Kabanata 2

138 6 4
                                    

Kabanata 2

-Dumping my BF-

"Sino ka?" madambuhala niyang tanong pagkakita sa akin. Nakaguhit ang galit niyang mukha at mga pawis na natutulo, mga kunting bakas ng dugo sa braso.

"Sino ka? I mean sino ako?" utal-utal kong sagot sabay turo sa sarili ko. Ramdam ko na ang panginginig na mga kamay at paa ko. Natatakot ako sa mga mukhang nakaharap sa akin ngayon.

"Dammit! You stupid! Tandaan mo, nakakamatay ang pagiging tsismosa!" sigaw niya at tumalikod na at kitang-kita ko ang pagpahid ng mga dugo sa kanyang braso gamit ang panyo.

"Hey! Hindi ako tsismosa, I just want to help that little guy!" hindi ko inaasahang maisigaw ko yun. Tinuro ko ang kinatatayuan ng bata kanina ngunit nakatakbo na pala iyon. Napahawak naman ako sa bibig ko at unti-unting umaatras.

Habang siya lumalapit sa akin ng masama ang tingin. Pumikit ako dahil ramdam ko na ang mga kamay niya sa braso ko at hingpitan pa ito ng hawak. "Wala kang nakita" idinilat ko agad ang mga mata ko sa binulong niya.

Umalis na si Enzo at sumakay sa kotse niya. Konsensya ang dumadaloy sa dugo ko ngayon, hindi ko maisip na nangyari yun kanina. How can he do that? His angelic face opposes his devilish atittude.

Sinubukan ko pa ngang mag-report sa guard ngunit walang salitang lumalabas sa aking bibig. Pag naging viral o na-spread ito sa boung campus, walang ibang masisis kundi ako. Baka ako ang isusunod niya sa batang kalye na yun.

Bumalik ako sa Westville para tapusin ang klase ko this day. Medyo na-late ako kaya hindi nalang ako pumasok. That is what I am. Pumunta ako ng gymnasium dahil nakarinig ako ng mga hiyawan ng mga tao. Nakalagay sa napakalaking poster sa gilid. 'ENZO KHYLE MONTES for Student Council President'

Si Enzo for president? Gaano ba talaga siya kasikat dito at napakalaking tiwala ang binigay sa kanya? He fools everyone! He is not deserving!

Lalo akong nabadtrip kaya naisipan kong umuwi na. Medyo maliwanag pa kaya nag-lakad lang ako. Nadaanan ko na naman ang mini park, maraming bata naglalaro. Hindi pa kasi masyadong gabi. Hindi lang mga bata ang nakita ko, nakita ko rin si Dhave na kinikiliti yung isang batang babae.

"Dhave" kinalabit ko siya pagkapasok ko sa park. Agad siyang lumingon at tumayo "Ikaw" napangiti siya ng napaka-laki.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Uh, pinapasyal ko lang sa park si Dhianne. Kapatid ko" sagot niya. Nakita ko naman ang batang maputi at singkit din na nagtatago sa likud ni Dhave.

Ngumiti ako sa kanya at umupo para magkasintaas kami "Halika" tawag ko sa kanya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at tumayo na ako.

"Anong name mo?" tanong ko sa kanya.

"D-Dhiane Torres, 6 years old" ngumiti siya at natabunan ng kulot niyang buhok sa mukha niya ng dahil sa hangin.

"Ang cute naman ng name mo" ngumiti ako kay Dhiane, bumaling kay Dhave at nginitian din siya.

"Damn, you're so beautiful" biglaang sabi ni Dhave na kanina pa wala sa sarili.

Humalakhak si Dhiane at ako "Kuya's inlove, ayee" biglaang tukso ni Dianne.

"Oh, pasensya na, nawala ako sa sarili ng dahil sa ganda mo.. Wait, I still do not know your name"

Bumaling ako sa kanya at ngumiti "Ugh, your smiles" sabi ni Dhave sa akin.

"Ate, what is your name nga pala?" tanong ni Dhiane.

Lumapit ako sa kanyang tenga at bumulong "Angel"

"Wow Ate, your name is really beautiful, just like you"

"Uy ang daya nito oh! Sabihin mo sa akin!" nagtatampong si Dhave. Tumakbo si Dhiane at nakipaglaro sa mga ka-same age niyang mga bata. Umupo kami ni Dhave sa swing.

"Ewan ko sayo, ang daya-daya mo"

"Hahahaha, sige na nga" humalakhak ako at tiningnan siya "It's Angel Agustin"

"Yehey! Sa wakas alam ko na rin Angel!" ngumiti siya ng sobrang malaki at napansin kong ang gwapo pala niya. Siya yung tipong pang-teen pa rin yung style.

Ngumiti ako at nag-swing. Si Dhave tinitingnan pa rin ang kapatid niya. Medyo madilim na kaya umuwi na kami kasama si Dhiane, at nalaman ko rin na magkatabi lang pala bahay namin. Nakakatawa.

Nauna ng pumasok si Dhiane. Nag-flying kiss lang ako at nagbye.

"Angel, mamaya ka na kaya uwi. 7 pa naman, dito ka nalang mag-dinner sa amin"

"Ano ka ba, dito lang bahay namin oh" turo ko sa bahay namin na tabi ng bahay nila "At tsaka nakakahiya sa parents mo"

Kinalabit niya ako at hinila "Ang OA mo, tara na nga!" wala akong magawa kundi sumunod nalang, masaya din ako dahil maybe this is the first time na marami akong kasamang kumain, for the past 2 years.

"Sige na nga"

Pumasok ako sa magkasing-laki at magkasing-ganda ng bahay namin sa bahay nila, kaya nga lang black and white sa amin, sa kanila yellow.

"Ma, si Angel po bago kong kaibigan" sinalubong ako ng beso-beso sa mama niya, alam ko na kung saan niya minana ang pagka-singkit at puti.

Ngumiti ang mama niya sa akin "Hija, it is true talaga, you're so pretty. Dhave's been always saying things about you. I'm Patricia, but call me Tita Pat"

Nag-shake kami ng hands at nag-ngitian "Uh, thank you po. Ang ganda niyo rin, walang duda kung saan nagmana ang mga anak ninyo"

Nagtawanan lang kami. Maya-maya tinawag na ako para kumain na ng dinner, si Dhiane, Dhave, Mommy niya ang kasama ko sa table. Ang saya namin, nagkwentuhan lang kami habang kumakain, nabanggit ni Tita Pat na sumakabilang-buhay na pala ang ang daddy nina Dhave, nakakalungkot naman.

Nagulat naman ako sa pagdating ng matangkad at tisay na babae sa bakanteng upuan at padabog na umupo.

"Who's this?" Tanong niya kay Dhave sabay pinandilatan ako ng tingin.

"Uh, ate si Angel nga pala, bagong kaibigan ko" pagpapakilala sa akin ni Dhave.

Tumango yung ate ni Dhave. "Angel, si Ate Dhaisy nga pala"

"Nice meeting you po" inabot ko ang kamay ko sa kanya, ngunit inirapan lang ako at nagsimula kumain. Ibinalik ko ang kamay ko na medyo nahihiya na, ikaw ba naman nag-assume naisha-shake niya kamay niya? Ugh.

"Tita Pat, Dhiane, maraming salamat po" pagkatapos kong kumain nagpaalam na ako sa kanila sa gate. Hinatid naman ako ni Dhave sa tapat ng bahay namin.

"Dhave, thanks a lot" bulong ko sa kanya at tumango naman siya. Pumasok na ako sa bahay. Sinabi ko kay Auntie Odeth na kumain na ako kela Dhave. Umakyat sa taas at nag-shower. Nagsout ng napakaikling shorts at sleeveless cropped top. Ganito ako matulog.

Sa 7 years paninirahan sa bahay na ito, si Dhave pa lang ang kakilala ko sa subdivision na ito. Swerte nga ako e, dahil sa napakabait mayroon ang pamilya niya, except for her Ate Dhaisy.

Nagla-laptop lang ako noon ng biglaang pumasok si Yves, ang boyfriend ko.

"Tss.." inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagi-internet.

"How can you resist not seing me for one month Angel?" Aniya ng nakasandal pa rin sa pintuan.

"I just don't want to see you, wait. Paano ka nakapasok dito?"

"Malakas ako sa Auntie mo!"

Niligpit ko ang laptop ko at lumapit sa kanya "Yves, We need space, break na tayo" alright. Ganyan ako, if I dumped guys. I'm straight to the point.

"Ganun lang yun Angel? NO."

"What 'NO'? Umalis ka na bago ako tumawag ng security!" kinaladkad ko siya palabas at inutusan si Jolly- tagalinis namin, na ihatid siya. Nakita ko umirap siya sa akin at mukhang galit na galit si Yves.

He's a playboy! She kisses strangers infront of me! Ganyan ba talaga ang mga lalaki? Rude na kung rude, pero karapat-dapat lang yun sa kanya. Palibhasa gwapo kaya pinagkakandarapahan ng mga babae.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Angel Meets the GangsterWhere stories live. Discover now