Christmas Tragedy

789 17 6
                                    

Christmas Tragedy

Malamang ngayong Christmas magkasama si Neil at Clarsh... P*ta ayoko ng ganito!!! kung mas naging maaga lang sana ako...edi sana ako ang nanliligaw kay Clarsh ngayon... at eto Nandito na ang Loko!.

"hi tol!" G*g* maghanap ka ng kausap mo!! ang sarap sapakin nito!

"Pumasok ka na Hinahanap ka na ng Mommy mo..." nanggigigil talaga ko sa pagmumuka nito..

"Sige" ayan Sige dyan ka na!!! nakakairita ang pagmumukha mo..

may Reunion kasi kami kapag Christmas nandito ako sa labas ng bahay ... nako kapag naman kasi pumasok ako dun pagsasabihan lang ako ng mga kamag-anak ko.. at syempre pupurihin ng pupurihin si Neil.. Lagi namang ganun... nakasanayan ko na...ngayon lang nga ko naiinis kay Neil.. siguro dahil nadin sa pagagaw nya kay Clarsh.

*booooooom*

O_O 

halos mabingi ako sa pagsabog..

"Kyaaaaaaaahh!!!" F*ck anu yun!?! anak ng! nasusunog yung bakuran namin...

"Mommy!!!" baka napahamak sila ni Daddy...nakita kong lumabas sina tita kasama si Neil akay akay sya ni tito duguan ang paa nya..sigaw sya ng sigaw..

"MARK! DALHIN MO DITO YUNG KOTSE Mo!!!" sigaw ni tito.. alam nya kasi na ang kotse ko ang pinakamabilis sa lahat ng kotse namin...

"opo!" pumunta agad ako kung san nakapark yung kotse ko..ako nadin ang nagdrive.. Puta wala pa kong lisensya.. di kaya kami mahuli nito?!sigaw sakin ng sigaw si tito

"Mark bilisan mo!"Putek naman!!! sila kaya magdrive!!

Sa sobrang bwisit ko pinaharurot ko yung sasakyan ko..badtrip! Sa wakas nandito nadin kami sa Hospital .. sumakit na yung tenga ko kakasigaw nina tito at tita..., parang ako pa may kasalanan ng nangyari kay Neil..Nasa Waiting area ang buong angkan... Syempre favorite nila si Neil.. yan ang mabait sa kanila ehh...at ako ang black sheep.. as always...pabalik balik si tito sa paglalakad..halatang nagaalala kay Neil..

*Kriing..* 

May tumawag sa phone ni daddy..

"hello.." bati nya sa kausap nya , sino kaya yun?

" ahhh.. ganun ba.. sige" ang lungkkot ng mukha ni daddy..

"daddy sino yun?" wow! ang lupit ng kapatid ko... kung makatanong akala mo matanda.. grade 6 palag tong si Mico..

"yung bumbero alam na nila kung ano ang pinagmulan ng sunog.." -daddy

"ano nga ba?" parang galit yung tono ng boses ni Tita (nanay ni Neil)..habang yung iba nagaantay lang na matapos ni Daddy yung sinasabi nya..

"upos daw ng sigarilyo.. may sindi pa daw siguro yun... nasa tabi ng LPG tank.." tinginan silang lahat sakin.. syempre ako lang naman ang magaling na nagsisigarilyo samin... silang lahat hindi..

"Kapag may nangyaring masama sa anak ko..." pagbabanta ni Tito (Tatay ni Neil) 

"anong gagawin nyo?! ipapakulong ako?! papatayin ako?! o sige ngayon palang --" 

"MARK!" parang naguutos ang sigaw ni Daddy..

"lagi naman si Neil ang mabait sa inyo eh! ako lang namn lagi ang black sheep ng pamilyang to!sana pala di nyo nalang ako binuhay kung ganyan!!!!!!" lumayas na ko.. nilayasan ko sila... magsama sama sila!!!!

pumunta na ko sa garahe.. ii-start ko na sana ang kotse ko ng makita ko ang mga kalaro ko sa DOTA ,.. makapagdota na nga lang..

-----

umaga na ko nakauwi ng bahay.. syempre after sa comp shop pumunta ako ng Club... pumunta ako sa Hospital para dalawin si Neil...

"Nurse san po yung room ni Neil Patrick Fortuno?"

"sa room 301 po sir.." paccute pa yung nurse sakin... 

"thanks" ^_~ kahit badtrip ako syempre dapat inentertain ko pa din ang mga tagahanga ko..

pagpasok ko sa kwarto ni Neil..eto na naman yung mga tingin nila sakin...parang gusto nila kong patayin sa tingin ... p*ta!! naiinis na ko ahh.

tumayo si Tito(daddy ni Neil)..

"Alam mo bang dahil sayo.. nasira ang kinabukasan ng anak ko!!!" ngayong sinabi mo alam ko na..dinuro duro pa nya ko..tumingin ako kayna mommy pero iniwas nila yung tingin nila sakin.. wow ha! pati sarili kong magulang wala ng pakialam sakin...

"alam mo bang malabo nang makalakad sya ulit!!!" naiinis na ko pero nananahimik padin ako... alam kong kasalanan ko.. kaya hindi ako dapat sumagot at isa pa mas matanda sakin si tito.. alam ko naman yung salitang respeto kahit ganito ko..

kung anu-ano pang pinagsasasabi nya... wala na kong pakialam... hindi ko na pinakinggan,, inintay ko nalang na matapos siya sa pagsasalita..

-------------

Clarsh's POV

*Neil Calling*

wow! tinatawagan ako ni Neil.. parang di kami magkasama nung isang araw ahh..

"hello"

"hello Neil?" Bakit parang ang lungkot ng boses nya?

"Clarsh mapapaalam sana ako sayo..sorry kung hindi sa personal.."

"bakit?!" bakit sya magpapaalam?..

"pupunta muna ako sa Amerika"

"huh!?" anong gagawin nya dun.. ano ba yan! bakit hindi ko matanong,,, ang iikli ng mga sinasabi ko..

"magpapagaling muna ko.." magpapagaling!!?

"may sakit ka ba?"

"wala... kasi ano.. may aksidente lang na nagyari kahapon...kaylangan akong dalhin sa amerika.. dahil mas makabago yung gamit dun"

"pero Neil hindi ko mapapangakong maiintay kita" alam kong yun ang dahilan kaya sya tumawag..

"hindi ko naman hinihiling na hintayin mo ko.. ang gusto ko lang maging masaya kahit wala ako.."

"oo" medyo nalungkot ako..

"kelan pala alis mo?" tanong ko ulit

"bukas" bukas na agad!

"I Love You Clarsh" >///< ang lambing ng boses nya

"I know Neil..."

"bye" mapapansin mo na nakangiti si Neil sa mga oras na to .. sa way ng pagsasabi nya ng bye saka ko napansin

"bye"

Medyo nalungkot ako gusto ko sanang makita si Neil kaso.. Pinagbawalan:: nya ko... haaaaayyy..

(a/n: sorry sa matagal na update wag kalimutan ivote :) )

My Playboy Lover [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon