Kabanata 2

4.1K 79 2
                                    

2

"Ano ba guys bilisan nyo.. Doon yan sa kabilang side. Joshua hindi pantay.."-that was Kleng. Kanina nya pa ginagawa yan. Nandito kami sa isang wedding event na kami ang organizer syempre. Naayos na namin ang simbahan may kailangan lang kaming iretouch sa reception. Babalikan pa namin ang bride at groom at ang simbahan. Si Kleng ang nakatuka sa groom at ako sa bride kailangan pa namin silang iassist.


"Guys babalik na kami kayo ng bahala dito. You have more than an hour to check all the tables okay."-paalam ko sa kanila habang naglalakad palabas.

Yung ibang team namin naiwan naman sa mga venue. Pero isa-isa padin naming tinitingnan ni Kleng para sigurado. Dahil ang taste namin ay hindi naman laging pareho sa mga tao namin.

"Kleng natawagan kuna sila Jane okay na daw ang simbahan. Just go to the groom tutal kayo din naman ang mauuna later so kayo nalang din muna ang magcheck."-remind ko bago sya ibaba sa hotel ng groom at ako ay babalik din sa kabilang hotel for the bride.

Napangiti ako habang nakatitig sa kamerang hawak ko. Natanaw sa dalawang taong masayang nakangiti sa isa't isa habang binibitawan ang mga pangakong walang iwanan. Patuloy lang ako sa pagikot at pagkuha ng mga larawang nakangiti o dili naman kaya'y umiiyak, dahil sa nasasaksihan nila. Pero kakaatras ko ay hindi ko namalayang may tao pala sa likuran ko. Napasigaw ako sa sobrang gulat ko natwist pa ang paa ko. Pero hindi ako sa sahig bumagsak kundi sa mga bisig na nasa bewang ko at ang likod kung nakasandal sa matigas na dibdib.

"Ooppss.. Careful love."-dinig kung sabi noong sumalo sa akin.

Agad kung inayos ang salamin kung natabingi na at sarili kung nahulas bago dali-daling tumayo. Pero talagang swerte ako ngayon dahil pagtayo ko may naapakan ako. At bumagsak ulit pero mabilis din akong nasalo ulit noong nasa harap ko pero ngayon nakaharap na ako.

"Wala ka pa ding pinagbago.."-anang baritonong boses. Agad ko iyong tiningala matagal ko pang inaninag kung sino yun dahil natabingi ang salamin ko. At bumungad sa akin ang nakangiti nitong mukha na parang tuwang-tuwa sa nakikita nya.

"I—im sorry.."-shocked yun ang una kung masasabi. Kulang ang salitang gulat habang kaharap ang lalaking madalas laman ng isip ko sa mga nakaraang buwan. Ngayon hindi ko nalang sya iniisip kundi nasa harap ko na mismo.

"Baka naman gusto na nating tumayo? Pinagtitinginan na kasi tayo.."

"Ohh sorry.."-agad akong tumayo doon at inayos ang sarili ko. Buti nalang hindi ako nakadress kundi nakita na ang kaluluwa ko dito. "Hala Sorry talaga. Hindi ko sinasadya."-yuko ko para huminggi ng paumanhin dito. Pero kasabay ng pagbow ko ay sumabay din ang inggitera kung salamin.

Shit! Isa akong near sighted kaya pag malapitan kita ko naman. Pero pag malayo na hindi kuna makita as in anino ka nalang. Akmang kukunin kona ang salamin ko pero sumabay ang dagsa ng tao palabas ng naglakad ang bride at groom palabas. Napangiwi nalang ako sa tunog nito habang unti-unting winawasak ng mga walang hiyang guest..

"R.I.P eyeglasses.."-bulong ko habang nadudurog ito sa paningin ko.

"Ashton remember me?"-nakangiti nyang paalala hindi ako agad nakasagot, at kunot noo kung inaayos ang salamin para tingnan sya kunwari hindi sya naalala. "Aww im so hurt right now. You don't remember me?"-napailing nalang ako bilang sagot. Gusto kung sabihing naalala ko sya ng mawala ang ngiti sa labi nya pero hindi pwede.

"Pasensya na hindi kasi ako matandain."-pagbaling ko ng tingin nasilip ko namang tumango sya bilang sagot sa sinabi ko. Hindi ko alam kung naniniwala sya sakin pero ikoconsider kuna kesa hindi diba!

Five Days With Stranger (COMPLETED)Where stories live. Discover now