[four]

2K 132 32
                                    

(3RD PERSON'S POV)

'He was physically abused by his stepfather when he was just a child. So, it's normal for him to get nervous when someone touches him.'

Napabuntong hininga si Rylee ng muling maalala ang mga sinabi sa kanya ni Brayden nang malaman nito ang ginawa niya kay Eli.

Napailing ng ilang ulit si Rylee bago pinasok ang mga libro niya sa loob ng locker niya. Nang isarado niya ang locker niya, agad na bumungad sa kanya ang galit na mukha ni Sky.

"What do you want, orange?" tanong ni Rylee na ang pinapatungkulan ay ang orange na buhok ni Sky.

"Anong ginawa mo kay Eli noong isang araw?"

Imbes na sagutin, tinalikuran niya si Sky. Pero sadyang makulit ang babae dahil tumakbo ito papunta sa unahan niya at inistretch pa ang mga braso para harangan ang daraanan niya.

"Stay away from my friend or else ---"

"Or else what?" panghahamon ni Rylee.

"This is the first time you talk to me, Sky. Do you like Eli?"dagdag pa niya.

Ibinaba ni Sky ang mga braso niya at pumamewang.

"Eli's special to me, but I don't like him in a romantic way. Someone else does."

"Easton?" nakangising tanong ni Rylee.

"Hindi na importante kung sino. Ang mahalaga, Eli's my friend."

"Your one and only friend. No one wants to be your friend 'coz you're so childish."

Napansin ni Rylee ang pagkuyom ng mga kamao ni Sky.

"Yes. He's my one and only friend so I'm trying to protect him from you! Stay away from, Eli. Hindi siya laruan na pwede mong paglaru-laruan!" singhal ni Sky kay Rylee bago nagmartsa at binangga pa niya ang balikat ni Rylee.

"She's cute, but her attitude sucks."

---

Pagkatapos ng tagpong iyon, dumiretso na si Rylee sa oval. May practice kasi ngayon si Luna para sa nalalapit na University Game. Member ito ng women's track and field at dalawang taon na 'tong hinihirang na kampeon sa sports na ito.

Dala-dala ang kanyang sketch pad at lapis, umupo si Rylee sa may damuhan habang pinagmamasdan ang pawisan na si Luna na seryoso sa ginagawang pag-eensayo. Hindi niya naman napansin na nasa likuran lamang pala niya sila Sky at Eli na nanonood naman kay East na nag-tetraining din para naman sa men's track and field.

Yumuko si Rylee at sinimulang i-drawing si Luna base sa sitwasyon nito ngayon. Member ng Art Society si Rylee at laging si Luna ang muse niya. Gandang-ganda kasi siya sa babae. Wala pa siyang nakikitang maaaring pumalit dito bilang maging muse niya.

Samantala, habang abala sa panunuod si Eli sa bebe Easton niya, nahagip ng mga mata niya si Rylee. Nagulat pa ito nang makita itong nagdodrawing. Hindi niya kasi alam na magaling pala ito sa ganoon. Pinasingkit niya ang mga mata niya para makita ang ginuguhit nito at napagtanto niyang si Luna ito. Namangha siya sa pagkakadrawing ni Rylee. Kuhang-kuha nito ang itsura ngayon ni Luna na kahit pawisan na ay maganda pa rin.

Sa kabilang banda, hindi nawawala ang pagtataka ni Eli kung bakit di siya pinapansin ni Rylee na para bang iniiwasan siya nito. Ilang araw na niya itong napapansin simula nung insidente sa bodega. Kahit pabor siya sa hindi pagpansin nito sa kanya, hindi pa rin niya maiwasang magtaka.

Napailing na lamang siya at muling ibinaling kay Easton ang atensyon niya. Itinaas niya ang camera niya at kinuhanan niya si East. Oo, may camera na si ate niyo Eli. Mas inuna niya pa ito kesa sa pagbili ng bagong selpon. Sumali kasi siya sa Perfect Shot – ang recognized group ng University nila for aspiring photographers.

HER TWISTED MINDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora