Chapter 34: Bully

1.3K 51 0
                                    

Bad Genius 34

Aux POV

Nag patuloy ang takbo ng buhay namin ni Sam kasama ang mga kapatid niya
Kung titignan para na kaming mag asawa at sila Mabel at Lisa ang anak namin ahahaha ang saya diba? Well ako lang naman ata ang masaya at hindi kayo kasi di niyo naman feel yung nararamdaman ko lol

So ayun another one month nanaman ang lumipas
At sa loob ng one month na yun lalong tumatag ang relasyon namin ni Sam PS di pa kami ni Sam pero ang strong ng relation namin mas strong pa sa bato

Malapit na ang birthday ni Sam pero ang bagal niya parin mag tanong -___- kapag ako nang gigil ako na mag tatanong sa kanya kung pwede ko siya maging boyfriend

"Bakla tara Break na tayo!" Masayang sigaw ni Vincent sakin

"Gaga walang tayo"naka ngiti kong wika

Natawa naman sila Aya at Kia sa sinabi ko

Oo close na kami no? Sa loob kasi ng isang buwan ayun di parin nila ako tinantanan kaya naman binabaan ko na ang pride ko at naging mabait na sa kanila
Nakakasawa kasing ipag tulakan sila di naman sila tumitigil sa kaka kulit sakin pag pinapalayas ko sila

Medyo ayus na ang image ko sa buong building namin
Nagagawa ko nang kontrolin ang pagiging kontra bida ko pero minsan di maiiwasan na mag taray ako sa kanila lalo na kapag alam kong ako ang tama at sila ang mali well lagi naman akong tama

Isang Bad Genius magkakamali? No! Never!

Kinuha ko ang cellphone ko at niyaya na silang lumabas

"Oh san tayo?"tanong ko

"Sa dating lugar syempre ako naman ang manlilibre"sabi ni Aya natawa ako at nauna nang lumakad papasok sa elevator

Dinayal ko muna ang numero ni Sam bago ko pindutin ang button ng elevator

Oo ibinigay ko na kay Sam yung isang Cellphone ko
Alam niyo naman si Sam ayaw niya na napapa gastos ako ng dahil sa kanya kaya natagalan pa bago ko ibigay sakanya ang cellphone kasi naka ilang ulit kaming mag away dahil lang sa ayaw niyang tanggapin ang cellphone na binigay ko  pero sa huli ako parin ang nanalo di niya natiis na di ko siya pansinin sa loob lang ng isang oras ahahahaha

"Hello Wuv break time niyo na ba?"

(Hi Wuv! Oo break time na namin kayo! Kumain ka na ba? Wag kang mag papagutom Wuv mahal na mahal kita kumain ka po ng madami Wuv ingatan mo po ang sarili mo)

Napa ngiti naman ako sa sinabi niya

"Break time na po namin Wuv ikaw din kumain ka na din po Wuv wag kang mag papagutom mahal na mahal po kita ingatan mo din ang sarili mo" nakangiti kong wika

(Mas mahal na mahal kita wag kang mag papa stress wuv lagi kang ngumiti at bawas bawasan mo ang pag tataray mo Wuv para lalo kang gumanda)

Natawa naman ako sa sinabi niya

"Mas mahal na mahal na mahal kita mag aral kang mabuti jan Wuv galingan mo at lagi kang makikinig sa mga lessons niyo sabihin mo sakin kapag may nang aaway sayo jan ah reresbakan ko agad" wika ko

Bigla naman matahimik ang kabilang linya

"Wuv?"

(Ah wuv sige bye na wuv nag bell na eh tapos na ang break namin bye bye wuv mamaya nalang ulit kumain ka jan ah mahal na mahal kita mwah)

Napa ngiti naman ako

" mas mahal na mahal kita"

(Sige na Wuv patayin mo na yung tawag)

"No ikaw na ang pumatay"

(Sabay nalang tayo)

"Sige sige"

(One )

"Two"

(Three) "three"

*tooot *tooot *toot

Naka ngiti kong nilagay ang cellphone ko sa bulsa ko

"Wuv mahal na mahal kita mag iingat ka lagi jan ah" panggagaya ni Vincent

Natawa naman ako at nauna nang lumabas ng elevator

"Mas sweet pa sila sa asin putah"wika ni Kia kaya natawa kami

"Parang di nag kikita sa bahay eh no"Aya

"Inggit lang kayo"natatawa kong wika sa kanila

"MASAYA KAMI KAHIT SINGLE KAMI!"sabay sabay nilang wika sakin kaya natawa kaming lahat

Sam POV

"Ah aray dahan dahan lang" angal ko kay CyL

"Tsk bat ba kasi ayaw mong sabihin sa kanya?"tanong ni CyL habang hawak ang bulak at ginagamot ang sugat ko sa mukha

"Tsk ayokong mag alala pa siya sakin"sabi ko sa kanya at napa pikit ng muling dumapo ang bulak sa sugat ko

"Matagal nawala si Bad Genius at habang patagal ng patagal lumalala ang mga studyante dito ni hindi na ata nila naaalala ang mga utos ni Bad Genius" wika niya at muling kumuha ng bulak

"Anong gagawin natin? CyL ayokong ma stress si Aux alam naman natin na nag kakanda hirap na siya sa trabaho niya wag na natin ipaalam sa kanya ang mga nangyayare"

"Pero pano? Sam pati ikaw ginalaw na tignan mo ang buong SL hindi na gaya ng dati ang SL "wika niya at huminga ng malalim

Tama siya
Sa loob ng isang buwan na pag pasok ko sa SL napansin ko ang pagkakaiba ng SL noon at SL ngayun

Kung noon maganda at wala kang makikitang basura sa paligid ngayun madami nang nag kalat nakaka ilang sako na nga ang nakukuha ng mga nag lilinis dito dahil sa basura

At kung noon tahimik at payapa ang SL ngayun iba na
Isipin nyo nalang ang mga Wild na studyante
Nag cucutting na sila at ang malala may mga nag babanatan na sa loob at labas ng SL hindi na nga sila maawat eh wala na nga ding nagagawa ang principal dito

At kung noon akala ko magiging madali ang lahat sa pag pasok ko sa SL ngayun hindi na dahil pati ako ginagalaw na ng mga gang dito
Ito nga at nasapak ako ng tatlong lalaki ngayun

Ewan ko kung trip lang nila manapak o ano pero kausap ko lang si Aux kanina ng bigla nila akong sapakin at iniwan sa lobby na namimilipit sa sakit

Nag dahilan nalang ako kay Aux na tapos na ang break time pero ang totoo wala na talagang klase kasi yung mga professor dito di na maawat lahat ng student

"CyL please lang wag na natin iparating kay Aux ito ayokong lalong ma stress si Aux"sabi ko sa kanya
Nilagyan niya ng bandaid ang sugat ko sa muka at inayus ang kalat

"Pero Sam si Aux lang ang makakapag patigil sa kanila tignan mo sila"sabi niya at tumingin sa labas kaya tumingin din ako

May mga studyante na nag aaway nanaman ang ilan ay nakikisali sa gulo walang umaawat at walang gustong umawat dahil kapag umawat ka sa kanila madadamay ka

"Pero diba sabi mo bawal na si Aux dito sa SL? "Sabi ko

"Oo pero di naman alam ng mga studyante dito na bawal na si Aux sa SL eh ang alam nila nasa bakasyon si Aux"sabi nya

"Anong plano?"tanong ko

"Hindi ko alam Sam wala akong Alam lumalala na sila Sam kapag di pa natin sinabi kay Aux ang mga nangyayare dito baka mas lalong lumala ang sitwasyon at maging dahilan ito ng pag kakasarado ng SL"

~~~~~

Tweet me @redious_in
FB: Nam Hyun Ki
IG: rediousinpaper

Bad GeniusWhere stories live. Discover now