinitan na katawan at magandang mukha.

"Maaari ka nang umupo, Olga," utos ng guro nila dito.

Sinundan niya ng tingin ang bagong kaklase nila hanggang sa umupo ito sa may hulihang upuan.

Napalingon siya sa kanyang kaliwa nang kalabitin siya ni Lucy. "What can you say?" sitsit nito sa kanya.

"Saan?"

"Saan pa, eh, di sa bago nating classmate."

"Wala," tipid niyang tugon sa kaibigan at sinulyapan niya si Olga sa kinauupuan nito.

"Siguro, we should befriend her. Malay niyo, mayaman siya!" humahagikhik na bulong ni Alyson.

-----***-----

NAPAANGAT nang tingin si Olga mula sa pagsusulat niya nang may nagpatong ng isang sandwich sa ibabaw ng kanyang desk. Isang gwapong lalaki ang nakita niyang nakangiti sa kanya. Nakatingin ito sa kanya. Sa paraan ng pagkakangiti nito ay hindi niya naiwasan ang pagganti ng ngiti dito. Para kasing napakaamo at bait ng mukha ng lalaki.

"Ikaw 'yong bago naming classmate, 'di ba?" Isang marahang tango ang isinagot dito ni Olga. Umupo ang lalaki sa katabi niyang upuan at inilahad ang kamay. "Ako nga pala si Dario Perez. Ikaw si Olga Soledad," pagpapakilala nito sa kanya.

Tinanggap niya ang pakikipagkamay ng lalaki. Hindi niya mawari kung bakit nakaramdam siya ng kilig nang madama niya ang mainit na palad ng lalaki.

"Tama ka, ako nga si Olga Soledad... Teka, para saan ito?" tukoy niya sa sandwich na ipinatong nito sa desk niya.

"Para sa iyo iyan. Napansin ko kasi na recces na pero hindi ka pa kumakain, eh. Bilang, bago kang estudyante dito, eh, libre ko na sa iyo 'yan. Pero sa susunod, may bayad na, ha..."

Bahagya siyang natawa sa birong iyon ni Dario. "Salamat dito, ha. Mamaya ko ito kakainin kapag natapos ko na itong assignment natin sa Math."

Biglang tiningnan ni Dario ang ginagawa niya. Tila naging interesado ito sa ginagawa niya. "Ah... Ang aga mo naman gumawa ng assignment."

"Para pag-uwi ko ay wala na akong aalahanin. Makakatulong pa ako sa nanay ko sa mga gawain sa bahay."

Tumango-tango si Dario. "Sabagay, may point ka. Alam mo, nahihirapan ako sa lesson natin na iyan sa Math kanina. Pwede mo ba akong turuan? Kung okey lang sa'yo..." At alanganin na ngumiti si Dario. Napakagwapo nito kapag ngumingiti ito ng ganoon. Pakiramdam ni Olga ay may nagliliprang paru-paro sa kanyang tiyan.

"Sige ba! Kapalit ng sandwich mo!" Masiglang sagot niya.

Hindi alam ni Olga ngunit palagay at magaan agad ang loob niya kay Dario.

Ilang sandali pa ay masaya na niyang tinuturuan si Dario sa lesson nila sa Math kanina. Paminsan-minsan ay nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya imbes na sa itinuturo niya at ikinatutuwa niya iyon. Oo, aaminin niya sa kanyang sarili--- gusto na niya agad si Dario.

-----***-----

HINDI maipinta ang mukha ni Sabina habang titig na titig siya kina Dario at sa bago nilang kaklase na si Olga. Mula sa labas ng class room nila ay kitang-kita niya kung gaano kasaya ang dalawa habang nagkukwentuhan. Bakit tila malapit agad ang dalawa gayong bago pa lang na magkakilala ang dalawa?

Lubos ang pagpipigil niya sa kanyang sarili na huwag lapitan ang mga ito at sampalin si Olga. Napakalandi nito! Akala mo kung sinong mabait nang magpakilala ito kanina sa harapan nila.

"Oh, here's your drinks---" Natigilan si Lucy sa pag-abot sa kanya ng inumin nang makita nito ang tinitingnan niya. "Oh no... Close na agad sila?" pabulong na sabi ni Lucy.

Hindi siya nagsalita. Inabot niya ang inumin pero hindi niya iyon ginalaw. Maya-maya ay dumating na rin si Alyson. Agad din nitong nakita ang pag-uusap nina Olga at Dario at tulad ni Lucy ay nagulat din ito.

"Sa palagay ko, may bago na naman tayong pagti-tripan, girls!" Nakangiting turan ni Alyson.

"No!" tutol ni Sabina. "Ibang atake ang gagawin natin sa Olga na iyan. Nagkamali siya ng lalaking lalandiin..." makahulugang dugtong ni Sabina.

Naniningkit ang kanyang mga mata sa sobrang inis at galit!

Sa kanya lang si Dario. Marami itong magiging babae ngunit sigurado siyang sa huli, sa kanya din ito babagsak!

Maya-maya ay nakita nilang pumasok sa classroom nila si Joshua. Kilala ito ni Sabina. Bestfriend ito ni Dario. Nanligaw din sa kanya noon si Joshua pero hindi niya ito sinagot dahil sa si Dario talaga ang gusto niya. Gwapo naman si Joshua pero mas gwapo pa rin si Dario. Nilapitan ni Joshua sina Dario at kahit malayo ay alam niyang ipinapakilala ni Dario si Olga sa kaibigan nito. Tumayo si Dario at lumabas ito ng classroom kasama si Joshua. Naiwang mag-isa si Olga.

Ito na ang magandang pagkakataon para kausapin si Olga.

"Lets go, girls!" yaya ni Sabina kina Lucy at Alyson.

"Saan?" mahgkapanabay na tanong ng dalawa.

"Kay Olga. Kakaibiganin nati siya..."

May gumuhit na pagtataka sa mukha nina Lucy at Alyson.

"What? May sakit ka ba, Sabina?" ani Alyson. "Akala ko ba galit ka sa new student na iyon? Bakit kakaibiganin mo ngayon? Kitang-kita mo naman siguro kung paano niya landiin si Dario, 'di ba?"

Isang pilyang ngiti ang sumilay sa labi ni Sabina. "Hindi ba at may kasabihan na: Keep your friends close and your enemies closer!"

Manghang napatingin sa kanya ang dalawang kaibigan. "I'm starting to love this!" Excited na pakli ni Lucy.

--CLASS DISMISSED!---

School Trip X3MTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon