GFFH SPECIAL CHAPTER- LOST CHAPTER #2 (Tommy + Raven Part 2)

121K 2.3K 194
                                    

GFFH SPECIAL CHAPTER- LOST CHAPTER #2 (Tommy + Raven Part 2)

Raven's POV

*sipa dito sipa doon

*suntok dito suntok doon

Grabe parang walang katapusan tong mga to ah..

Napatingin naman ako kay kuyang pakialamero..

Akalain mong ang galing din pala sa bugbugan neto??

Para syang si Kuya Nathan ngayon..

Hindi halata sa itsura nya na may ibubuga sya sa ganit--

"Sa harap mo!!!" natauhan ako nung sumigaw sya at makita ko nlng may susuntok na pala sa akin!

buti sumigaw siya kaya nakita ko agad at agad akong nakapag counter attack..

"Tingin kasi ng tingin sa akin.." -kuyang pakialamero

a-anu daw?

"Ho-hoi! si-sinong tumitingin sayo huh??"

"Wala.. mag focus ka nlng sa kalaban mo.. tch"

hindi nlng ako sumagot at dun ko nlng binuhos sa mga unggoy na lalaki ang galit ko..

*boogsh

aw.. nakita kong nasuntok nung isang lalaki si Kuya Pakialamero..

napahiga sya sa sahig..

Lalapitan ko sana sya kaso nahawakan ako ng dalawang lalaki..

"Wag kang makialam .. patay samin ang boyfriend mo!" -sabi nung isang lalaki

"Ho-hoi hi-hindi ko sya boyfriend huh?? pe-pero bi-bitawan niyo nga sya! bitawan niyo ko!" nag aalpas ako pero hindi ako makaalis

peste..

Pinagtutulungan na nila si Kuya..

tsk.. kasalanan ko to eh...

"Please tama na.. wag niyo syang idamay.. please ako nlng.. please.." nagmamakaawa na ako sa kanila pero wala,, parang wala silang naririnig..

hinawakan nung dalawang lalaki si Kuya Pakialamero tapos sinuntok naman sya nung isa..

tapos..

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaag!!" napasigaw nlng ako nung makitang pupukpukin ng baseball bat nung isang lalaki si Kuya Pakialamero..

Napapikit na nga lang ako nun eh..

pag mulat ko,,,

natatakot pa akong tumingin.. pero..

imbis na si Kuyang Pakialamero ang nakita kong duguan, eh yung lalaking papalo sana sa kanya ng baseball bat ang duguan ngayon..

tapos yung ibang mga lalaki, parang nagsitabihan.. tapos parang takot ang mga itsura..

"Salamat Valderama.." -Kuya Pakialamero habang nakaakbay kay .. Kuya Nathan??

"Hindi.. ako ang dapat magpasalamat sayo, mukhang may gulo na namang pinasukan ang magaling kong pinsan :)" - Kuya Nathan habang nakatingin sa akin..

"Hmp! hindi lang ako nakakaen ng almusal kaya natalo ako ng mga to no!!" sigaw ko kay Kuya Nathan

Lumapit sya sa akin..

"Baka gusto niyo ng bitawan ang pinsan ko no?? alam niyo naman siguro kung sino ako diba??" -Kuya Nathan na ang sama ng tingin dun sa mga lalaking nakahawak sa akin

Agad naman akong binitawan nung mga lalaki..

tapos..

"Pagkabilang kong tatlo, pag may naiwan pa dito kahit isa sa inyo, alam niyo na kung anung sasapitin niyo ^_____^" -Kuya Nathan

GFFH BOOK 1 { CONTINUATION OF SIDESTORIES }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon