Si Malakas, Si Maganda at Si Extra.

98 0 0
                                    

Sa isang kwento, mahalaga ang bida. Sila yung mga mahihirap na may mala labanos ang kutis. Sila yung kahit ilang sasakyan na ang sumagasa, ay buhay pa. At sila lang ang magaling at nakakaawa. Sa kanila lang umiikot ang istorya at sa kanila lang nakatutok ang rumorolyong kamera. 

Pero mahalaga din naman ang extra di ba?

Mahuhulugan ba ng palayok sa ulo si Bidang babae at sasaluhin ni Bidang lalaki kung wala si extrang nakasagi ng palayok?

Masasagasaan ba si bidang lalaki at iiyak si Bidang babae at iiyak na din ang buong mundo kundi dahil kay extrang driver?

Kakalat ba ang chismis kay Bidang babae kundi dahil kay chismosang extra?

Minsan na din kasi akong napasama sa isang storya. Hindi man bida, ako yung dakilang extra. Pero sana..

sana...

ako yung extrang nakagawa ng malaking impak kay bida...

 ---------*************----------

 [Mika's POV]

March 26, 2012

Ang sarap pakinggan ng hangin. Parang may sinasabi siya sa akin. Ang lamig-lamig niya. Ang sarap sa pakiramdam.

"Hinding-hindi na ko malulungkot. :) promise."

--------------------********************----------------------------

[Chino's POV]

Sa tinagal-tagal ko sa pag-aaral, ngayon lang ako di nalate sa pagpasok. Ang aga ko nagising. 

O hindi ata ako nakatulog?

"Uy! Kamusta?"

Barkada nila Uly, mga wirdo sa school. Namangha siguro sa pagpasok ko nang maaga.

"Ayos lang."

As usual, wala na silang nireact at nagpatuloy na sila sa paglalakad. Mga weirdo nga.

Muka na kong tanga dito. Parang nag-aantay sa kasintahang ang tagal bago sumulpot. Ba't ba kasi ako pumasok ng maaga? Para kumopya ng assignment? 

Ako nga pala si Chino Saavedra. 15 years old. At 4th year highschool. Isang dakilang basura sa batch namin. 

nakakahiya naman kay ateng nasa tapat ko. Nakayuko siya at natutulog ata. Napaaga din siguro gising niya. Gayahin ko kaya siya? Para iwas kahihiyan. Wow. Kahihiyan na pala ang pagpasok ng maaga. Ha ha ha.  Para sa iba, hindi. Pero sa 'kin, siguro oo. 

[yuko] 

Ay..

Teka...

Humihikbi siya..?

??

umiiyak kaya siya?...

Ah. Karaniwang iniiyakan ng mga babae ay lalaki. 

Tss.

Ang BABAW.

napaka-BABAW ng mga lalaking gumagawa nun.

Gusto ko man siyang tulungan, eh hindi ko naman kaya. Sa imahe ko sa skul, baka matawa lang lahat ng makakakita sa akin. At baka isiping ako pa nagpaiyak sa kanya. 

"MIKA!"

Si Mariel yun ah! Nakatingin siya sa babaeng nasa harap ko't nakayuko.

P-u-t-a.

Mika?

Mikaela Santos?

Si Mikaela pala..

Ang dahilan kung bakit pa 'ko pumapasok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si Malakas, Si Maganda at Si Extra.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon