Special Chapter 01

25.4K 606 29
                                    


Mysterious Girl

( Ethan's POV )

After 15 years..

"Mom , where's Xandra?" iritado kong tanong kay mommy

"Ethan , your always like that ah..Lagi kang nakabantay diyan sa kapatid mo.." si mommy habang nagluluto

"Alangan naman kasing hayaan ko siyang pumunta kung saan diba?.She's the only girl kaya samin.." sambit ko pa

"Tsk!.Over protective ka talaga..Fine , pumunta siya sa mall kasama yung friends niya.."

"Friends bah talaga?.Baka boyfriend na yan ah.." 

Umirap lang si mommy at nagpatuloy na sa pagluluto.

It's been years simula nung ikasal ulit sila mommy at daddy..Sobrang saya namin nung araw na yun...Hindi ko nga maintindihan ang mga nangyayari kasi nga biglaan nalang ang kasal nila.

Masaya naman ang mga panahong lumipas..Hindi na kami nagkakagulo , at kumpleto lagi..

Pero may isang bagay na nagbago sakin..

Hindi na ako ang Ethan na masayahin noon , hindi na ako yung laging nakikipaglaro..

Para bang ang bilis tumanda ng utak ko kesa sa katawan ko?.Tyaka hindi ko na rin masasabing mabait ako..

Sa 15 years na lumipas , nagpagawa ng sariling eskwelahan sina mommy at daddy..Doon din kasi kami nag aaral..Pwera nga lang kay Xandra na sa tuwing summer lang nandito kasi nga nasa probinsiya siya ngayon nag aaral at tumitira..

Nandun kasi sina lolo at lola , ewan ko bah sa kanya kung bakit niya pinipili dun kung mas masaya naman dito..Sabi niya daw may misyon daw siya dun at kailangan niya yung gawin sa lalong madaling panahon.

"Kuya , kailangan na nating umalis.." si Nathan habang nagtitipa sa cellphone niya

Naaalala niyo pa bah siya?Yung kapatid kong parang walang problema kasi laging nakangiti..Noon medyo close kami niyan..Pero ngayon halos mag asaran na kami buong araw..

Malaki din kasi ang pinagkaiba niya..Kapag may lumalapit na babae sa kanya , kinakausap niya agad..Ako naman , binabalewala ko..

Wala akong panahon sa mga ganyan eh..

"Nandun na bah sina Red?" tanong ko pa

"Yup..Nandun na sila kanina pa..Tyaka malapit nang mag 7 pm oh , ang tagal mo diyan.." reklamo niya

"Anong matagal , nag uusap pa kami ni mommy.."

"Sus!.Ayan na naman kayong dalawa , mag aaway na naman kayo.." si mommy at pumagitna samin..

"Si kuya naman kasi eh.." masama itong tumingin sakin

"Oh , anong ako?Ikaw nga yung bigla nalang nagagalit diyan eh..Wala akong ginagawa mom ah.." depensa ko

"Hayst!.Paluin ko kaya kayong dalawa?!.Umalis na nga kayo at para naman maging tahimik 'tong bahay..Wag kayong magpapa-hating gabi sa bar ah?Kundi ipapasundo ko talaga kayo sa daddy niyo.." aniya 

Tumango nalang kami pareho ni Nathan sabay halik sa pisngi niya..

"Bye mommy nami'ng maganda!" sabay naming sabi ni Nathan sabay labas

Pero bago pa kami tuluyang makalabas ay nakasalubong na namin si Kean na seryosong nakatingin sakin..

"Saan yung punta niyo , kuya?" pareho niya kaming tiningnan ni Nathan

His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Where stories live. Discover now