ADIK #3 (Meet Eka the pusher)

2.4K 92 3
                                    

CHAPTER THREE

"Life is short, so live your life to the fullest"

DAWN's POV:

      Walang ka emo emosyong nilisan ko ang opisina at naglakad na parang zombie sa hallway.

"Nasan na ba yung babaeng yun?" walang emosyon na napangiti ako ng marinig ang boses ni taemi nasa harap ko lang sya, siguro hinahanap nya yung dest.

Akala ko hindi nya ako papansinin pero nagulat ako ng yakapin nya ako.

"saan kaba nagpunta? Umalis lang ako saglit sa clinic bigla ka ng nawala! ikaw talaga kanina pa kita hinahanap!"kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Hinahanap? ako? t-teka nakikilala mo na ako?" sya naman ngayon yung nagkunot ng noo.

"Bakit ko naman kakalimutan ang babaeng pinapangarap ko?" natigilan ako, bumalik na sa dati ang lahat.
ibig sabihin totoo yung sinabi nung gwapong assistant na yon.

"Sa paglabas mo ng pintuan na yan, Babalik sa dati ang lahat, magpapaalam ka sakanila at gagawin mo lahat ng gusto mong gawin bago tuluyang umalis sa mundo ng mga normal na tao, Babalik at papasok ka sa opisina na to kasama ang lalaking mahal mo pero ikaw lang ang makakapasok sa mundo ng mga di pangkaraniwan"


"T-totoo ang lahat.." i released a sigh tapos naalala ko yung mga sinabi ni taemi sakin kanina nung hindi nya ako makilala, ang sakit lang.

bukas aalis na ako, dapat siguro ay sulitin ko na ang huling araw ko.

Niyakap ko si taemi at umiyak sa dibdib nya.

"u-uy anong meron? bat ka naiyak? dawn naman, wag kana umiyak promise ko sayo, gagawin natin mamayang gabi ah? promise ko yan"sabi nya at niyakap ako natawa ako sa sinabi nya, grabe mukhang mamimiss ko si taemi.

Hindi parin ako nahiwalay sa pagkakayap.

"Mahal kita taemi" naramdaman ko na tumigil bigla si taemi sa paghimas ng likod ko.

humarap ako sakanya at nakita ko na para bang tumigil ang mundo nya sa sinabi ko kaya natawa ako.

"t-totoo ba yung narinig ko? pakiulit nga" walang emosyong sabi nya.

Tumingkayad ako at hinalikan sya sa labi ng saglit lang.

"mahal kita taemi"

"WHOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!! PAKSYEEEEETTT YESSSSSS!!!!!!!!!" nagtatalon sya tuwa, ang sarap nyang panoorin.

ngingiti sana ako pero biglang lumabas yung principal namin at ang assistant niya sa dati nilang itsura.

"What is happening mr.fendleton?" nakangiting tanong ng mataba na ulit na principal namin.

"Wala naman! haha lika na dawn" tapos inakbayan ako ni taemi at naglakad na kami.

hindi pa kami nakakalayo ay narinig kong nagsalita ang principal namin.

"See you Miss dawn" napabuntong hininga ako, susulitin ko tong araw na to .

Nginitian ko ng mapait si taemi at nagpunta na kaming dalawa sa room namin, pagkarating sa room ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, nalulungkot ako pero nandito parin yung feeling na gusto kong sulitin ang araw na to.

"Uy? ayos lang ba you? " tinignan ko lang si papay at tinanguan.

napaatras ako ng kapain nya ang noo ko.

University of High's (COMPLETED) (NOW IN MAJOR EDITING) #WATTYS2019Where stories live. Discover now