Prologue

56.5K 886 32
                                    


BABALA : Mag ingat sa mga taong babastedin niyo girls.


PROLOGUE.

"Wendy look at him.. Ang gwapo niya diba?"

Napasimangot si Wendy sa itinuro ni Yoona. Ang best friend niyang mataba at malabo ang mata.

Itinuro nanaman kasi nito ang nag iisa nitong crush sa campus nila. Walang iba kundi si Jared Hoffman. Ang payat na nerd sa kanilang skwelahan. Kaka-transfer lang nito sa kanilang paaralan noong nakaraang buwan

"Anong gwapo ka diyan? Tignan mo nga ang payat payat--"

"Hindi ka ba nagwa-gwapuhan sakanya??"

"Hindi" Nagkibit balikat nalang si Wedy.

Aaminin niya gwapo nga ito kahit payat dahil halata ng pagkakaroon nito ng American blood. Pero ayaw niya munang magkaroon ng crush dahil pag aaral muna ang inaatupag niya.

Lalo na siya ang bread winner ng kanilang pamilya.

Inaasahan ng kanyang Mama na makapagtapos siya sa pag aaral upang siya naman ang magpapa-aral sa walong kapatid niya

Yeah. nine kaming magkakapatid at ako lang naman ang panganay..

"Mas malabo pa ata yung mata mo kaysa sakin eh. Tignan mo nga ang gwapo gwapo niya. Balita ko kahit payat siya at nerd ang daming nagkakagusto sakanya dito sa school!"

kinukurot kurot pa siya ni Yoona habang nakatingin ito kay Jared. Inayos nitong mabuti ang makapal na salamin sa mata.

Nasa loob sila ngayon ng Quadrangle kung saan tumatambay ang mga studyante kapag vacant period

Malaki ang quadrangle , madaming puno at nagsisilbi itong simple park ng kanilang paaralan. Dito kumakain ng lunch ang ibang studyante dahil may vending machines at booth stores sa paligid.

They are now forth year high school. Graduating na sila ni Yoona this school year.

"Hay nako yoona. Panay gwapo nalang ba ang iisipin mo? Graduating na tayo kaya wag na muna natin isabay yang mga crush crush na ganyan. Ang mahalaga ngayon matapos natin tong assignment natin"

Inirapan siya ni Yoona at patuloy nitong tinitigan si Jared.

Napabuntong hininga nalang si Wendy.

Hindi niya maiwasan mapalingon kay Jared. Sa totoo lang unang kita niya palang dito nagkaroon na siya ng hiya dito dahil palagi niya itong nahuhuling nakatingin sakanya.

Napangiti ito ng tumingin siya sa gawi nito. Para bang hinihintay talaga nitong mapatingin siya

Grrr. ayoko pa magkaroon ng crush!

Inirapan niya ito at nagkunwaring busy sa kanyang notebook. Hindi niya maintindihan kung bakit bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Relax wendy!

"My God he smiled at me! N..Ngumiti siya sakin wendy!"

Niyugyog pa ni Yoona ang kanyang balikat

Sa palagay ni wendy inakala ni Yoona na ito ang nginitian ni Jared.

"Oh my God palapit siya satin!"

doon na bumilis ng husto ang puso ni Wendy.

Shit ano ba to. Bakit ako kinakabahan?!

Nag kunwari nalang siyang hindi affected. Pero ang totoo halos magwala na ang puso niya.

Bakit naman sila nito lalapitan? Alam niyang sikat ito sa paaralan nila kahit nerd ito at payat matangkad naman ito at gwapo

"H..Hi"

Mr.Basted Returned?! SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon