Three ;; Valentine's Day

528 7 0
                                    

One Month Love

Three ;; Valentine's Day

** Althea's POV **

February 14 na ngayon.

Umaasa ako. Na kahit ngayong araw lang mapasaya nya ko.

Kahit simpleng pagbibigay lang ng flowers. Masayang masaya na ko.

I'm expecting that. Kasi sinabi nya.

**

Dito kami sa canteen. Ahm. Naghahanda para sa araw na to.

Tinutulungan namin si Justin, classmate namin. Well, may surprise kasi siya sa girlfriend nya, monthsary din kasi nila ngayon eh. At kasabwat ako sa pakulo nya.

"Oy pengeng choco choco!" sigaw ko sa kanila. Kasi ung choco choco ung ginawang pang-icing sa cupcake. Maraming natira kaya kanya kanyang kuha kami. Eh ako tong si mabagal. Kaya naubusan ako.

"Choco choco! Penge naman oh? Andaya, ang unti ng sakin."

"Eh ang bagal mo eh" Sabi ni Che habang kagat kagat yung choco choco nya

"Hahaha! Oo nga!"

"Sa susunod matuto ka na Nic! Haha bawal babagal bagal pagdating sa pagkain! Haha"

"Sige mangasar pa. Ako na nga naubusan eh. *o*"

"Manahimik nga kayo! Ang ingay nyo, tayo lang maingay dito oh?" saway ni Justin. Halatang inis na, kasi inubos namin ung para sa gf nya. Hindi pa nga nasosorpresa ubos na agad ung pagkain ahaha!

"Malamang, tayo lang naman tao dito eh." Sabi naman ni Romnick

"Tama na nga, mamimilosopo pa -----------" naputol yung sinasabi ko.

"Oh tapos na!!! Hahaha!" Sumigaw kasi si Karla. Yung tinutukoy nya yung cupcakes.

Tinignan ko yung nakasulat.

'H-A-P-P-Y M-O-T-.2'

Aww ang sweet. Mot.2 means monthsary.

Ang swerte ni Marien sa lalaking to.

Nakakainggit >.<

"Oh tara na! Mamaya nasa taas na yun sila!" Aya ni Justin. Hindi naman halatang excited sya.

"Sige, ako maghahawak ng 'A'!" Pangunguna ko.

"Ako 'H'!

"Y!"

At ayun, sunod sunod na sila.

Dalawa yung hawak ko. Ayus lang yan. Haha kasi kami kakain ng hawak namin! XD

**

"Oy look out! Tignan nyo kung anjan na si Marien ha! Kasama nun si Theresse!" Sabi ni Romnick.

"Anjan na sila! Anjan na anjan na!" Sabi ni Che na kadarating lang habang humihingal. Tumakbo kasi sya siguro nang makita na si Marien.

At tumakbo na rin sya palabas para salubungin si Marien. Sya kasi may hawak ng letter H.

"Happy mot.mot. I love you daw sabi ni Justin." Bati ko nung nakalapit na ko sa kanya. A and P kasi hawak ko. Saka binigay sa kanya yung cupcakes.

Ang sweet talaga.

Unti unti na ring naglabasan ung iba.

Nakakaawa si Marien. Andaming hawak na cupcake. Di man lang tinulungan. Haha

One Month Love &lt;3Where stories live. Discover now