His Heart.

140 5 4
                                    

His Heart

by Juanalazy

--

Minahal ko siya.

Minamahal ko siya.

At Mamahalin ko siya.

Ang laki ng utang na loob ko sa kanya.

Siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng kabuluhan ang buhay ko.

Siya ang dahilan kaya patuloy pa din akong humihinga ngayon.

At siya ang dahilan kung bakit hindi ako sumusuko ngayon.

***

Papunta ako sa likod ng School. May parte kasi doon na mukhang ako lang ang nakaalam.

Kakain ako ng lunch ko ngayon. Oo. Mag-isa lang ako. Wala naman akong kaibigan dito sa school eh.

Sino ba naman ako? Lahat sila ang tingin nila sa akin Weird, Nerd at kung anu-ano pa.

At wala akong paki-alam doon.

Kinuha ko lang ang gamit 'ko at umalis na ako ng room. Nadaan ako sa gym ng school namin.

At *BOOOGSH* Ang sakit ng ulo ko.  

Napatingin naman ako doon sa mga nasa gym. Binato ako ng bola ng basketball at sakto pa sa ulo ko.

"Yow Pre! Ang galing! Head Shot!"

"Gagu pre! Hindi ko sinasadya!"

"Ulul! Ikaw pa!"

"Miss!" patakbo na sa akin yung naka-bato sa akin pero tumakbo na lang ako palayo.

Sanay na ako. Lagi naman akong nabubully eh. Nakita ko naman yung ibang babae na nakakita ng mga pangyayari iyon. Nagtatawanan sila at nagbubulungan. May narinig pa nga akong nag-sabi na 'psh. Ang weird talaga.'

Haay. Eto na naman. Naluluha na ako. Nako Mae, pigilan mo. Pagsubok lang yan. Manhid ka na pag-dating sa ganitong bagay diba?

Umupo na lang ako doon sa may gilid. Kakain na lang ako. Ikakain ko na lang ito kahit wala akong gana. Bubuksan ko na yung pagkain ko ng biglang..

"Meow. Meow. Meow."

Napatingin naman ako dun sa pusa. At tumingin ulit ako sa pagkain 'ko.

Well. Sige na nga. Nilagay ko lang yung pagkain ko sa tabi nila.

"Haay. Pasalamat kayo wala akong ganang kumain ngayon."

...

"Nakakatakot ka naman. Pati pusa kinakausap mo."

"Ay tipaklong!" nagulat ako. Hindi ko naman kasi inaasahang may tao pala dito.

T-teka. Akala ko ba ako lang ang nakakaalam nito?

"Hindi ako tipaklong." napatingin ako sa kanya. Siya yung nakatama ng bola sa akin kanina.

Ano naman ang ginagawa niya dito? Mang-bu -bully na naman? Haay. Ano pa nga ba? Lagi naman ganun Mae. Hindi ka na nasanay. Iiwas na lang ako.  

Inayos ko na yung mga gamit ko at nag-lakad na paalis.

Siguro maghahanap na lang ako ng ibang lugar na pwedeng puntahan. Hindi na siguro safe dito. May nakaka-alam na kasi eh.

"Miss. Gusto ko lang mag-Sorry kanina."

Kwentuhang Pang-KANTO.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon