Chaper Eleven: SO CLOSE! >////<

24 0 0
                                    

“Uy, lagi ka na ata tulala ngayon?” sabi ni May pag ka kalbit biya sakin.

Lagi ba? Oo nga ata. Ewan. Panay nalang lutang utak.

These pass few days parang nag flaflash back sakin lahat ng nangyari sa buhay ever since nainvade ng isang baliw na alien na ang pangalan ay Matt.

Nagulo at nadisrupt ang mundo ko since inatake niya ang aking pusong natutulog.

Mamamatay na ba ako at nagflaflash back sakin ang lahat? Diba sabi nila, when you’re about to die, your whole life will flash in your eyes and the people who were a big part of it.

Naku! Lord! Sige! Kunin niyo na po ako at nababaliw na ako dito!!! >3<

Hayy…

“Uy! Gumising ka nga! Nagpuyat ka nanaman sa kakapanuod ng anime noh?”

“Ha?”

“Ay naku. Mag aral ka nalang nga at may test pa tayo mamaya sa Math”

“Matt?”

“MAT’H’! Hindi Matt! As Mathematics! Naku Nik. Ayusin mo buhay mo. Wag mo hayaang umikot mundo mo sa isang tao. Maraming blessings binigay si Lord para sayangin mo buhay mo kakahabol at isip sa Matt na yan”

“Oo na oo na. Psh” nanenermon nanaman tong si May.

Pumunta kaming CR sandali at nagbanyo muna siya. Ako tinitigan ko ang mukhang alien na mukha ko. Nagdadry nanaman labi ko.

Hinawakan ko yun at nag flash sa utak ko ang time na muntik kami magkiss ni Matt. Yes. MUNTIK! As in konti nalang eh! >3<

~PAST~

 

MUNTIK CASE 01

 

Naglalakad kami ni Matt papunta sa hindi ko alam. Lakad lang ng lakad kami. Malapit na nga kami sa likod ng school kung saan matatagpuan ung dati kong section. Nauuna ako kasi etong Matt na toh kasi busy naglalaro ng Pokemon sa gameboy na hiniram/tinakas kay kuya na heram niya/talagang hiniram di tulad ko sa classmate niya.

Dapat ako naglalaro pero para Masaya siya hinayaan ko na basta wag niyang sirain kundi ako malalagot.

Teka… si! Si! Si Milo un! Nako naman! Ayaw ko makita nila ako!

Tumalikod ako at napatigil agad kasi naman!!! Wahh!!! Ang lapit namin sa isa’t isa! Muntik na! Muntik na kami mag! Mag! Mag KISS!!!! >/////<

Lord! An lakas ng kabog ng puso ko! >///<

Agad ko siya bahagyang tinulak. Pero good, di niya napansin kasi naman, mga mata niya tutok sa gameboy. Ako lang may alam na muntik na kami mag k-kiss. -///-

Agad ko nilagpasan si Matt at naglakad palayo. Sinundan naman niya ako pero busy parin sa Pokemon.

MUNTIK CASE 02

 

Palabas na ako ng room namin at kausap ko si Lus kaya nakatingin ako sa kanya na nasa likod ko. Nung nasa door na ako and I was about to step out, humarap ako pero pag harap ko ang bumulaga sakin ay ang ubod na gwapo na mukha ni Matt. Napatulala kami sa isa’t isa for about 5 seconds at bumalik na ako sa senses ko.

Naman oh!!! This is the second time! Muntik na naman kami mag kiss! MUNTIK LANG!!! >////<

Nag back step ako ng isa at napatingin lang sa left then right then down then up. Hanggang sa narealize ko dapat lagpasan ko nalang siya at mag lakad na palayo. Which ginawa ko na nga.

“Lus!!! Iyy!!! Muntik na naman! Pangalawa na toh” pagngangawa ko sa best friend ko nung nakalayo na kami. Tumingin ako sa likod kaso wala na siya. Pumasok na siya sa room.

“Nako Nik, huminahon ka na. Ok lang yan. Bata pa tayo. May next time pa. Sa susunod wag ka magalala. Para sure na mag kiss kayo tutulak ko na mukha mo sa kanya”

“Lus naman eh!!! >////<”

MUNTIK CASE 03

 

Nag lalakad kami ni Lus sa shelter. Wala lang lumilibot lang sandali kasi ayaw ko pa umuwi at wala pa Papa niya. Kaya eto, inaaliw mga sarili namin.

Nung magriright na ako eh sinalubong nanaman ni Matt and yes! So close again!!! Muntik na muntik na talaga!

“Sorry ^____^” sabi niya sakin. Ay, talagang mag sorry ka! Sorry dahil hindi natuloy!

Naman oh! Sabi nila third time is a  charm pero hindi naman! Bitin na naman ulit! >////<

Nilagpasan na niya ako.

Aww… disappointed ako ng konti dun. Hayy… wag na talaga ako umasa.

~PRESENT~

 

Three times. Three times we almost kiss. Pero I guess that the universe’s way of saying it can never be. Nako naman oh… sabagay who would want to kiss someone like me…

Pero grabe talaga… SO CLOSE!!!! >////<

PAGING! PAGING! WANTED: True Love [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon