Prologue

98.2K 531 51
                                    

Prologue

*Justine*

"Oh my gad, Just! Ang lake!"

Nagulat ako sa sinabi ng girlfriend ko paglabas ko ng kwarto. Sinukat ko lang ung shorts na binili niya para sakin.

"Malake?" takang tanong ko. "Sakto lang naman ah."

"hehe. Joke lang, dhie. Malake lang siguro ng ano mo kaya nakaumbok." tapos tumawa siya.

Ang naughty na naman niya. Ewan ko nga kung panu ako nakakapagpigil sa kanya every time na ganyan siya.

Well, malaki lang talaga ang respeto ko sa kanya.

"halika nga dito, dhie."

Lumapit ako sa kanya katulad ng gusto niya. Yumuko siya kaunti at inayos niya ung garter ng shorts ko na pina-fit niya nga sakin. Inikot ikot niya pa ako. At nang makailang ikot siya sakin ay humawak na naman siya sa garter ng shorts ko.

Napatalon na lang ako nung nag-slide ung kamay niya sa gilid ng elephant pet ko.

"mhie!" sigaw ko pa sa kanya.

"what? Inayos ko lang naman ung shorts mo." tatawa tawang sabi niya.

Napailing na lang ako. Sobrang naughty talaga kasi. Sa 2 taon naming magboyfriend-girlfriend, kung wala akong respeto sa kanya at nadadala ako sa kapilyahan niya, baka may anak na kami nito ngayon.

Pero dahil nga nirerespeto ko siya at mahal na mahal ko talaga siya, hanggang ngayon nakakapagpigil pa din ako ng panggigigil ko sa kanya.

"sige na. Magpalit ka na ulit." itinulak niya ako papasok sa kwarto. "Pero pwede ding dito ka na sa harap ko magpalit."

Grabe talaga!

"Maecy!"

"haha! Joke lang naman, eh." siya na mismo ang nagsara ng pinto.

Nakahinga naman ako ng maluwag.

Hindi ko alam kung panung naging ganyan siya. Siya kasi ung tipo ng babae na aakalain mong hindi makabasag pinggan. Pero kapag sanay na siya sau at naging close kayo, ayan.. ang kulit kulit.

Pero mahal ko talaga yang girlfriend ko at siya na ung babaeng iniisip ko na magiging ina ng mga anak ko.

* L A T E R *

Naughty Girlfriend (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon