20th.

261 13 7
                                    

Susko sa wakaaas umabot din sa 20th chapter hahaha.

Guuuys. Nga pala, kung gusto niyo like niyo FB page ko (pa-peymus shet haha), Kharu Wattpad. minsan kasi po dun ako nagpopost ng infos and announcements. may mga pinaplano rin akong iannounce dun later this year ;)

Hope you'll enjoy this one kahit meyo bangag ako HAHA. Engineering kills. XD

***

20th.

Pang-apat na araw ng "week-off" ko sa paga-alaga kay Xander. Ngayon ko na-realize kung gaano ako ka-busy noong mga nakaraang linggo.

Nag-tampo na kasi sa akin ang designing team ko. Hindi na ako nakakabisita sa office, hindi na ako nakakapagpasa ng requirements para sa events. Nahihiya tuloy ako kay Ate Cha. Sobra na pala silang namomroblema dahil sa'kin.

"Dynalene, sa lahat naman ng pagkakataon, ngayon ka pa nakalimot sa mga responsibilidad mo? That event is one heck of an event!!! At three weeks na lang ang meron tayo. Tingin mo kaya nating matapos ang lahat bago ang due date?Gosh, Dyna. I thought you'd never disappoint me."  Iniwan ako ni Ate Cha sa loob ng office niya. Hindi na talaga ako nakapag-salita, sa sobrang hiya at guilt. Masyado na pala akong pabigat..

"Girl.." Pumasok si MJ at niyakap ako. Grabe, halos isang buwan na ata kaming hindi nagkikita. "Saan ka ba naman kasi nagsusuot na babae ka? Alam mo namang ayaw ni Cha ng ganyang attitude!"

"Syempre alam ko naman.. Masyado lang maraming nangyayari ngayon.. Basta.. Sorry, babawi ako, promise."

"Hay. Ewan ko sa'yong bruha ka. Basta kapag kailangan mo kami, alam mo na. Tsaka hindi ka rin naman matitiis niyang si Charmaine. Puntahan ko muna si BFF ha." Nakipag-beso siya sa akin tapos umalis na rin siya. Nag- linis lang akonang konti sa office ni Ate Cha tapos umalis na rin ako.

***

Pumasok ako sa school pero dahil medyo wala ako sa sarili, hindi ako umattend ng klase. Unang beses kasi akong napagalitan ni Ate Cha. Ang bigat sa pakiramdam, tapos ang dami kong dapat asikasuhin, dapat mabilis and at the same time maayos yung designs na ibibigay ko sa kanila para naman makabawi ako. Nape-pressure ako.

"Ang tnga mo naman kasi, Dyna."Napasandal na lang ako sa isang puno sa garden.

"So, mahilig ka na pala mag-cut ngayon?" Medyo nagulat ako nung may nagsalita sa tabi ko, nakapikit kasi ako.

"Bigla-biglang sumusulpot. Tss."

"Oh, galit ka na naman? Iisnabin mo na naman ako?" Mage-explain sana ako pero hinawakan niya ang mukha ko. "Joke lang, 'wag kang mag-alala, kahit iwasan mo ako nang paulit-ulit, maiintindihan ko."


A comforting silence followed.

Ivan.. Napaka-misteryoso mo pa rin. Ano bang iniisip mo ngayon?


Medyo matagal pa kaming nanahimik, pero hindi awkward.

"Uhh. Lolly's tayo?" Aya niya.

"Wala akong gana."

"Walang gana your peys. Tara bilis, libre ko. Bawal tumanggi." May magagawa pa ba ako eh hinila na naman niya ako.

***

"Ubusin mo 'yan ah, ngayon lang ako nanlibre sulitin mo na." Kumindat pa ang loko bago magsimulang kumain.

Ako naman, dahil libre, syempre nanamnamin ko. Hooo. Stress reliever.

"Dyna."

"Oh, bakit?"

"Dyna-na, what's my name, Dyna-na, what's my name.." Kinanta niya yung kanta ni Rihanna with that lyrics. Tinitigan ko lang siya nang matagal. Mapapamura ka naman e. HAHAHA WALEY.

"Gago." Binato ko siya ng tissue, pero nagpipigil lang ako ng tawa. Hindi dahil sa joke niya, kung hindi dahil sobrang corny niya.

"Dyna.."

"Ano na namaan?!"

"Willing akong tumulong sa inyo." Natigilan ako. "Alam kong may event kayo uling sasalihan three weeks from now. Tutulungan kita."

Ayan na naman siya sa pagiging mind-reader niya. Hindi na lang ako sumagot. Una, dahil alam kong waka akong makukuhang sagot sa kanya kapag nagtanong pa ako. Pangalawa, alam kong kailangan ko talaga ang tulong niya.

"Thank you." Nginitian ko na lang siya.

"Yown. Ngingiti rin naman pala, eh. Ubusin mo na 'yan, pasok ka na sa next period mo. Lagot ka kay Ma'am Jans 'pag wala ka dun."

"Opo, opo. Tara na."

Hinatid ako ni Ivan sa room namin pagkatapos umuwi na rin siya. Bumalik ulit ang kantsaw sa amin ng mga kaklase ko, lalo na galing kay Chelu. Pero okay na.

Good mood na ako.

***

"Esp, sa inyo ako tutulog ngayon ah, kukunin ko lang mga gamit ko sa bahay. May mga ipapasukat ako sa'yo." Sisimulan ko nang gawin ang designs ko kina Chelu.

"Sama ako." Ivan???

"Sus, maliit na bagay. Oy, Esp, sabay na kayo, hindi alam ni Ivan ang bahay namin. Ingat kayo!"

"So, paano ba 'yan?" Ngumiti nang nakakaloko yung tsonggo.

"Umayos ka. Magkita tayo sa terminal."

"Yes, boss. See you."

Naghiwalay na kami ng daan.

Naiinis ako.


Masyado kasi akong nae-excite.

Isang kanto na lang at nasa bahay na ako pero may humila sa akin, tapos sinampal ako. Nagulat ako, malakas yung pagkakasampal sa akin.

"Dyna, kasama mo na naman 'yung lalaking 'yun? Akala ko ba nagka-usap na tayo?!!!!" Galit na galit siya. Akala ko ba sa isang araw pa ang balik niya?

"Kung masyado kang pasaway, siguro eto na lang ang paraan." Hindi ko namalayan ang pangyayari, sinikmuraan niya ako.




I can't remember anything that happened next.

I'm the Extra. (MEGA HIATUS)Where stories live. Discover now