Chapter 2: Don't Tell Anyone

3 0 0
                                    

Hazel's P.O.V

Maaga akong nagising ngayong araw na 'to. Tiningnan ko yung alarm clock ko.

5:36 palang pala.

Bumangon na ako para maligo, pagkatapos ay nagbihis na ako. Lumabas ako sa room ko at kumatok sa pinto ni Cian.

"Cian, Cian. Gising na, umaga na oh" sabi ko.

Aba matibay din.

"Ciannnnnnnn! Gising naaaaaaa!" sigaw ko.

Narinig kong may nahulog. Siya kaya yun? Nah baka naman alarm clock niya.

Narinig ko ang mga yapak ni Cian papuntang pintuan niya. Pagkatapos non ay bumungad sakin ang nag-iisang Cian Renz Ramirez.

Kahit pala morning face gwapo parin tong lalaking to. Hays.

"What?!" galit niyang tanong.

"Umaga na kaya! Bakit hindi ka pa gising?" tanong ko sa kaniya.

"Why do you care?! Atsaka its still 5 am! the f_ck bat ang aga mo nagising?!"

"Eh palagi naman akong maagang nagigising! Kaya hoy mister bumangon ka na at baka malate pa tayo!"

Inirapan niya ako at isinara ang pintuan.

*bogsh!"*

Wow ha, nagalit ata.

Bumaba na ako at tinawag si Manang.

"Manang! Where na you?"

"Nandito!" sigaw ni manang. Pagdating ko sa kusina nakita ko siyang naghihiwa ng sibuyas. "Jusko ang aga aga nag-aaway kayong dalawa. Ano ba ang nangyari?"

"Eh kasi manang. Ang tagal niyang gumising kaya ginising ko siya. Pero nung ginising ko siya, nagalit."

"Oh sige meron akong sasabihin sayo. Ang alaga ko, ayaw niyan na ginigising siya. Dapat gigising siya kapag nagising na siya. Ayaw niya din na minamadali siya, at mas lalong ayaw niyang sinisigawan siya"

"Eh? Pero pag siya pwede?"

"Oo." nagulat kaming dalawa ni manang dahil bigla siyang nagsalita.

I rolled my eyes on him. Poker face na naman ang lolo niyo, tsk.

"And, hindi ka sasabay sakin pagpunta sa school" tumalikod na siya, pero bigla siyang humarap ulit. " And don't tell anyone about this married thingy"

Tumango ako sa kaniya.

Tsk, anong akala niya? Ipagmamayabang ko siya sa buong skwelahan na 'hoy married na kami ni Cian kaya back off!' 'Uyy alam niyo ba na kasal na yan si Cian, at ako ang asawa niya' 'Wag niyo nang landiin ang Cian ko! Dahil kasal na kami! Sabay pakita ng wedding ring? Nah.

"Cian hindi ka ba kakain?!" sigaw ko.

Hindi siya sumagot, diretso lang siya na lumabas sa pintuan. Narinig ko na nag start na ang engine niya. Tumakbo ako papuntang bintana at saktong pagpunta ko sa bintana ay ang pagpaharurot niya ng kotse niya.

Aba langya! Tsk, magt'taxi nalang ako.

"Hayaan mo na yun, kumain ka nalang dito. Oh eto, bacon at eggs" sabi sakin ni Manang.

"Ikaw po manang, hindi ka kakain?" Tanong ko sa kaniya.

"B-baka kulang pa yan sayo eh" sabi ni manang.

"Naku manang hindi naman po ako malakas kumain, atsaka wag ka pong mahiya kain ka lang dito. Ayaw ko pong kumakain dito habang kayo nagt'trabaho na walang laman ang tiyan"

"Pero nagkape naman ako hija"

"Eh, di po sapat yun"

Matagal bago ko na convince si Manang na kumain kasama ako. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako kay manang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Marrying our Campus KingWhere stories live. Discover now