WHIRLWIND ROMANCE: BY SPARK

165 2 0
                                    

WHIRLWIND ROMANCE

May ngiti sa mga labing nagising si Sabrinna.Kinapa niya ang tabi wala na doon ang asawa. Magaan ang pakiramdam niyang bumangon.Kauuwi lang nila kagavi galing sa pulot gata nila sa Singapore.Noong nakaraang linggo lang sila kinasal ng lalaking pinakamamahal niya.Sinulit nila ang isang linggong honeymoon kaya masayang masaya siya.Ngaun balik na nmn sa dating gawi papasok na ang asawa sa opisna nito.Gusto sana ng magulang ng asawa na khit isang buwan ang honeymoon nila pero di pumayag ito sa kadahilanan madami na itong nabinbin na trabaho.

inayos muna niya ang magulong higaan saka deritso sa bathroom.She take a quick shower. and all her morning ritwals.Pagkatapos isinuot niya ang floral summer dress na ang asawa mismo ang bumili para sa knya.Humakab iyun sa makurba niyang katawan.

Pakanta kanta pa siya ng palabas ng silid nila.Iginala niya ang paningin baka sakaling makita ang asawa.Pero wala paniguradong nasa study room ito kaya tuloy tuloy siya sa kusina.Nasa bakasyon pa kasi si Aling Mameng ang katiwala ng asawa kaya siya na muna ang maghahanda ng agahan nila.Nang matapos sa pagluluto sinet na niya ang lamesa at tinakpan nalang ang pagkain. Nagtimpla siya ng kape niya. Bitbit niya ang puswelo ng kape niya,tatawagin na niya ang asawa para makapag agahan muna ito bago pumasok sa opisina.

Habang naglalakad iginala niya ang paningin sa loob ng bahay, napaganda talaga nito at mahahalatang mamahalin lahat ng kasangkapan. Nang nasa pinto na tumigil muna siya saglit,inayos ang sarili at ng makitang maganda na sa paningin pinihit na niya ang doorknob.

Nakita niya ang asawa,abala ito sa pakikipag usap sa telepono,nagkalat sa lamesa nito ang kung anu anung papeles. hindi pa nito nahahalata ang presensiya niya.

Tatawagin na sana niya ang lalaki ng matigilan siya,gimbal siya sa narinig na usapan nito at kung sinu man ang nasa kabilang linya. Nangilid sa kanyang mga mata ang nagbabantang pumatak na luha. Nabitiwan niya ang hawak na tasa at di alintana nag mainit na likido na bumulwak sa knyang paanan at ang pagtilamsik ng bubo buhat sa nabasag na babasaging tasa. namanhid ang buo niyang katawan,tulala siyang nakatingin sa lalaking ngaun ay gulat na nakatingin sa knya.sa isip bakit bakit nagawa ng lalaki ang lokohin siya.

"I cant tell her now,bro,humahanap pa ako ng tamang pagkakataon para masabi sa kanya" ani terrence sa kausap sa kabilang linya

"kailan mu pa sasabihin, bat di mu nalang kasi tinotoo,ganyang atracted ka nmn sa knya.." sagot ng kausap

"Alam mo ang dahilan ko bro,hindi ako naniniwala sa salitang kasal,at ayoko munang patali kung sakali hindi pa ako nagsasawa sa buhay binata" saad niya

"Gago ka pala bro eh, bat pinakialamn mo pa siya kung ganyan din naman pala ang planu mo,Hindi ka ba naawa mahal na mahal ka niya"

"Im doing this for my grannies hapiness bro,matanda na rin siya at tanging hiling lang nito ay makitang ikakasal ako sa babaeng gusto nila para sakin., at saka lagi na nila akong kinukulit at binantaan pa na aalisan ng mana kung di pa ako lalagay sa tahimik.and i know they like sabrinna kaya siya ang pinili ko.

"kaya nga eh, anu ang mararamdaman nila pag nalaman nilang peke ang kasal niyo,at anu ang mararamdaman ni sabrinna do you think hindi ka niya kamumuhian"Naiiling sa kabilang linya si alex napakatigas talaga ng ulo ng kaibigan alam niyang may pagtingin din ito sa dalaga pero ang taas ng pride na aminin,Naguiguilty tuloy siya kasi kasali din siya sa panloloko dahil siya lang ang tanging nakakaalam sa plano ng kaibigan.

"hindi ko lang napaglabanan ang damdamin kung hindi maakit sa kanya, Godamn shes beautiful and sexy sinu ang makatiis.." napasabunot na siya sa tindi ng frustration na nadarama. naiipit siya sa sitwasyon niya ngaun

"Kaya habang maaga pa sabihin mu na sa kanya at ipagdadasal ko na maunawaan niya ang rason mu.."sumusukong sagot ni alex

"Bukas na bukas din hahanap ako ng tyempo na sabihin na peke lang ang kasal namin ni Sabrinna. 

nabitin ang anumang sasabihin niya ng marinig ang malakas na ingay sanhi pagkabagsak ng isang bagay ng lingunin niya ang pinagmulan nito nakita niya ang asawa na tulalang nakatingin sa knya habang patuloy ang pag agos ng luha nito.Parang sinundot ang puso niya ng makita ang hitsura nito punong puno ng pagkasuklam sa knya.

"Hon,magpapaliwanag ako, nagsusumamo niyang sabi kay Sabrinna.nilapitan niya ito at akmang hahawak ng bigla niyang pinalis ang kamay

"Huwag mo akong hahawakan,narinig ko na ang lahat,wala ng silbi ang mga paliwanag mo matigas niya sabi,Nauupos siya na parang kandila, Nanghihina ang bawat himaymay ng katawan

"we had a fake wedding at hindi totong pari si Father Mike..! how can you this to me, ano ang nagawa kung kasalanan saiyo,"humihiyaw na niyang sigaw sa lalaki.

"Hon, i have my own reason and im so sorry dahil ikaw ang napili ko? nakatungong sagot nito

"Sorry,ganun ba kadali ang magpatawad Terrence, sorry ang dali mong sabihin yan,,sorry lang ba ha..sorry,,for Petes sake,, naghehysterical na niyang sigaw parin habang patuloy parin ang pagluha niya.

"Sabrinna I like you very much,hindi ko pa naramdaman ito sa iba,ngaun lang ako nakaramdam ng matinding atraksyon sa isang babae,pero hindi sapat iyon para maniwala ako sa kasal.At saka mahina na si lola at kinukulit na niya akong mag asawa bago man lang siya pumanaw,At first time I laid my eyes to you alam ko na na ikaw ang hinahanap ko"nahihirapang sagot ng lalaki

Pumatak na naman ang mga luha sa mata ni Sabrinna,gumapang sa maganda niyang mukha ang labis na poot,sakit at galit

"At ginamit mo lang pala ako, bakit kailangan mo pang sirain ang buhay ko, minahal kita ng sobra alam mo iyon,bakit hindi mo nalang ipinagtapat sakin ang buong katotohanan baka sakaling maintindihan ko pa"buong kapaitang tugon niya

May kinuha siya mula sa nagkalat na papeles sa lamesa at inilatag sa glass table malapit sa dalaga.

Nahulaan na niya kung anu na yun ang pekeng marriage contract nila at ang isang kasulatan na kontrata para sa kayamanan.iniabot iyun ng lalaki sa kanya"

"please kunin mo ito.basahin mo, ito ang matibay na kasulatan na nagsasabing ang kalahating kayamanan na mamanahin ko ay makukuha mo,Pirmado ko na yan, maaari mo akong idemanda kung sakaling di ako tumupad sa usapan.

Nanginginig na sa galit si Sabrinna ,ganito na ba kadesperado ng lalaki.Para basta nalang sabihin na kayang palitan ng pera ang sinira nitong dangal at pagkatao niya,

kayamanan lang ba ang kapalit ng lahat ng sakit ng loob na unti unting pumapatay sa buo niya pagkatao.

"Sabrina please try to be practical, wag kang magpadala sa emosyon mo..tanggapin muna ito,alam kung magagamit mo din siya pagdating ng araw,,nagsusumamong saad nito kulang na lng ang maglumuhod sa harapan ng babae.

Isang mag asawang sampal ang isinagot niya.

Napangiti siya ng mapakla,gusto niyang pagtawanan ito pero di niya kaya kasi alam niya kahit puno ng galit ang puso niya mananatiling ang lalaki lang ang tinitibok nito.Hindi bagay dito ang makiusap at magmakaawa,Ang bagay kay Terrence ay hangaan at sambahin,kung hindi sa labis na pagkasuklam malamang magagawa pa niyang magpaalipin dito.

nakatungo lang si Terrence,he deserve it .alam niya kulang pa iyon sa nagawa niyang kasalanan sa babae.

"Tahimik lang ang buhay noon,pero ginulo mo.pinagmukha mo akong tanga,ginaga mo ako..

gusto niyang tumawa,umiyak,sumigaw,nahahabag siya sa sarili at sa katangahan niya dito nagpadala siya sa pinakita nitong sweetness noon.Hindi naman pala siya totoong Mrs. Mark Terrence Montemayor kasi peke lang ang kasal nila.

Tumindig siya at taas noong tiningnan si terrence.

Ngaun masaya ka na ba?sarkastiko niyang tanong sa nakamata ng lalaki sa knya.. Matatag ang hakbang na tinungo niya ang pinto.At patakbong pumunta sa silid nila.Wala na din saysay ang lahat, kailangan lang niya maging matatag, ng makapasok inilock niya ang pinto at padapang isinubsob ang ang mukha sa malambot na kama...Paano niya haharapin ang bukas.

WHIRLWIND ROMANCE: BY SPARKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon