Chapter 15

360 2 0
                                    

CHAPTER 15

KL'S 

Ethan and I decided to get married by the first week of December. I decided to stop school na rin so I can just take care of my self.

Sandy decided to continue her studies kahit na magpo-four months na yung tiyan niya. Sabi niya kasi, sayang ang isang sem kung hihinto siya eh wala naman siyang ginagawa sa bahay nila. Saka busy rin si Ash sa school kaya di rin siya masasamahan araw araw.

 "Are you really sure na ipagpapatuloy mo yang pag-aaral mo, Sandarang?" Tanong ko kay Sandy while we're eating snacks. Wala kasi siyang pasok at dahil wala naman akong ginagawa sa bahay, eto ako at tumatambay na lang.

"Hindi naman ako masyado nahihirapan eh. Saka sayang nga diba?!" 

"Alam mo namang mahina ang kapit ng baby mo diba?" I am really worried about Sandy's condition. Mahina ang kapit ng baby niya and any wrong move, pwedeng mawala sa kanya yung baby nila.

"Don't worry hindi ako iiwan ng baby ko. Mahal ako nito" 

Weeks passed by and I'm already on my third month. Sobrang hirap kasi mas malaki sa normal size ng three months tummy ang tummy ko dahil sa twins ang dinadala ko. Medo mabigat na kasi at nahihirapan akong umupo.

From : Papaitan

Hi baby ko! Do you want anything? I'll be home in an hour :*

To : Papaitan

Just buy bread and milk for me and I'll make my bread shake :) iloveyou baby! Take care!

My pregnancy life so far is really good. Mas naging matatag kami ni Ethan at nag-aaway lang kami pag mainit ang ulo ko. He never got mad kahit na sobra sobra ko na siyang pinagti-tripan. And about our upcoming wedding, halos sila Mama ang nag-aayos dahil sobrang busy ni Ethan at ako, busy busyhan. 

And you know what, Michael left the school. I don't know why pero bigla na lang siyang naglaho and he never contacted me. Wala rin siyang kinocontact sa barkada and we're really worried about him. Sabi naman ni Troy, baka daw bumalik na sa Japan kasi pinapabalik na daw siya dun ng mommy nito. Pero sobrang sayang kasi hindi manlang siya makakaattend ng kasal ko!

Nakakatampo rin kasi bigla na lang di nagparamdam. Like duhh sobrang close kaya namin! 

-------

Tomorrow is the big day. And hell sobrang kinakabahan ako!

"Anak, bukas na yung kasal mo. You should be excited" Mama

"Ma naman" Ako

"Aba! Ang dami naming effort dito tapos aarte ka ng ganyan? Tumigil ka ah. Rain or Shine, tuloy ang kasal" Mama

"Oo na! Nahiya ako sa effort mo eh. Wala ka na ngang binayaran. Layas na nga!" Ganyan kami magmahalan ng Mama ko :)

"Anak *snif**snif*" I looked at my mom. Oh God she's crying!

"Mama naman eh! Ang arte mo!" Ako at niyakap ko siya saka hinayaan yung luha ko na tumulo "Iloveyou, Ma" Bulong ko sa kanya

Mr. Possessive (Revised Version)Where stories live. Discover now