Dribbled Heart. [Terrence Romeo]

3.8K 146 70
                                    

DRIBBLED HEART (UAAP’75 Inspired Story) – One Shot


Aishiteruhachi © 05 August 2012

 


 

 

 

Madaming nangyayari sa isang basketball court. Yung mga players naglalaro sa gitna at nagaagawan sa bola, kasabay nun ang pagpito ng referee kapag nagkakasakitan na. Sa court side naman, makikita ang mga maiinit na ulo na mga coach at assistant coach kapag nadedehado na ang team nila. Anjan din ang mga ang mga reporter ng bawat team at ang mga announcer. Lalo naman sa mga nanunuod na nakaupo sa bench. Mapa-Lower box o upper box man yan. Mga nagsisigawan para sa gusto nilang team at players. Minsan meron pang magiiskandalo at tatakbo papuntang court side para ireklamo ang mga players. Sa basketball court palang, kumplikado na ang buhay, pano pa kaya pag may humalo dito?

Tulad ng pagibig? :)

--

“GO FEU! GO TAMARAWS!!!!!!”

 


“GO RR GARCIA!”

 


“WHOOO! TERRENCE!!!”

 


“GO NUMBER 7!”

 


“KONTI NALANG!”

 


“FEU FOR THE WIN!”


 

“GO TAMARAAAAAAAAAAAWS!!!!!”

Grabe makasigaw mga kaibigan ko. Akala mo may kinakatay na biik eh!

“Uy, cheer mo naman mahal—este bestfriend mo! Hahaha!” Bati sa akin ni Yna nang makaupo siya sa tabi ko dito sa may bench.

Tumingin ulit ako sa court at tiningnan ung “bestfriend” ko. Siya na ang may hawak ng bola. Leading na din siya sa score sa lahat ng kateam niya. At leading na din ang team namin.

Dribbled Heart || COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon